Tuesday, December 30, 2008

sumabay sa agos



may mga ilog na hindi man natin hanapin,
(at kahit pilitin mo mang iwasan)

ay kusa pa ring umaagos sa paanan natin;
(ay patuloy mo pa ring mararamdaman)

at kung sakaling hayaang ang sarili'y anurin,
(sumabay sa agos, yakapin ang tubig)

mag-iwan ng lubid sa pampang upang di lunurin...
(o hayaan na lamang ang sariling nakalutang sa tubig)


darating ang pagkakataon
na ang lubid ay magiging marupok
kumapit ka man ng mahigpit
mapipigtal ito,
ikaw ay aanurin,
palayo sa pampang
hanggang sa ang tanging natatanaw mo na lamang
ay ang liwanag ng kalangitan

pilitin mo mang sagipin ang sarili
ngunit wala nang sapat na lakas
sapagkat ibinuhos na ang lahat
sa pagtatangkang lisanin ang kinaroroonan



at ito ay isang patunay na




nalunod kana sa pakiramdam
na kailan man ay hindi mo matatakbuhan


(maraming salamat kay lethalverses para dun sa mga nakabold (nakahubad...hehehe) na mula sa comment niya sa lunod)

Saturday, December 20, 2008

LuNoD

ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
dahil hindi ko alam kung
may nakahandang sumagip

kung may magtatangkang
sumigaw nang
“tulong” para sa akin

patuloy ang pag-agos ng tubig
patuloy ang pag sabay ko sa agos

patuloy ang agos
ngunit gusto kong huminto

sa pagtatangka kong huminto
hindi ko mapigil ang sarili
dinadala ito nang agos ng tubig

hinihila,

hinahatak

pailalim

hindi ko na iintayin pa
ang malunod ako


gusto ko nang umahon


magpunta sa pampang
at hayaan ang pag agos ng tubig


lilisanin ko ang tubig

pero mananatili akong nakatanaw sa kanya ;c



Ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
Dahil hindi ako marunong lumangoy

at kung may magtuturo man
sa akin nais kong matuto
sa lugar na nilisan ko

Tuesday, December 16, 2008

Aliw kausap ang mga bata

Last week nagbukas ang puregold dito sa San Pablo. At dahil bago nga siya ay dinumog ito nang mga tao. Habang nagkukwentuhan kami ni mommy kung kelan kami pupunta dito para tingnan kung anung meron dahil parang kagulo ang mga tao, biglang sumabat ang pamangkin ko na apat na taong gulang pa lamang.

Aivin: kami rin pupunta ng PERIOD!!!


LOL



Natutuwa ako sa mga pamangkin ko dahil tuwing nakikita nila ako lagi silang nagkukwento. Na meron silang bagong ganito…ganyan…etc..etc..etc…blah blah blah…pati ang pagkakadapa nila kinukwento nila sakin.


Ako: Lei nabagsakan ka nga ng upuan?
Lei: opo…diba nakwento ko na yon sayo?
Ako: sorry naman!!! San ka nabagsakan? Masakit?
Lei: NABAGSAKAN AKO SA MALAKING PAA… (thumb)
Ako: LOL….bakit hindi ka umiyak?
Lei: matapang ako e…


Medyo bothered din ako ng konti kay Lei. Kasi nakwento sakin ni mommy na nung kausap niya yung pinsan ko (nanay ni Lei) tinanong niya kung bakit hindi umiyak yung bata nung nabagsakan ng upuan (take note!!! Hindi siya basta upuan lang…kahoy siya at mabigat!!!). Sabi lang nung nanay ni Lei kaya daw ganon kasi natatakot mapagalita yung bata.

Naisip ko, (akalain mong napapadalas ang pag-iisip ko ngayon!) na paano na lang kung hindi lang pag bagsak nang upuan ang nangyari? Dahil takot yung batang mapagalitan may posibilidad na hindi niya iopen ang lahat sa magulang niya dahil takot siya. Maaaring kimkimin niya ang mga bagay at ito’y makakasama sa kanya.

Saturday, December 13, 2008

Im composing my own love story…

Am I?

“Compose your own love story, wag kang umasa sa chances. What do you expect, he’ll wait for you there? Arms wide open hinihintay ang pagdating mo? Dapat may effort ka din. “ – friend.

Sa palagay ko nga masyado akong umaasa sa chances. Kachat ko ang isang kaibigan kahapon at nagkwento siya ng kilig moment niya. May blog siya pero ayaw niya ipublish yung pinag-usapan namin kaya sabi ko ako na lang (para may mapagkaabalahan na rin ang isang tulad kong maghapon lang nakaharap sa computer or kung hindi man nakatambay sa kusina or tulog…Gawain ng tambay!)

At ito ang kwento niya sakin na dinaig pa ang isang blog entry…award!!!

pRend: Expect the unexpected..

Hmm… sabihin na nating it was the most unexpected part of my day...and the weirdest as well. I saw my crush. As in I saw my crush!!!!(ok payn!!!u saw na!!!as in like duh?hahah) The reason behind my stay and not to mention my paghihirap (sa pagpetiks) dito sa ****.. My gawsh! He greeted me! As in! ganito oh:

Sya: anne?.. (hindi totoong pangalan)

Anne: ahmm…yes? (kala ko aplikante.. or kasama ng aplikante! Pramis!!!)

crush: (insert name)…

Anne: uyyy… *smile* (insert name)..

crush and Anne: musta? (infairness, sabay na sabay kami! Hahahaha!)

*While walking

Crush: eto, dito training namin. Nalipat nga ko sa DCD eh..

Anne: huh? Baket? Diba AIO ka?.. bat ganun?

Crush: ewan.. basta nilipat eh..

Anne: ah.. jan pala kayo..

*nauna ang pinto nya, sa Paul Hersey*

Crush: oo..

Anne: hmm.. sige..

Crush: sige..


*the end*

Anne: Ang bitin noh? Ako din nabitin eh.. hahaha! Pero the thing is.. nagkita na kami!......
Yun lang. wala kong ma-feel kahit na ano. Konting kilig, konting windang. Pero walang spark (mark the spark??hahah). Walang twinkling of the eyes(anu ka istar??lol). Walang “too wide grin”. Im not soooo sure ngayon kung baket ko ba naisip na crush ko sya dati.. hindi ko tlga alam. Nadala lang ba ko na crush sya ng isang aplikante, at dahil dun. I found him cute as well???

Oh f*ck… ang babaw ko! Hahaha!

Haaay…

Wala pa ring malinaw na sagot.

Whatever.
Tetext ko nlang sya mamaya. Hehe..
Dyan nagtapos ang kwento niya tungkol sa pagbati ng crush niya saknya…medyo napaisip din ako, ngayon lang mga makalipas ang 5 segundo. Maaaring magustuhan mo nga ang isang tao sa maraming dahilan. At yon ay pwede ring maging panandalian.

Hmmm…ako???

Medyo napapatagal na, hindi na ito issue ng panandaliang kilig…ayoko man aminin sa sarili ko, pero naamin ko na sa iba (ang labo) pero unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Naging extended ang epekto sakin ng twilight dahil sa kanya. Para ka lang nakalutang, tapos biglang mapapangiti na parang baliw. Pero ika nga nila…bawal assuming. At ayoko din mag expect. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganitong pakiramdam, pero ngayon ineenjoy ko na lang muna habang hindi pa talaga ako sigurado.

Masyado ba akong umaasa sa chances?

Yan ang tanong ko kay jowa…at ang sabi niya…”uu! Uber na!”

May iba pang pagkakataon…I know…

I hope…

I wish…

Sana may chance pa talaga…

Tuesday, December 9, 2008

pagdating, pagpapaalam, paglisan, pagnanakaw…

Kahapon tuluyan na akong nagpaalam sa mga kasamahan ko sa opisina dala ang mga regalo ko sa kanila. Masaya akong dumating sa opis dala ang isang malaking paper bag na naglalaman ng mga regalo. Sa pag dating ko madami na agad akong kwentong narinig sa kanila. Mga nangyari sa isang linggong hindi ko pag pasok.

Hindi n asana ako magtatagal don ngunit sinabihan nila ako na wag muna umalis. Nagclearance ako at nag turn over. At nabigay ng regalo. Pag patak ng alas singko, nagpaalam nako sa kanila at tuluyan nang nilisan ang lugar na yon.


At bukas...Dec 10…official na akong tambay…ulit…


Umuwi ako nang laguna dahil pati ang boarding house na tinutuluyan ko ay nilisan ko na din. Nag alsa balutan nako at hinakot ang mga gamit ko pauwi nang laguna nung linggo.


Naging ugali ko na ang magtext sa nanay ko kung asan ako. Dahil yun ang gusto niya, ang malaman kung asan kami para hindi siya nag-aalala. Malate lang ng limang minuto ang text mo sa sinabi mong oras na aalis ka sa lugar kung nasan ka o inaasahang oras ng pagdating mo sa pupuntahan mo, tiyak na papaulanan ka niya ng text at tawag.

Tinext ko si mommy at sinabing pauwi nako.

Ako: dito nako turbina.
Mommy: ok, sabay na kayo ni bunso, pauwi na din siya..
Ako: tae! Sabay na tayo uwi...intayin mo ko…
Kevin: utot! Kakasakay ko lang dito sa crossing.
Ako: ok lang yon…calamba pa lang ako..dadaan pa to ng batangas at alaminos, kita tayo jabi.

Ako: alaminos nako.
Kevin: malayo pa ko…
Ako: ok, kakain na lang muna ako sa jabi…anung gusto mo?
Kevin: kahit ano
Ako: walang kahit ano sa jabi!!
Kevin: spag, burger at fries…sa bahay na lang ako magririce..

Ako: jabi nako…
Kevin: 30 minutes pa ko!
Ako: tae ka! Umorder nako…konti na lang ang tao dito. Bilisan mo.
Kevin: hindi ko hawak ang oras, ang panahon…bwahahah…bahala ka jan!
Ako: paksyet! Bilis!!!

Binagalan ko nang bonggang bongga ang pagkain hanggang sa may mga dumadating pa din para kumain at mag take out. Naubos ko na ang spag at fries na order ko wala pa din ang kulot kong utol. Tapos….

Ayan na!!! dumating na siya!!! yehey!!!

Kumain siya ng mabilis para makauwi na kami. Nang malapit na siyang matapos…

Ako: iuwi natin tong tray!
Kevin: sige iuwi mo…
Ako: ay itong baso na lang pala…hnd kasya sa bag ko ang tray.
Kevin: bahala ka.
Ako: tingnan mo baka may makakita…wala naman sigurong hidden cam dito?noh?
Ako: wala namang alarm sa pinto diba? walang tutunog na what ever pag labas natin...
Kevin: alarm ka jan! kung nilalagay mo na kya sa bag mo.

Sabay silid ng baso ni jabi sa bag ko…
sabay tayo namin ng kapatid ko…at
sabay labas sa palasyo ni haring bubuyog…


Thursday, December 4, 2008

Parang ordinaryong araw lang…

Kahapon, maliligo na sana ako nang biglang nagring ang selepono ko. Palabas na ako nang banyo para sagutin ang tawag (Oo!! Dala ko sa banyo ang cp ko?kiber??) ngunit pag labas ko nang banyo,

Ako: “hello!
??? : Hello!”
Ako: hello sino to?
???: hello?? Hello??

At dito nagtatapos ang aking kwento…lols


Part 2 na! para mabilis…


Dahil nararamdaman kong hindi ako naririnig nang nilalang na nasa kabilang linya, minabuti ko na lamang na ibaba (sa sahig ang selepono ko, sabay sigaw ng “hello??? Naririnig mo ba ko??”).

Makalipas ang ilang Segundo. Nag ring naman ang landline namin.

Ako: hello?
??? : hello! Good afternoon, I’m looking for Ms. Faith…
Ako: speaking…who’s on the line???? : this is ann _____ of ____ , I would like to invite you for exam tom.
Ako: ah…ok…
Ann: pinsan ka ni riza diba? Si ann to…
Ako: ann? (ann na may crush ky a.k. na crush ko din?lols pero hindi ko sinabi to…amp!)
Ann: yung tropa ni hazel.
Ako: ah ok…
Ann: sama mo na din si riza.. 3pm tom.
Ako: ok…

----- cut ----

Napag-usapan namin ng pinsan ko na umalis ng 6am dahil kukunin ko pa yung pina-laundry ko. At para maayos ko na din ang ibang gamit ko sa boarding house. Pero dahil umuulan at masarap matulog, 5:30 na ko nagising.

Daddy: pEyt!!
Ako: hmmm
Daddy: dib a aalis ka?
Ako: ai!!! Oo nga pala… (biglang bangon)

Mag aalaSYETe na rin kamin nakaalis ng laguna. Pag baba namin ng bus, habang naglalakad kami…may isang babaeng lumampas sa aming dalawa..

Riza: amoy……..panlaba siya!
Ako: gagu ka! Ang lakas ng pagkakasabi mo! Mapapaaway tayo ng di oras…
RIza: amuy panlaba naman talaga siya..
Ako: amoy downy…
Both: LOL

Lumingon ako sa likod:

Ako: e may nadaanan tayong laundry shop e…
Both: LOL

Medyo madaming nangyari ngayong araw nato. Kaya para maging madali ang lahat sakin, ganito na lang:

· Nag-apply kami sa isang call center company. At paksyet!!! Isa pa!!! paksyet…hindi kami pumasa…lols
· Nag-exam kami sa BDO at tsaran!!! Pasado kami!!!
· Mamasyal kami ng pinsan ko at tumingin ng pang regalo, hinanap si dora, Barbie, toys, toys, cloths, damit. Laruan, toys…repeat many times…
· Kumain kami sa jabi…weeeeeehhhhh
· Nakita ko ang officemate ko habang kumakain kami sa food court. SMALL WORLD!!! At dahil hindi naman kami talaga nag uusap pag nasa opis ako, nagulat ako dahil naki-share siya samin ng table.
· Squid…yun lang…squid…
· Dinala ko ang lungs ni kuletz sa condo ni LV
· Parang nagtitrip to Jerusalem ang mga pasahero ng bus kaninang umaga…ang gulo nila..palipat lipat ng upuan, nakakahilo…pero nakakaaliw…hahahah
· Nagimpake nako…inayos ko na ang mga gamit ko sa boarding house at dinala ko na din ang iba pauwi.
· Nagsungit ang pinsan ko…sabi niya sa guard..”bakit kelangan ng ID e iiwan lang naman namin yan?, sabi ng guard, “kukunin ko lang po yung pangalan niya”…sabi ko, “ok ok, sorry…masungit talaga tong pinsan ko:D”
· Ang paksyet na exam…DEFINE ACCOUNTING!!, taragis…PSYCHOLOGY ako…pero ok lng…pasado pa rin – apir!



Monday, December 1, 2008

naghahanap


Sa pag kubli ng nakasisilaw na araw sa maitim na ulap
Ay siya ring pagkubli ng iyong nararamdaman
Pilit mo mang iwaksi ang katotohanan
Sa pagdilim ng kalangitan
tanging mga bituin lang ang makakapagpatunay
Kahit pilit mo mang itago ang nararamdaman
Patuloy pa rin itong kikinang sa madilim na kapaligiran
At ipapakita sa lahat na tanging siya lang
Ang dahilan kung bakit sa madilim mong mundo
May liwanag na natatanaw




Maging mapusok man ang pagkakataon
Ilag man ang tadhana
Dumadaing pa rin ang mga pusong nais magtagpo.

Maraming tagpo sa isang tipikal na angkan

Ako: daddy mag iinom kami.
Daddy: sige, sagot ko na ang redhorse (nagpunta sa kusina para kunin ang redhorse)
Ako: wala na bang matador?

daddy: ah, matador ang gusto niyo?
Ako: opo (lols ang galang ko!)
Daddy: oh, sige…meron pa don.

Sa inuman kagabi:

Kwentong lep


Ailine: nakakatawa si yin. Naglalaba ako, e di nakita niya yung washing machine. Tapos sabi ni yin;
“ wow tita ailine ang ganda naman ng lep niyo!”

Nene: si bubuy naman, kumakain kami…tapos may malaking aircon, sa likod ko…sabi “wow ang laki ng ref”

lol

Utol: anung oras kayo natapos kagabi?
Ako: alas dos
utol: naka ilan kayo kagabi?
Ako: Isa lang. bakit hnd kayo nag-inom dito kagabi?
Utol: may inuman na kasi don hindi na sila lumipat.

Naglalaba si utol ng kumot.

Mommy: oh icharge mo na yon!
Ako: alin?? Dicharge na ngayon yung washing machine natin?
Ako & utol: LOLS

Isang araw nagdesisyon akong isama ang dalawang pamangkin ko para kumain. Pero bago yon naggrocery muna kami.

Lei: bakit tayo pupunta don?
Ako: may bibilhin muna tayo. Pinapabili ni lola mommy mo.
Aivin: san tayo kakain?
Ako: sa jabi.
Lei: gusto ko sa mcdo.
Aivin: ako jabi…
Lei: sa mcdo na lng tayo ninang
Ako: o cge, ikaw sa mcdo, kami sa jabi…

Sa jabi:

Ako: oh, upo lang kayo jan, wag kayong aalis, bantayan niyo yang binili natin, oorder lng ako.

Habang nasa counter. Lumingon ako para tingnan ang dalawang bata. Takte! Wala…naglalaro na!!

Habang kumakain

Aivin: ninang bili tayo toys
Ako; hindi! Hindi tayo bibili ng toys. Walang pera si ninang.
Aivin: e bakit tayo kumain kung wala kang pera?
Ako: *speechless*

Lei: bibili tayo ng toys pagkatapos natin kumain?
Ako: hindi! Uuwi na tayo!Aivin: gusto ko bumili ng toys
Ako: ako ba ang nanay niyo?? Dun kayo magpabili sa mommy niyo!

Amoy lasingan!!


Lumapit si daddy kay yin para magkiss!
Sabi ni yin kay daddy..

Yin: a yaw ko lolo daddy! AMOY LASINGAN ka!!