Saturday, September 27, 2008

title: handle with care (nabasa ko lang sa kahon)

Isang buwan na ang nakalipas. Isang buwang walang update dito.

Bakit?

Tamadssss kasi ako…

Hmmmm…ewan ko ba parang bigla akong nawalan nang gana. Wala din kasi akong maisip na ilagay.

Updates:

September 29 – kami nang tropa ko ay magcecelebrate nang ika 6th year (ATA hahaha hindi ko sure) of friendship. September 29, kasi ayun yung date kung kelan itinatag ang bandang Ad infinitum na ang ibig sabihin ay no limit. Actually, ako ang pumili nung name, pano ko siya napili? Nabasa ko lang siya. Ganun kasimple…(Pano na lang kaya kung iba ang nabasa ko? Buti na lang hindi pa uso ang salitang tae nung panahong yon). Pero 8 years na talaga kaming magkakasama…

Last week September 20 – kinasal ang utol ko… ayun ok naman…masaya…

Nung wed ata nang madaling araw yon – uhhhmmm…yung divider sa room namin sa boarding house bumagsak…alas tres nang madaling araw na non…nasipa ko ata…wahahaha…(likot ko matulog) ayun, buti na lang wala yung kasama ko sa room kung hindi baka siya yung nabagsakan nung divider…wahahahah…alas tres nang madaling araw natatawa ako sa sarili ko, kasi tinutulak ko pataas yung divider…tapos sabay tulog na parang walang nangyari. Parang naka drugs lang…

Sa October 4 – 2 months na ako sa work.
BURNOUT!!!

Nitong mga nakaraang araw, iniisip kong magresign. Iniisip lang naman. Araw araw na lang akong nagrereklamo sa sarili ko, kay WINX (na lagi kong kinukulit sa email) na ayoko na. Pero may mga “oras” na feeling ko naman tatagal ako. Kaya super saya ko nung nagkita kami ni winx sa makati. Buti na lang dun siya nakaassign. Nung time na yon talagang gusto ko nang kausap at kasama. Muntik na nga lang hindi matuloy yon kasi hinahatak ako nang kama at sinasapian nang katamaran. Pero dahil marami kaming mga reklamo sa buhay na dapat ilabas, natuloy kami. At sabi ko sa kanya mag Jollibee kami, dahil si Jabi talaga ang nakakapagpasaya sakin sa mga ganitong kalagayan (ang babaw ko). Pero totoo yon. One time nga…naglalakad ako, napatingin ako sa mcdo at sabi ko “gusto ko jabi…” LOL

Ano nga bang dapat ireklamo ko?

WALA!!!

Adik lang talaga ako….LOL

Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi sa dinamirami nang mga sinasabi ko, reklamo at dahilan ko pag tinanong ako kung “kmusta naman work mo? Kamusta ka naman sa work mo? Kamusta trabaho? Kamusta ka naman dito?”

ang sagot ko
“OK LANG!!!”


eto pinaka bangag na update bout me…

- may crush nako sa opis…hahahah…hindi naman totally crush…natuwa lang ako sakanya… ganito kasi yon…

flash likod

pauwi nako…nakita ko si manong percie (na ang tawag sakin ay Ma’m PIT), pababa nang ground floor. Ako, si manong percie at SIYA. sabi ni manong percie sakanya, “uwi kna? Sabay na kayo…” Sabay na daw kami. From 5th floor, sa 3rd floor lang si manong percie. Tapos, ayun kinausap niya ko. Tinanong kung san ako uuwi. Blah blah blah…pfffttt…ek ek ek…dot dot dot…hindi ko siya laging nakikita…Tapos nung (hindi ko maalala kung kelan) paakyat ako nang 5th floor kasama nung mga applicants na nag exam, pag bukas ng elevator andun siya (tsaran!!!)…tapos tinanong niya ko “ applicants? “ sabi ko, “oo”, tapos sabi niya…”musta?”, sabi ko naman, “ok lang?” tapos ayun…5th floor na…

ayun…

crush ko na…wahahahahah…adik me…

natatawa nga ako…(well mukang kanina ko pa ginagamit ang term na “natatawa”) kasi nang dahil lang don sa pag kakasabi niya nang “musta?’ naging crush ko siya …may kakaiba kasi…ewan ko ba…hindi siya yung “kamusta kana? Kamusta ka? Musta kana? Mustasa? Labanos? Waz up?” musta lang talaga…as in yun lang…


walang kakwenta kwentang update…
wala lang magawa ngayong 2:30am.
Bakit kc hindi pa ko inaantok…