Monday, July 28, 2008

kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?

Busy


Busy


han


kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?

Naging sobrang busy ako ngayon araw na’to. Halos hindi ko namalayan ang oras. Sobrang dami kong ginawa simula nang imulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako para harapin ang umaga. Tumae at kinamusta ang mga nagliliparang lamok sa banyo. *maghugas nang kamay pagkatapos mong tumae*

Humarap sa salamin para alamin kung nasa ayos pa ang mga parte nang mukha (baka may naiwan sa unan). Inayos ang buhok ngunit hindi nagsuklay ( oh ha…inayos nang walang suklayan…lupet…hahah). Lumabas sa bahay para masikatan naman nang araw na parang halaman lang. Pumasok sa loob nang bahay, hinanap ang walis at nagsipag sipagan.

Naupo sa aking “thinking chair” sa harap nang computer. Natulala. Nacoma. Tumigil sandali. Nagpatugtog. Naisipang mag-almusal kaya kumuha nang lucky me beef at isang itlog.
Nagluto.
Kumain.
Niligpit ang pinagkainan.
Hinugasan lahat nang nasa lababo.

Nakipag bonding muli sa special friend habang nakaupo sa thinking chair. Chineck lahat nang pwedeng icheck na accountsssssss.

Nag shut down.
Naupo.
Nanood nang hep hep horey (yun lang ang pinanood ko)
Nahiga, hanggang sa macoma ulit. Naglunch nang alas dos.
Nahiga at muntik nang macoma (makatulog).

Pinagmasdan ang mga butiki sa kisame habang sila ay nag hehep hep horey. Hahaha…
May mga butiking naghahabulan na parang sinasabi nung butiki na “habulin mo ko butiking walang noo”
(parang ang daming butiki samin noh?)

Pumatay…

Nang lamok…
Lampas ata nang lima ang napatay ko.

Dumilim nang wala masyadong nangyaring may kabuluhan. WALA talaga.
Pero thankful pa din ako para sa araw na’to. Syempre blessing na yung buhay ka at may chance para masilayan lahat, kahit butiki.



Dumadaan ang bawat emosyon
Kasabay nang paglipas nang oras

Nababawasan ang bawat sandali
Kasabay nang pagdami nang iniisip

Mistulang isang baldado
Inutil
Walang silbi
Na hindi alam kung anung mararating

Nawawalan nang pag-asa
Kasabay nang pagpatak nang luha.

Walang lugar na mapuntahan
Kasabay nang paglisan nang diwa

Pinipilit intindihin ang lahat
Kasabay nang pagkalito sa mga nagaganap

Sinisikap maging masaya
Kasabay nang pagkubli nang umiiyak na kalooban

sa muling pag sikat nang araw
sana ay lumipas ang nararamdaman

Friday, July 25, 2008

magulo lang talaga akong magkwento

Matapos ang isang nakakapagod na araw kahapon na muntik na si akong hindi makauwi dahil sa strike ay namiesta naman ako kanina.

Bago yon, ano nga ba ginawa ko kahapon (July 24, 2008)?

Nagpunta ako nang Pasay at Makati. Anung ginawa ko don? Pinagod ko lang naman ang sarili ko. Maiba lang…Nagpagala gala…namalimos…nanlalake (boss chiks)…

hmmm…ang totoo, interview ko kahapon kaya ako nandon…nagiging immune na nga ako sa mga ganitong bagay…At muntik na nga akong walang masakyan pauwi dahil ang mga bus na papuntang Lucena ay hindi dadaan nang San Pablo dahil sa strike. Ayun, pero nakauwi naman ako. Ligtas, walang labis walang kulang. *end*

Fiesta kina jowa ngayon. Hindi sana kami pupunta dahil lumakas ang ulan. Kumulog, kumidlat. Pero dahil tumila naman tumuloy na rin kami.

Ang bilin sakin nang aking ina ay wag daw akong papagabi don. Medyo may kalayuan yung lugar, o as in malayo talaga. Tapos mahirap yung signal. Ilang minuto rin ang byahe papunta don at piptin ang pamasahe.


(Habang nasa tricycle)

Pam: oh may patay, fiestang fiesta. (hindi ko sure kung yan nga yung exact word, pero parang ganan yung sinabi niya)

Dumating kami sa bahay nina jowa. Kumain. Kwentuhan.

(eto ang dahilan kung bakit ayaw nang aking ina na gabihin kami don)

Lasing: Lumabas ang matapang!!!


Ito ay dahil kapag madilim na o pagabi na ay naghahamon na ang mga lasing, nagkakaroon na nang “shooting”

Gumagawa nang eksena ang mga lasing. Tapos yun palang nakaburol nabaril kagabi. Disperas pa lang may eksena na agad. Kaya naman 6pm pa lang umalis na kami. Hindi lang naman pag fiesta may mga kakaibang eksena. Pero madalas lang talaga pag mga ganung okasyon dahil kaliwa’t kanan ang inuman. Barilan dito, barilan doon, saksakan dito, saksakan doon.

Sumakay na kami pauwi at etong si manong tricycle driver parang walang bukas kung magdrive. Daig pang may sakay na manganganak. Wala sa bokabularyo niya ang salitang "mabagal".

Ako: manong!! Hindi kami nagmamadali….hindi kami nagmamadaling mamatay!!!

Hindi ko sinabi yan, dahil nanatili akong kalmado at tahimik. Ahahaha

Off topic (kahit parang wala naman talagang topic) – ang ingay nang nanay ko…aliw na aliw sa panonood nang basketball…dalang dala…

Tuesday, July 22, 2008

under my unwanted attitude

Wala akong balak na gawin tong post na ito. Pero dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman (galit/pagkamuhi/inis > na parang iisa lang naman ang meaning, basta combination nang lahat nang negative sa mundo) ngayon araw na’to kailangan ko ilabas to. Kailangan ko itong ilabas kahit sa ganitong paraan dahil baka sumabog ako (para lang itong sakit nang tiyan, nakakaramdam nang pagtae na hindi kayang pigilin). Hindi ko pa naranasan ang magalit to the highest level sa buong buhay ko. Kung magalit man ako hindi ako nanakit o sumigaw sa kahit sinong nilalang nang Diyos.

Ayoko nang may okasyon dito sa bahay o sa kahit sinong kamag-anak namin sa side nang father ko. Lalo na kung kinakailangan nang presence naming pamilya. Bakit ayoko? Dahil sa nangyaring hindi pag kakaunawaan sa mga kamag-anak namin (which I don’t consider relatives anymore!!). Hanggang ngayon hindi pa rin “ok” ang tingin ko sa kanila at alam kung kailan man ay hindi na maibabalik ang dati. Tanggap ko ang ganitong paniniwala. Walang anu mang lumipas ang maibabalik!!! Kahit maging okay ang lahat para sakin hindi ko pa rin maaalis ang mga nangyari. I do forgive but I will NEVER forget!!! Bitter ako!!! and that makes me hate them soooooooooooo much!!! Nag fofountain ang dugo ko sa kanila!!!
Naging mabait ang mga magulang ko sa kanila. Kaya ganito ang reaksyon ko. Alam ko na pilit inaayos o gusto nang mga magulang ko na maging maayos ang lahat. At kung iniisip nila na mas pinapalala ko lang ang lahat nagkakamali sila. Ganito ako at ayoko magbago para sa mga KAMAG-ANAK NILA!!! Kung pipilitin nila ako sa ayaw ko, baka pag sisihan nila…

Ayokong sila ang maging dahilan para mapagalitan o magalit sakin ang mga magulang ko, wish is nangyari na…fresh na fresh…wala pang isang oras ang nakalipas. Kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang galit ko. Anung nangyari? Birthday nang lola ko ngayon, at present ang ilan sa mga kamag-anak namin. Malapit lang ang bahay nang lola ko sa bahay namin, tatalong bahay lang ang pagitan. Pinapapunta ako ni erpat don para kumain. AYOKOng pumunta, pero wala akong nagawa, ginalit ko lamang ang tatay ko dahil sa pagiging MATIGAS ANG ULO!!!

Mommy: “marunong kanang lumaban ngayon?”

Ano pa nga bang magiging reaksyon ko dito? Ayoko sanang maging pasaway na anak. Dahil hindi naman ako naging ganon. Pero ngayon nakikita ko na na unti unting lumalabas ang sungay at buntot ko (hindi pala lumalabas, humahaba). Hindi ko kailan man pinilit ang sarili ko na gawin ang isang bagay na alam kong ikasasama lang nang loob ko. Kaya naman ang makita sila o marinig man lang ay iniiwasan ko dahil bumabalik lang ang mga nangyari na nagiging sanhi nang pag kamuhi ko sa kanilang lahat. Hindi ko kayang mag LET GO, kung ang isang bagay, tao, pangyayari ay sobrang tumatak sa isipan at lalong lalo na sa puso ko sinisigurado kong pang habang buhay na yon. Mabigat mang pakinggan, pero seryoso ako sa oras na ito (ngayon lang). Ayoko sana nang sobrang seryosong entry sa blog na’to pero hindi maiiwasan.

Yan nagdadatingan pa ang mga kamag-anak NILA!! Dumadami sila!!!putang ina!!! Ayoko silang makita. Ayoko pumunta don para makipag PLASTIKAN lang sa kanilang lahat. Mas gugustuhin kung matulog dito sa bahay kaysa maging HANGING napadaan lang don!!!

Paksyet silang lahat!!! (hindi naman masyadong halata na galit ako)

Pasalamat na nga sila na sa ganitong paraan ko na lang inilalabas ang galit ko. Ewan ko lang, pero kung pipilitin nilang ilabas ko ang sungay at buntot ko baka umapoy ang paligid. Ngayon parang may gusto pa ring kumawala sa dibdib ko. Alam ko na hindi ito sapat pero malaking tulong pa rin to para kahit papaano e mabawasan naman ang paksyet na feeling na’to.

Ayoko sa kanila!

ayoko silang makita!
I hate them!
paksyet!
Taena!

kung hindi masamang pumatay, baka nakarami nako. Isang buong angkan na sana ang pinasabog ko…


I’m not nice!!!
I am evil!!!

Hindi dahil pinanganak akong ganito, kundi dahil sa mga taong ginawa akong ganito.

Kung lahat nang taong masama ay meron pa ring kabutihang itinatago.
Ang mabubuting tao meron pa ring bahid nang kasamaan.
Walang perpekto, wag kang feeling…

Though I am born with wings and halo,
I can still be as evil as you want to.
Don’t push me to do wrong; I might enjoy doing it to you.
Don’t make me evil, because I assure you that I will be evil for the rest of YOUR life.

Hindi ako babalik don kung pabalikin man ako nang tatay ko. Hindi sila ang iniisip ko, SARILI ko!!!ayokong tuluyang masira ang araw ko. Selfish ako sa araw nato.

Saturday, July 19, 2008

ang tulog na hipon , tinatangay ng agos

hindi ko alam kung pano ipapaliwanag o ikokonek ang title..nabasa ko lang siya...^_^

------------------

Title: ang kalabaw sa bukid ay matanda na, nasan ang bukid? Nasan ang kalabaw?akala mo lang wala, pero wala talaga… (wala ulit konek to)

-------------------

ang totoo, wala akong maisip na title...


oooppppssss may bigla akong naisip...



ANG PUNO NANG KAMATIS!!!


Natatawa ako sa lola ko, narinig kong nag-uusap ang mga magulang ko at ang lola ko sa kubo ilang araw na ang nakalipas. Medyo malakas silang mag-usap dahil mahina na ang pandinig nang lola ko. In short, pasigaw ang usapan nila. (Kala mo ang sasabihin ko bingi noh?) Minsan pag ako ang nakikipag-usap sa lola ko gumagamit ako nang sign language. Kasi pag wala siyang kasama sa bahay nila dito siya samin natutulog, e dahil inaabot ako nang hating gabi sa pag papalabo nang mata pinag-sasabihan niya ako. Kesa sumigaw ako, sinesenyas ko ang aking kaliwang kamay, yung parang give me five..lols..talk to my hand…lol ulit…na ang ibig sabihin ay “mamaya” “sandali lang”. Ganon na lang ang ginagawa ko para hindi magising si erpat at mudra. Naalala ko nung minsang tumawag ako sa bahay nila, lola ko ang nakasagot nang telepono. Sabi nang lola ko;
“lakasan mo at aku’y binge!”
ahahahahahahahahah
Hanggang ngayon pag naaalala ko yon at nakukwento sa iba, natatawa pa rin ako.

Lola ko siya sa father side, wala na ang lolo ko, pumanaw, ilang taon na ang nakalipas at tanging ang gitara lang niya ang nagsisilbing alaala niya sakin. Magbbertdey na si nanay (yun ang tawag ko sakanya), tumataginting 87 years na siyang nabubuhay, humihinga…pero sa edad niyang yon ay wala siyang ginawa kundi maglinis, mag walis, at mag pabalik balik kya lagi siya napapagalitan ni erpat. Mahirap na at baka madapa. E noon nadapa siya at tumama ang ulo, ayun bukol (parang bata lang ang knukwento ko). Tapos ang kulot salot kung kapatid sabi sakin; “mabagal na nga maglakad si nanay nadadapa pa…” lol

Nung nasa kubo sila sa labas nang bahay, narinig ko na sinabi nang lola ko na “bat nga naman pag mababait madaling mamatay?”

(syet!!!baka kunin na din ako..oopss! feeling si ako!!)

Tumatawa lang ako habang naririnig ang usapan nila..

Lola: tingnan mo si Ate Sima (kapatid niya) yan sobrang taray niyan.

Si Lola Sima ay matagal nang may sakit. Ewan ko, pero ang dating sakin nang pagkakasabi nang lola ko ay dahil masama si Lola Sima ay hindi pa siya kinukuha ni Papa God.

Bigla kong naisip to:

Kung ayaw mo pa mamatay maging masama ka
Kung gusto mo na mamatay magpakabuti ka

Pero para sakin, unahan lang naman ang kamatayan.
Kung mauna ka, swerte mo. Kung buhay ka pa wag kang mainggit mamamatay ka rin, wag mong pangunahan ang Diyos, WAG KANG EXCITED!!! Wag kang gumaya sa mga nagsisipag akyatan sa kung saan saang matataas na lugar at gumagawa nang eksena. Iniintay ko na lang ay yung may mabalitaan ako na umakyat sa puno nang kamatis dahil nagsasawa na siya sa buhay niya..lol *korni*

Friday, July 18, 2008

lets volt in...vontes payb

Nung isang araw naisipan kong magkaroon nang social life.

“tara kita tayo bukas”

Natuloy naman at nakalabas nga ako nang bahay kahapon. Nakakita nang mga puno, ibon, gusali, ibang tao, sasakyan, nakita si Jabi at si Ronald.

Ako: paalala mo sakin may nak nak ako sayo mamaya…ahahah…baka kasi makalimutan ko…alam mo naman ang isip ko kung ano anong pumapasok, kelangan ilabas agad…taenang isip to…lol

Nagpagkasunduang magkikita kami nang 1pm.

Que: kala ko ba i-momove natin?
Ako: ilang move ba?haha
Que: 1 move…hahah
Ako: sige, sige 2pm.


Mag-aalas dos na…

Que: hindi pa ko naliligo
Ako: oh? Bakit nasa akin ba ang banyo? hawak ko ba ang tubig?hahah

Mag-aalastres na.

Ako: bukas pa ba tayo magkikita?ahahaha
Que: ahahah…wet lungs (blah blah blah..nakalimutan ko na yung sinabi niya…tapos sabi nya alis na siya, kaya umalis na din ako)

nagkita nga kami, sa jabi, tapos lumipat sa kabilang jabi dahil andun yung isa naming kabarkada. Isang oras din tumambay don hanggang sa nakita si jabi na gumagalaw…ahahah…sinabi ko na rin ang nak nak ko. yung nak nak ko ay tungkol dun sa kabarkada namin na pinuntahan namin dun sa jabi.

Ako: nak nak!!
Que: who’s there?
Ako: meng.. (pangalan nung kabarkada namin)
Que: ahaha…meng who?
Ako: meng meng de sarapen, de kutsilyo, de almasen…lol
(parang ngo ngo lang)

nagpaalam kami sa kabarkada namin na maglalakd lakad lang (parang aso lang…walk..) at babalikan namin siya.

lakad…lakad…
”san tayo pupunta?”
“tara sa alabang…”
“alanganin, anung oras na?”
“tara sa mcdo, sa tiaong!!”

“tara!!!”

sumakay sa jeep, bumaba sa mcdo, kumain, lumabas, nag-abang nang jeep at yung jeep na nasakyan namin ay yung jeep na sinakyan namin nung papunta kami. (parang ang gulo ata nang sentence ko? parang salawikain lang.)

Manong driver: oh? Kayo na naman??mukang kumain lang kayo ah.
(feeling close si manong)

Nakabalik kami nang San Pablo, at bumalik sa jabi.

Kung iisipin lakas trip kami kahapon, kasi yung jabi na tinambayan namin, katapat lang non ay mcdo, pero dumayo pa kami sa malayo para dun kumain.

Isang balita rin ang nalaman ko, balitang hindi nanggaling sa dyaryo. Buntis ang former friend ko na nagpa-guidance sakin nung high school ako. Syempre former ko na siyang ituturing, pag ginawa ko pa naman siyang best friend matapos niya akong ipa-guidance e sobrang bait ko naman. Tapos parang ang dami namin nakikitang buntis, uso ba talaga? Nagbabawas na ba ang Diyos kaya nagpaparami na sila? Pabata nang pabata ang mga butete ngayon este mga buntis pala. Para lang silang nagtatransform into vontes payb..*korni*


(Kung susuriin parang mas mahaba yung intro kung ibabase sa title)

Wednesday, July 16, 2008

title: "pano kung ang agos ay papunta sa mabato o malalim na parte?go with the flow ka pa rin ba?

Yan na ata ang pinakamahabang title na naisip ko (sa ngayon) pero wala naman siyang konek, naisip ko lang...

eto ang kwento... (open curtain)


Naglinis ako nang bahay kahapon para naman maging productive ako kahit minsan.
Nilipat ang mga kasangkapan, pinagpalit palit nang pwesto na parang may trip to Jerusalem lang. Matagal tagal na din akong hindi nag-gegeneral cleaning. Samantalang dati, nung nag-aaral pa ko, tuwing uuwi ako nang weekends e nagkakatulong ako dito sa bahay. Siguro dahil lagi na akong nasa bahay ngayon di tulad dati.

Bakit nga ba parang tamad na tamad ako? (hindi ko rin alam)

Nung nakaraang linggo nagkasakit ako.
Ubo
Sipon
Lagnat
Sakit nang ulo
Asthma
Kaya lalo na ko naging walang silbi,baldado, inutil dito sa bahay. Pero sabi ni que uso daw yon. Pero, pero, pero,,, naman!! Hindi naman ako mahilig sa uso e bakit ako pa ang nausuhan nito. Pero ok na, magaling nako, este, ubo na lang.

Asthma.
Bata pa ko may asthma nako.(hahah..parang tell something about your self,…tapos nadapa ako at nasugatan…lol) Lahat na ata nang paraan para mawala to e ginawa na nang mga magulang ko. Halos lagi akong absent nung elementary ako dahil don. Suki na rin ako sa clinic. Pero nawala naman siya, naging inactive sa paglipas nang mga taon. Pero nitong nakaraang linggo, non ko lang ulit naramdaman ang tinatawag na hika. Syet! I can’t breath!!!

Que: wag na kasi ikaw magyosi, iyoyosi na lang kita.
Ako: aba jowa pag nagyosi pa naman ako sa ganitong kalagayan e parang sinabi ko na rin na gusto ko nang mamatay..juzcoh!!! gusto ko muna magkatrabaho, magkaasawa at magkaanak…at yumaman…wahahaha…

Inaabot nang mahigit dalawang linggo kung ubuhin ako. At ayoko nang ganon dahil ang hirap kumanta (sa banyo). Pag nagbibigay nako nang senyales na uubuhin, nakahanda na agad ang gamot ko. Ang anti-asthma ko. Immune nako sa pag-inom nang gamot, kabisado ko na kung san ko ilalagay ang tableta/capsule para mainom ko ito. (sa noo, pagagalawin hanggang makarating sa bibig, parang piso lang, yung laro…basta ganon…)

Birds of the same feather, hindi tayo birds...

Meron akong friend na kahit wala masyadong paliwanag nagkakaintindihan kami. Eye contact, alien,gay o mapa-sign language, gets na namin ang isa’t isa. Ngayon, bigla ko lang siya naisipan gawan nang eksena dito. Tutal siya naman ang laging nakakaalam kung san na ko napapadpad nang kakaregister ko.

Pareho kami nang school nung elementary, pero hindi ko siya kilala. Naging classmate ko siya nung first year high school at naging kabarkada hanggang ngayon. First year high school ko lang siya naging classmate pero yung friendship tumagal at sana por-e-ber na. Sa lahat nang friends ko siya yung madalas o sabihin na nating laging unang nakakaalam nang mga pangyayari sa buhay ko (bawal tampo mga friends). Minsan nga mas nasasabi ko sakanya ang mga bagay bagay kesa sa nanay ko. Siya na siguro yung pwede kong ituring na existing blog ko. Gumagalaw, humihinga, nagsasalita, sumasayaw, kumakanta, tumatakbo, naglalakad, umiibig (lol). Hindi ko naisip na magiging ganito yung friendship namin kahit marami kaming pagkakaiba although maraming bagay kaming napagkakasunduan, lalo na kung kalokohan.

Itatago ko siya sa pangalang “que”…ang babaeng ipinanganak na maraming abnormalities, kupalogs, bogaloids sabi niya (it shows…heheh). Nagkaroon kami nang “tawagan”, sumulpot dahil sa halos araw araw kaming magkasama, magkatext , magkausap. Hindi tulad nang tawagan nang mga “normal” na magkakaibigan (girl, bakla, pare, best…)

Jowa…ahahah..yan ang naging alyas namin sa isa’t isa…


at ganito kami mag-usap…
Nang kinuwento ko saknya na napanaginipan ko ang lolo ko na almost 4 years nang sumakabilang buhay.

ako: tapos ayun nga...naisip ko na baka sinusundo lang ako...ahahah
ako: taenang trangkaso ito...nakakapraning
que: tae jowa
que: wag kang magpasundo
que: babanatan ko yang lolo mo
ako: kaya kong magisa,,,ahahah

nang minsang magbago ang isip ko para iadd ang bf niya dun sa isang account ko para malaman kung online ito nang kapanahunang yon.

que: bakit nagbago isip mo?
ako: babae kasi ako kya nagbago isip ko
ako: ahahahahahahahah
que: kelan ka pa nag pasex change?
ako: gagu!!!!
ako: ayoko na kc maging tulad mo
ako: ahahahahahah
ako: ayoko na kc maging lalaki...
ako: ahahahahaha
que: ngsawa k nmn kgad
que: tsk tsk
que: c aq hnd pa
ako: ahahahaahahah
que: aliw pa s pagigng lalaki


Magulo kaming mag-usap…or magulo kaming kausap…
Pero kahit ganon nagkakaintindihan pa rin kami. Kaya naming pag-usapan ang maraming bagay nang sabay sabay sa text or chat. Talent na ata naming dalawa yon.

Gusto ko pa sana habaan tong post na’to kaya lang ala una na nang madaling araw. At mamaya lang nang konti may voice over na akong maririnig

“matulog kana…”

Tuesday, July 15, 2008

D conversations

Mommy: eto na lang susuot kong tsinelas
Ako: ok
Mommy: tingnan mo, hindi kya ako itakwil nito??
Ako: bat kayo itatakwil niyan? Anak ba kayo niyan??lol

------------------------------

Tutoy: ate, gusto mo burger?
Ako: bakit? Gusto mo?

Tutoy: bili tayo, sabihin mo kay mommy.
Ako: Mommy yung anak niyo naglilihi…

------------------------------

Kevin: ate! Ate!
Ako: ----
Kevin: ate!!!
Ako: kevin!!!
Kevin: tanga ka!
Ako: ahahahah
Kevin: nabula ba ang zonrox?
Ako: tanga ka! Sige intayin mo bumula para bukas ka pa matapos.

---------------------------

Daddy: (nakita ang isang banner nang punerarya)
Patay na pala si major!!
Ako: ahahah…daddy yun yung pangalan nang punerarya!!!lol
Hindi si major ang patay…

---------------------

Nagluto si soon to be sister-in-law nang adobo, hiwalay ang sabaw sa laman.

Ako: ano to?
Tutoy: sabaw.
Ako: bakit hiwalay?
Tutoy: ganun daw sa kanila (soon to be sister in law) e.


----------------------

Ako: oh, eto ang sabaw.
Kevin: bakit hiwalay?
Ako: ganun daw sa kanila (soon to be sister in law) sabi ni tutoy.
Kevin: pano pag tinola?
Ako:ahahah...e di hiwalay din.
Kevin: pano pag BBQ? Hiwalay yung stick??
Ako: LOL
Kevin: ano?masaya kana don? Natawa kna??

-------------

Mababaw lang akong tao, sa mga simpleng usapan natatawa na ko.
Madalas ganan lang ang takbo nang usapan namin sa bahay. Lalo na pag inaatake ako nang topak ko.

Saturday, July 12, 2008

10 minutes before 12 midnight

Wala naman akong inaabangan na mag cecelebrate nang birthday niya, napatingin lang ako sa orasan namin. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko naramdaman ang oras, masyadong mabilis ang panahon, ang hirap habulin *hingal*. Nung sabado nag-simulang kumati ang lalamunan ko, ngayon inuubo nako at mahigit dalawang daan ang gamot na iniinom ko sa isang araw.
-
-
-
Parang kailan lang, magkabati pa kami nang pinsan ko, masayang naglalaro nang jolen sa labas nang bahay. Hanggang sa nag karoon nang conflict between sa family niya at sa’min. Tapos ngayon unti unti nang lumilipas ang lahat.
-

-
-
Parang kailan lang, naglalaro ako nang sipa sa malawak na field nang school namin nung elementary ako. O di kya ay pinagmamasdan ang mga nagliliparang sipa sa field at inaabangan ang tatamaan nito, lalo na pag may dadaang teacher. Ngayon, ang malawak na field ay pinatayuan nang gym. At syempre hindi na rin ako nakakapag laro nang sipa.
-

-
-
Parang kailan lang, bumuo kami nang banda nang mga kabarkada ko. Nagpractice at nakakilala nang mga iba’t ibang klase nang tao. Tumugtog at nadisband, ngunit ang samahan ay hindi nagbago sa paglipas nang panahon, nabawasan man (yung lang nabawasan lang, hindi naman kami nadagdagan e). Isang hindi makakalimutang pangarap ang nabuo, ang magpatayo nang ospital na may bar…(haha..san ka pa?) Ngayon?sa aming grupo, 2 psych, 3 nurse, 1 pharma…lahat….tambay!!heheh
-

-
-
Parang kailan lang, nang mapagalitan kami sa chapel at tanungin nang isang teacher nang hindi ko makakalimutang tanong, “are you praying?”. Ang dahilan kung bakit kami natanong ay dahil sa isang mababaw na kadahilanan, pinagtatawanan nila ang madumi kong sapatos, na halos gumulong sila sa kakatawa, yan tuloy napagalitan…

-
-
-
Parang kailan lang hindi ako marunong mag commute. Yun lang…parang kailan lang…
-

-
-
Parang kailan lang, hindi pa ako mahilig sa mga ganitong bagay. Walang inatupag kundi ang matulog, kumain, mag sounds, at matulala. Pero ngayon, daig ko pa ang nakikipag-paligsahan sa padamihan nang account. Register dito, register doon, join dito, join doon. Delete dito, delete doon =p



Ang bilis nang panahon
Halos hindi ko maramdaman ang bawat segundo
Lumilipas lang ang bawat sandali na parang hangin
Laging may mga panibagong yugto
Pero ang mga yugtong ito ay tila paulit ulit lang

Ang hirap habulin nang oras
Lalo na kung ang oras mo ay nakalaan sa maraming bagay
Ang hirap sabayan nang takbo nito
Hindi ka pwedeng tumigil, hindi mo rin pwedeng unahan

Sabayan mo ang oras
Sumabay ka sa agos nang buhay



Parang kailan lang…


Kanina gumising ako, at ngayon matutulog na ulit…


Diyos ko, Maraming salamat para sa araw na’to at sa mga darating na araw sa buhay ko...

Thursday, July 10, 2008

pamatay na quotes

Sino ba ang hindi nakaka received nang mga pamatay na quotes?
Mapa joke man yan, about love, friendship, etc. etc. etc. Mga quotes na kikiligin ka, matatakot, matutuwa, maiinis, lahat na nang pwedeng emosyon.

-
-
-
Pero isa lang ang kinoconsider ko na pamatay talaga…
ito ay walang iba kundi ang
-
-
-
-



Chain message!!!




Dahil ang chain message pag hindi mo pinasa sa iba ay mamamatay ka!!!
Pwede ring hindi ikaw, maaaring ang nanay, tatay, o sino man sa pamilya mo o ang buong lahi niyo isama pa ang mga alaga niyong aso. syet!

Hindi ka lang papatayin nang mga chain messages. Bibigyan ka din nila nang sangkatutak at libreng kamalasan na pwedeng tumagal nang tatlo o limang taon o por-e-ber!!!lLalo na ang kamalasan sa lablayp.

Minsan na akong naging lakas trip sa chain message. Kung ilang beses kailangan isend ito, ganon karami ko ibinabalik sa taong nag send sakin. Hanggang ngayon naiirita ako sa mga nagfoforward sakin nang mga chain message. eeeeerrrrrrrrrr
tantanan niyo ako!!!


Wednesday, July 2, 2008

hmmmm

I've always been the kind of girl
That hid my face


Mahiyain ako…totoo yon…promise!!! Lalo na nung bata pa ako. Hindi ako masyado nag lalalabas nang bahay. Mga kapatid ko lang ang kalaro ko, mga pinsan ko (taguan, jolen, sikyo, sipa…boy na boy noh?).

So afraid to tell the world
What I've got to say


Hindi ako vocal na tao. As in, minsan kahit may gusto akong sabihin mas pinipili ko ang manahimik na lang. Tamang naglalaro na lang sa isip ko yung mga gusto kong sabihin. Pero ngayon hindi na sila sa isip ko lang naglalaro, pati sa mga blog entry ko. (kya nga aliw na aliw ako magregister sa mga blog sites) Tumbling tumbling ang mga words and everything. Naalala ko nung elementary ako nireklamo ako ng teacher ko, sinumbong ako kay mudra hindi dahil sa kadaldalan sa klase kundi dahil ang tahimik ko daw. Hindi ako magaling sa recitation, more on written ako. Hindi ako nagsasasali sa mga activity, tamang estudyante lang ako, ordinaryong estudyante. Nung minsang nagkaroon nang balagtasan nung elementary ako, kasali ako dahil no choice. Medyo malawak yung lugar kya kelangan nang malakas na boses. Nagulat ang mga classmates ko at mga nakakakilala sakin nung nagsalita na ako, napatunayan nila na hindi ako pipi. Pero ngayon medyo nagbago na ako, marunong nako magsalita…hahah..Pero hindi pa rin mawawala yung ako na tahimik lang pero rock.lol..

But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show, it's time
To let you know


Madami akong pangarap sa buhay. Isa na don ang matagal ko nang pangarap ang kumanta. Pero ang pangarap kong yon ay pang banyo lamang. Pangarap na pansarili lang. Minsan na akong nainvolve, nakiuso, naging myembro nang banda nung high school ako, una sa keyboard, tapos guitar, pero hindi ako naging vocalist. Alam nang mga close friends at family ko na “marunong” ako kumanta, pero wala talaga akong lakas nang loob. Walang kapal nang muks. Hanggang ngayon gusto ko pa rin maging involve sa music industry. Maging isang artist sa kahit anung paraan.
Nangarap din ako na maging isang doctor tulad nang marami nung sila’y mga musmos pa lamang.
Marami akong pangarap, yung iba nakalimutan ko na. Libre naman mangarap (isang gasgas na linya) ang kailangan lang ay may gawin ka para matupad ang mga pangarap mo.

This is real, this is me
I'm exactly where I'm supposed to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me

Do you know what it's like
To feel so in the dark
To dream about a life
Where you're the shining star

Syempre sa mga pangarap ko, kapag nag dadaydream ako kahit gabi, ako ang bida. Sino ba naman ang gustong hamakin sa sarili niyang pelikula diba? Yun ang isang way ko para makatakas sa realidad nang buhay, paraan ko para isipin na ok ang lahat sa oras na hindi naman talaga, kaya hindi nako magtataka kung bigla ko na lang kausapin ang mga butiki sa kisame. Hobby ko na yon, hindi ako kausapin ang butiki kundi ang kausapin ang sarili ko. lol
Bida bidahan lagi ako sa mga eksena sa isip ko, pwede na nga ako gumawa nang isang teleserye o libro, chapter by chapter pag pinagsama-sama lahat nang fantasies ko, isama pa ang mga panaginip. Horror, love stories, action, name it, I have it…all in my mind.

Even though it seems
Like it's too far away
I have to believe in myself
It's the only way

I have to believe in myself and that’s what I am doing.


*the excerpt is from the song this is real, this is me from the movie camp rock*

medyo magulo...parang hindi magkakakonek yung mga sinabi ko...naguluhan ako sa ginawa ko...hahah..

Buhay prinsesa!!!

Sino? Ako?
Kung ang buhay nang isang prinsesa ay tulad ng sitwasyon ko ngayon, sana naging katulong na lang ako. lol…
Hindi ako buhay prinsesa dito sa’min. Katulong ako!!! I repeat katulong ako…
-
-
-
-
Katulong nang mga kapatid ko, taga linis nang bahay, taga hugas nang pinggan, taga plantsa, etc. etc. etc. Kahit panganay ako at ako dapat ang maging taga “utos”, baliktad ang sitwasyon. Ito ay sa kadahilanang spoiled ang mga utol ko sa’kin. Lagi silang “ate ganito, ate ganyan”. At isa pa wala akong laban sa kanila, talo ako sa height at bugbugan kahit mas macho ako sa kanila. At ang pinaka dahilan ay dahil super love ko mga utol ko kahit magkaibang magkaiba sila kaya lagi silang nagbubugbugan. Asar talo lagi ang drama nung dalawa.
-
-
-
Lumipas na naman ang isa pang araw ng buhay ko. At ganun pa rin, walang pag babago. Pero hindi ako nagrereklamo. Nagpapasalamat pa nga ako at nagigising pa ako sa umaga kahit na madalas ay tanghali na akong nagigising.
-
-
-
Ngayong araw na’to pinalampas ko ang isang pagkakataon para magkaroon nang trabaho. Kung tinanggap ko yon by Monday pwede na ako mag simula. Kung bakit hindi ko tinanggap? Parang ganito lang;
-
-
-
parang sitwasyon nang isang babaeng nililigawan nang lalake na hindi naman niya gusto or hindi siya sigurado kung mahal nga niya.
Pero bakit ako nag-apply don? Dahil, nagbakasakali lamang ako, at hindi ko naman inaasahan na magiging ganon kabilis ang proseso nila.
-
-
So pano na ngayon?
-
Wala, ganito na lang. Buhay prinsesa na inaakala nang iba.
Katulong na prinsesa…hahah

kanta?hinde!

Alas dose na nang hating gabi at mulat na mulat pa ko (walang kurapan).
Ngayon araw na’to masasabi kong hindi ako naging productive at hindi na bago sa’kin yon.

Bakit? Dahil buhay prinsesa ako?

Ang tanong ay walang konek sa entry.

Intro:

Wala naman talagang kwenta ang ginagawa ko, natawa lang ako sa sarili ko, sa sobrang babaw ko napapatawa ko mag-isa ang sarili ko *galing…clap*

Verse 1:

Hindi ito kanta…wala lang naisip ko lang lagyan ng verse and intro…mamaya chorus naman tapos refrain wag na adlib kasi puro adlib na…

Ay eto pala

Adlib: UMUULAN!!! Iskeyri…natrauma ata ako kay bagyong frank. Hindi ako pinatulog nang bagyong yon…syet! pano ba naman sumisipol ang hangin…kung may tono sana, ok pa…lol…waaaaaaaahhhh kelangan bilisan baka magbrownout…faster! faster!

Verse 2:

Kaya ako natawa dahil may na received akong text, eksaktong alas dose…nagulat ako kasi tahimik tapos sabay tunong ng phone ko *pikachu*…tiningnan ko kung sino, pero hindi ko binasa…may nagtext ulit *pikachu*, tiningnan ko pero hindi ko ulit binasa…naging ugali ko na na hindi muna binabasa ang mga text message lalo na kung quotes lang naman. Binabasa ko na lang yon pag wala ako magawa o pag naalala ko na may nagtext nga pala.

Chorus:

Eto na yung dahilan kung bakit ako natawa, natawa ako kahit nag-iisa…
Yun ay dahil sa mababaw na dahilan, isang biglang tanong sa aking sarili habang sa ganitong oras ay may nagtetext (alas dose ng hating gabi)…

“birthday ko ba?”

Isang malupit na tanong sa sarili ko…

Refrain:

Bigla ko lang natanong yan…siguro kasi kadalasan pag merong magbibirthday alas dose dun nagsusulputan ang mga text greetings.

Tuesday, July 1, 2008

Happy monthsary to me, myself and I

*Flash back epEk*

April 1, 2008 -> graduation day.

*more flash back events pero hindi ko na ikkwento dito*

Come what

May


June

July na…at eto ako, eto pa rin ako, ganito pa rin. Nagfefeeling fresh grad pa rin.

Bakit nga ba?

*well, kung alam ko lang e di sana may trabaho na ko, kinontra ko na sana ang dahilan kung bakit bum ako*

Pero gaya nang laging sinasabi ng mga batch mates ko na tulad ko:
“dadating din yung para sa’tin, hindi pa lang siguro natin time kaya savor the moment of being a bum”. Pero kung iniisip niyo na wala akong ginagawa, na hindi ako naghahanap ng trabaho, nagkakamali kayo. Ginawa ko na lahat, lahat lahat (drama). Seryoso, naghahanap naman ako, hindi naman ako basta nakatunganga lang dito sa bahay, nagpunta ako sa mga scheduled exam at interview, nag-walk in, send ng resume, phone interviews, at higit sa lahat napagod.

Sa tuwing lilipas ang bawat araw napapansin ko na paulit-ulit lang ang nangyayari. Which is wala naman talagang magandang nangyayari. Gigising ako, maglilinis ng bahay (inuuna ko ang paglilinis bago ang kumain), breakfast, makikipagchikahan sa super friend (pyuter,internet,ym,blogs,etc.etc.etc.) lunch (minsan hindi na naglulunch), back to my super friend, matulog, gigising, back to my super friend, walis walis punas punas, sounds, ligo, back to my super friend, dinner, back to super friend, tapos tutulog (repeat many times).

Kahapon muntik na masira ang super friend ko, ayaw mag-open ng mga files. OMG! What will I do ang drama ko, pero natulog na lang ako. at pagkagising ko, click click lang nang kung ano ano, at ayun naayos. Labyu super friend..more power to you!!

Sana this month magkawork nako. Actually I can start on Monday. Pero, ang daming pero sa utak ko ngayon. Hindi ko alam kung tatanggapin ko, kasi hinihintay ko pa rin yung MGA pending applicationS ko. Ang hirap kasi, kung tatanggapin ko yon, baka hindi ko ma-enjoy kasi hindi yun yung inaasan kong field of work. Hanggang bukas ko na lang pwedeng pag-isipan kung tatanggapin ko ba or hindi, pag lumipas ang bukas at wala akong response sakanila…………

Tuloy ang ligaya…heheh
repeat many times...