Saturday, January 10, 2009

meeting tseker

Mahigit isang taon na rin ang nakalipas nang makilala kita. Mula sa “screen name” (parang artista lang) mo, nagbakasakali akong ayun nga ang ym ID mo, at tsaran!! Magic!!! Yun nga!!


Hindi ko na ikukwento ang lahat lahat dito. (You know na…ahahahah)


May kahabaan ang kwento at kahit paiksiin ko kulang pa rin ang isang blog entry para sayo. Inaamin ko na ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interes sa pagboblog (uuuyyy..hahah). At aamin ko din na kaya ko denelete ang napadaan ay dahil din sayo. Kung bakit? Syempre hindi mo alam yon (bahala ka mag-isip!hahah) Kung itanong mo naman sakin sasagutin ko kung bakit pero kelangan mo ko pilitin...LOL


Madami din akong natutunan sayo.
May mga linya kang talagang tumatak slash nagmarka na sa isipan ko lalo na ang “Why do angels fly?” mo. Hindi ko rin makakalimutan nang minsang magkachat tayo at pinakuha mo ako ng Bible para tingnan ang

Philippians 1:3 > “I thank my God every time I remember you”

(the best yon! as in…) at recently lang nang may ikwento ako sayo tungkol sa isang taong masasabi kong importante sakin, sinabi mo ang linyang

“ur stronger than u think u r dear...” at “maybe thats the reason why ur given such name”.

Lahat yan asahan mong mananatili sa isip ko (kahit dumating sa point na wala na itong laman...LOL). Isipin man nilang mga simpleng pangungusap lang ang mga yan, sakin, hindi…ang mga yan ay mga katagang mag sisilbing habang buhay na alaalang iiwan mo sakin. (parang huling habilin lang…hahaha)


Natuwa ako nang ipm mo sakin ang link ng blog mo…may bagong entry ka…sawakas!!! makalipas ang mahabang panahon...

hindi ko alam kung ako lang ba ang sinabihan mo non, kung sakin mo unang pinaalam, o kung ano pa man...pero hindi na mahalaga yon...

matagal ding bukas sara ang blog mo. Nung una matagal mong sinara ang blog mo, tapos naging parang Christmas light lang na patay sindi. (lol)


Pagkatapos ko mabasa ang reply mo sa comment ko natuwa ako...promise!!!hnd ko alam kung bakit pero natuwa talaga ako...ibang klaseng kaligayahan, iba pag nakikita kita online o pag kachat kita...which is ngayon madalang na lang mangyari…

wala kang magagawa, blog ko to kya ipopost ko yung sagot mo sa comment ko..^_~


@ feyt

“una hindi ka kasali sa mga nambubulyaw sakin sa ym.. dahil nag rereply ako sayo dear.. hehehehe. at alam kong pagpapalitin mo ang buwan at pluto kung pwede lang kung yun ang kinakailangan para mag sulat ako ulit. Astig ka ding magsulat…para ka ding multimedia sa pagiging expressive ng mga sulat mo. salamat ng madami, sa lahat.”


nasabi ko na lang sa sarili ko pag katapos ko mabasa ito ang

"mahal ko tong taong to...kahit malibog to" ahahah...

i will definitely keep you forever...sabihin man na hanggang ganito lang...(what i mean is online, thru net lang) but still isa ka sa mga taong masasabi kung naging totoo sa pakikitungo niya sa isang taong hindi niya personal na kilala...kakaibang relationship between us..Relationship na beyond friendship!!! huwaw...ahahaha (parang more than friends but not lovers...APIR!!!)

sobra ko nafeel na naappreciate mo ko...ewan ko ba...basta yun ang nafeel ko..

maraming salamat!!

kahit na nakilala lang kita sa pangalang alam ko. Hindi ko na kelangan malaman ang iba pang detalye tungkol sayo. Sapat na yung kung ano man ang nalalaman ko para makilala kita...hindi lang sa mga sinulat mo at ISUSULAT mo pa...kundi mas sa mga usapang pinag saluhan natin simula nang iadd ko ang ym id mo.

PS: sa ngayon alam kong imposibleng magkrus ang mga landas natin, pero who knows…

5 comments:

kuletz said...

huwaw mukhang inlab ang isang bata dyan ha? ahihihi... nacurious naman ako kun cnu yang misteryosong lalake... pde bang malaman ang kanyang blog site!! hahaha

pEyt said...

hoy kulets...hanggang dito ba nmn??ahahaha

yun lng...

Anonymous said...

wala lang....

hmmm.... its been awhile. just browsing the net dear... visiting some old pages.... i bet you still remember why angels fly do you? :D

pEyt said...

omg!!!!

@anonymous

u r still anonymous until now..hahah..im missing you so much...♥ ♥ ♥

magparamdam ka nmn!!!

Anonymous said...

i quit writing dear... at least on the kind of stuff you've known me for. nag ba blog ka pa din ba? give me the url para mabisita naman.

and yes, i don't use that name anymore. Now, I call it, "the name that must not be named." hehehe. miss u dear.