Nagdesisyon na’ko magresign
I repeat!!!
Nagdesiyon na’ko magresign!
At next week ay huling linggo ko na sa kumpanyang yon. Kumpanya kung saan mas gugustuhin mo pang maging tambay na lang…At eto nga, malapit na ulit akong maging isang tambay!!!
Tsssssaaaaarrrrrraaaaaaaaaaannnnnnnnnnn!!!!!!!!!!
Welcome to the world of unemployed!! AGAIN!!!
Pero masaya ako sa naging desisyon ko. Although alam ko kung ga’no kahirap maghanap ng trabaho. Pero bakit ko titiisin ang sarili ko sa lugar na yon? Papahirapan ko pa ba ang sarili ko?
No! no! no! no! no!
Yan din ang sagot ko sa kasamahan ko don sa tuwing sinasabi niya sakin na pag isipan ko ang naging desisyon ko. (tatlong buwan ko ding pinag-isipan yon!!! Ayoko nang mag-isip pa ng matagal!!! Ang hirap kyang mag-isip!!!) tapos sasabihin niya ang linyang;
“pEyt….wag mo ko iwan!”
Natatawa na lang ako pag sinasabi niya yon. Pero bilib din ako sakanya dahil nakatagal siya nang mahigit dalawang taon sa lugar na yon. Kung anung super power ang meron siya at nakatagal siya don, well…saknya na lang yon. Di na niya kelangan ishare sakin. No thanks!!
Basta ako, masaya ako kahit alam ko na walang kasiguraduhan ang lahat…
Basta masaya ako
Period
Exclamation point
Friday, November 28, 2008
happy-sha-la-la-la
Posted by pEyt at 10:42 PM 0 comments
Saturday, November 1, 2008
Said to be….am I???
Binigyan ako ng pangalang MARIA FAITH, pangalan na kung susuriin mo ay kulang na lang ng “church” or “amen” at presto….lilipad nako gamit ang mga pakpak ko habang namimistulang isang aparisyon. Maria is said to be emotional. Siguro sakin, masasabi kong applicable siya. Nabanggit ko din kay Ate Nette (Officemate) na ang name ay Maria Nanette ang tungkol don, at sabi lang niya, “it’s true!”.
Kung isesearch ang meaning ng name na Maria, eto ang mga lalabas:
· Bitter
· bitter, as in a bitterly wanted child, the star of the sea
· variation of Mary
· bitter
· bitter
· bitter
http://www.yeahbaby.com/meaning-name-etymology.php?name=Maria
-
-
-
-
Hindi naging maganda ang linggong ito sakin.
Stress
Depression
Pressure
Na pinag-sama-sama…
Imagine that??? Ang hirap ipaliwanag nang nararamdaman. At lalong mahirap kung wala ka namang taong pagpapaliwanagan. Or kung magpapaliwanag ka naman, hindi ka maiintindihan. Ako yung taong mostly ay happy thoughts and experiences ang sineshare sa ibang tao, especially pag kasama ko…mabibilang lang ang mga pagkakataon na nagshare ako ng malungkot DIRECTLY/ PERSONALLY. Mas gugustuhin kong malaman nila na malungkot ako sa ibang paraan, tulad ng text, email at chat at tulad nito. Bakit? Dahil mababaw akong tao…at ayokong makita nila akong umiyak. Katulad na lang kanina, my first HR Manager resigned. At nalulungkot talaga ako ;c naiiyak nako sa office kanina pero pinipigilan ko. Ms. Barbs is so nice to me, as well as EA, na nagresign naman last week. Nagdesisyon na lang akong lumabas ng office at magpunta nang bangko para dalhin yung papers ng mga newly hired. Habang papunta ako ng bangko tinext ko si Ms. Barbs at tinanong kung magreresign na siya (kahit alam ko na nagresign na siya that day) nag reply siya at sinabing “let’s talk later”. Bumalik ako ng office, nag bell (oo! May bell kami…parang skul lang) at nagpaalam ako na uuwi na. Sabi niya, “wait let’s talk”, sabi ko kelangan ko na umuwi kasi baka mahirapan ako, madaming mag-uuwian sa province. Tumayo siya at sinabing, “to answer your question, YES”, tapos pinakita niya sakin yung letter niya. Tapos tinanong niya ko, “ikaw ba?”, tinanong niya yon kasi sinabi ko sa kanya na ilang beses ko na rin binalak magresign. Hindi na lang ako sumagot at tumalikod dahil naiiyak ako. She’s not just my boss.
Alam ko na sa 3 buwan ko sa kumpanyang yon ay puro reklamo ako. Pero kanino ba ko nagrereklamo? MADALAS, sa sarili ko lang. Kung magreklamo man ako pipilitin kong gawing parang biro lang at hindi seryoso.
Hindi na maganda ang nagiging epekto sakin ng mga nangyayari….
Hindi na;c
Kung pano ko “i-push” ang ibang tao sa mga bagay na alam kong kaya nila o para mapalakas ang loob nila, yun ang ginagawa ko sa sarili ko, ang linya ko “keri lang! aja! Go!”.
Pero sa pagkakataong ‘to…kelangan ko yon marinig sa ibang tao. Kung ang dating ay parang isa akong taong loner, no friend, pinagkaitan, nagkakamali kayo. Hindi lang nila alam ang nararamdaman ko, ang ilan sa mga nangyayari sa buhay ko dahil madalas ang nakikita nila ay ang masayang Maria.
pEyt
Posted by pEyt at 8:33 PM 0 comments