Saturday, October 25, 2008

I day…my day

Every Monday morning we celebrate “I day” or what they call the inspirational day. We praise and worship God.

–pause-

The company is a Christian company, owned by a Christian pastor by heart, by blood, by seas, oceans, rivers together with heaven and earth. Amen.

-pause-



Anak ng tokwa’t baboy!!! Hindi naman ako satanistang nilalang, hindi rin naman ako yung taong laman lagi ng simbahan, ewan ko kung pano ko ipapaliwanag ang sarili ko, pero hindi ko talaga na eenjoy ang “practice” na meron sila sa kumpanyang yon. Imagine, natiis ko ng 3 buwan ang ganung set up at 2 beses pa lng ako nakakaiwas sa “I day”. Kung tutuusin wala namang masama sa ginagawa nila. Masama bang magbible study? Masama bang ipraise and worship God? Masama bang magkantahan ng hindi ko alam kung saan galing na kanta? Hindi naman diba?


*meron silang sariling mundo* (lalo naman ako)


So ano ngayong nirereklamo ko?


Madami…


Unang una…hindi ako Christian, (hindi ako against sakanila, I repeat…hindi ako against sa kanila) ngunit, subalit, datapwat…meron akong wrong/negative connotation on them. (no further explanation)


-pause-


The HRD


Si HR Manager na kasabay ko lang nahire napansin ko na medyo nag iba na yung attitude niya towards her work, hindi na siya tulad nung dati na pabalik balik, paikot ikot at parang laging taranta. Parang wala na siyang gana sa trabaho, yung inter-office memo sakin na niya pinagawa. Tapos habang nagfifile ako ng kanina, nakita ko ang monitor ng pc niya, JOBSTREET, tapos JOBSDB. Mukang naghahanap na siya ng work.

Ang bago naming CompBen Officer, si Ate Neth, half day siya nung isang araw dahil nagpunta sa isang interview. Lagi ko siya kausap at sinasabi niyang hindi siya magtatagal sa kumpanyang yon (ako din). At sabi niya isasama daw niya ako.

Si kuya bong (HR Assistant-ER), planning to go abroad.

Si Joan (Payroll assistant), pero nursing graduate siya, planning na din to resign. 1 year din siya nag stay sa company na yon.

Si Ms. Jane (recruitment officer), nag apply siya sa company na nilipatan nung former HR Manager. Wala rin siyang plano na tumagal pa don although naka 1 year na siya.

Si kuya olan (Psychometrician) hindi ko alam kung anung plano niya sa buhay niya. Pero kanina, sabi niya “pag ako napuno na, lalayasan ko tong kumpanyang to”. Almost 2 years na siya don.
Si ate meca, (HR-Receptionist), isa sa iilang taong love ko sa lugar na yon. Lagi lang siyang Masaya, nakatawa.


Si Remedios (Payroll Officer), grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr… kung hindi magbabago ang ugali niya, which is imposibleng mangyari, hindi magtatagal siya na lang mag-isa sa HRD!

Si AKO, (HR assistant-recruitment) – tulad nila, soon, ASAP, masasabi ko na ang linyang “I’M DONE WITH THIS COMPANY!”


-pause-


Anak ng nagtatampong tinapay! Kahapon nagpunta sa HR si dok, at sinabi na screen ng mabuti ang mga applicants. Bakit? Dahil yung isa niyang driver ay hiwalay sa asawa tapos may kabit na buntis. Ayun, tinanggal niya “ata” sa trabaho. Taeness naman…anu naman ngayon diba? Kung maayos naman magtrabaho, wafakels na siya kung may buntis na kabit…bakit daw? May paliwanag siya tungkol don, pero ayoko na ipaliwanag. Basta may sinabi siyang act of devil. E kung alam lang niya e puro devil ang nasa kumpanya niya. Ako, may pakpak ako at halo, pero may sungay rin ako. Kung pano nangyari yon? Sikreto ko na yon.

-pause-

Nakakalungkot kasi si EA ginawang sales manager. Nang pinuntahan ko siya para mag pasign ng mga contract, tinanong niya ko kung mabilis pa rin ba ang mga pangyayari sa taas. Hindi niya ako makalimutan dahil nang minsang tinanong niya ko kung bakit ko pinili ang company na yon ang sagot ko sakanya ay “mabilis po kasi ang mga pangyayari”(at totoo yon).


-pause-


-smile-


-another one-


-click-


Ahahahahah


Wala nako masabi…pero kulang pa rin yan…ang tagal ko ring hindi pinagkakaabalahan ang magblog. Sa sitwasyon ko kasi ngayon mas gusto ko yung may nakakausap, kasi pag ganito set up sarili ko lang ang kausap ko. Para sakin, madaling intindihin ang ibang tao, kesa intindihin ang sarili mo. Pero, ikaw lang talaga ang makakaintindi sa nararamdaman mo. Posibleng tama ang ibang tao, pero mas higit kang nakakaalam sa kung ano talaga ang tama…(haaayyyy…whatever major looser!!!)

0 comments: