Wednesday, January 28, 2009

panaginip lang

Sabayan mo ako sa aking pagtulog
Samahan sa aking panaginip
Baybayin natin ang mundong hindi makatotohanan
Lisanin ang pait nang mundong kinalalagyan


Sa pagpikit ng ating mga mata
Panandalian tayong tumakas,
Kalimutan…
At hayaang mapanatag ang mga kalooban


Sa mundong walang patas na laban
Ninanais kong ako’y iyong sabayan
Sa pagtahak sa mundong
Tayong dalawa lamang…


amen!!!!^_~
rak n rol

Friday, January 23, 2009

d drummer

talo ako ng emosyon ko...
kya hangga't makakaiwas...
gagawin ko...
ayoko kasi na pati ibang tao madadamay...
emotionally...
transference parang ganon...



pEyt: actually tapos na...loaded masyado...dami iniisip...
pEyt: pero kahit ganon...
pEyt: u have to listen sa problem ng iba...
pEyt: khit na minsan yung problema mo sa sarili mo na lng...


(isa siguro ito sa mga dahilan ng existence ko)

alam niya kng anung pakiramdam ko ngayon...sinabi ko sknya...actually she tried to cheer me up...
saka ko lng nalaman na may problema siya nang sabihin ko sknya na miss ko na siya..matagal na rin
kasi kaming hindi nagkikita...


que: aymishueetu jowa
que: haaayyy ur so sweet
pEyt: takte natawa ako don...ahahahah
que: pinagaan mu nmn bgla loob q
que: buong mghpon mbigat
que: kaw ngpagaan


tapos sinabi ko sknya na hindi ba dapat ako ang gumaan ang loob at hindi ikaw?
ang hindi ko alam may problema pala siya...

naiyak ako habang kachat ko siya...
hindi ako sigurado kung ang dahilan ay ang problema niya o dahil sa sarili kung sitwasyon...
pero ang alam ko lang sinisipon nako ngayon...pero nakagaan nang pakiramdam nang makausap ko siya...

you have me...
alam mo naman na hindi ka iba sakin at dito sa bahay...
hindi mo man ako laging nakikita gusto kng malaman mo na kahit anung oras maaasahan mo ko...

hindi ko man masisigurado na magiging ON TIME ako sa mga oras na yon...ahahah
pero andito lang ako...

Saturday, January 10, 2009

meeting tseker

Mahigit isang taon na rin ang nakalipas nang makilala kita. Mula sa “screen name” (parang artista lang) mo, nagbakasakali akong ayun nga ang ym ID mo, at tsaran!! Magic!!! Yun nga!!


Hindi ko na ikukwento ang lahat lahat dito. (You know na…ahahahah)


May kahabaan ang kwento at kahit paiksiin ko kulang pa rin ang isang blog entry para sayo. Inaamin ko na ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interes sa pagboblog (uuuyyy..hahah). At aamin ko din na kaya ko denelete ang napadaan ay dahil din sayo. Kung bakit? Syempre hindi mo alam yon (bahala ka mag-isip!hahah) Kung itanong mo naman sakin sasagutin ko kung bakit pero kelangan mo ko pilitin...LOL


Madami din akong natutunan sayo.
May mga linya kang talagang tumatak slash nagmarka na sa isipan ko lalo na ang “Why do angels fly?” mo. Hindi ko rin makakalimutan nang minsang magkachat tayo at pinakuha mo ako ng Bible para tingnan ang

Philippians 1:3 > “I thank my God every time I remember you”

(the best yon! as in…) at recently lang nang may ikwento ako sayo tungkol sa isang taong masasabi kong importante sakin, sinabi mo ang linyang

“ur stronger than u think u r dear...” at “maybe thats the reason why ur given such name”.

Lahat yan asahan mong mananatili sa isip ko (kahit dumating sa point na wala na itong laman...LOL). Isipin man nilang mga simpleng pangungusap lang ang mga yan, sakin, hindi…ang mga yan ay mga katagang mag sisilbing habang buhay na alaalang iiwan mo sakin. (parang huling habilin lang…hahaha)


Natuwa ako nang ipm mo sakin ang link ng blog mo…may bagong entry ka…sawakas!!! makalipas ang mahabang panahon...

hindi ko alam kung ako lang ba ang sinabihan mo non, kung sakin mo unang pinaalam, o kung ano pa man...pero hindi na mahalaga yon...

matagal ding bukas sara ang blog mo. Nung una matagal mong sinara ang blog mo, tapos naging parang Christmas light lang na patay sindi. (lol)


Pagkatapos ko mabasa ang reply mo sa comment ko natuwa ako...promise!!!hnd ko alam kung bakit pero natuwa talaga ako...ibang klaseng kaligayahan, iba pag nakikita kita online o pag kachat kita...which is ngayon madalang na lang mangyari…

wala kang magagawa, blog ko to kya ipopost ko yung sagot mo sa comment ko..^_~


@ feyt

“una hindi ka kasali sa mga nambubulyaw sakin sa ym.. dahil nag rereply ako sayo dear.. hehehehe. at alam kong pagpapalitin mo ang buwan at pluto kung pwede lang kung yun ang kinakailangan para mag sulat ako ulit. Astig ka ding magsulat…para ka ding multimedia sa pagiging expressive ng mga sulat mo. salamat ng madami, sa lahat.”


nasabi ko na lang sa sarili ko pag katapos ko mabasa ito ang

"mahal ko tong taong to...kahit malibog to" ahahah...

i will definitely keep you forever...sabihin man na hanggang ganito lang...(what i mean is online, thru net lang) but still isa ka sa mga taong masasabi kung naging totoo sa pakikitungo niya sa isang taong hindi niya personal na kilala...kakaibang relationship between us..Relationship na beyond friendship!!! huwaw...ahahaha (parang more than friends but not lovers...APIR!!!)

sobra ko nafeel na naappreciate mo ko...ewan ko ba...basta yun ang nafeel ko..

maraming salamat!!

kahit na nakilala lang kita sa pangalang alam ko. Hindi ko na kelangan malaman ang iba pang detalye tungkol sayo. Sapat na yung kung ano man ang nalalaman ko para makilala kita...hindi lang sa mga sinulat mo at ISUSULAT mo pa...kundi mas sa mga usapang pinag saluhan natin simula nang iadd ko ang ym id mo.

PS: sa ngayon alam kong imposibleng magkrus ang mga landas natin, pero who knows…