Hindi ko alam kung paano nangyari
Hindi ko alam kung anung dahilan
Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat
At kung paano naging ganito ang nararamdaman
Ganito ata talaga pag hindi mo inaasahan
May mga bagay na biglang susulpot sa iyong harapan
Lilipas lang ang bawat araw
At kahit simpleng usapan ay hindi mo makakalimutan
Masarap alalahanin, masarap balikan
Lalo pa ngayong ang lahat ay parang isa lamang pangarap
Na walang kasiguraduhan…
Wag mo sana akong sanayin sa kwela mong katangian
Dahil baka dumating ang panahong ikaw ay lilisan
O kung hindi man ay iaalay sa iba ang iyong taos pusong pagmamahal…
(eeeeeeerrrrrrrrr…what the hell is happening to me?!?!) ito ba ay epekto nang madami ang nakaing ice cream at chocolates ngayong araw na ito? Kung susuriing mabuti, iisiping si ako ay inlababo sa kung sino mang ponsyo pilato. Well, well, well… hindi po (nagdedeny ba ko? Wish ko lang masagot ko ang sarili ko)… ngunit, subalit datapwat, meron isang tao, ( isa lang talaga, promise!!!) ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Madalas ko siya “naaalala” at sa tuwing naaalala ko siya…naaalala ko siya…at naaalala ko ulit siya…
Sunday, October 26, 2008
sa takdang panahon
Posted by pEyt at 8:22 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment