Sabayan mo ako sa aking pagtulog
Samahan sa aking panaginip
Baybayin natin ang mundong hindi makatotohanan
Lisanin ang pait nang mundong kinalalagyan
Sa pagpikit ng ating mga mata
Panandalian tayong tumakas,
Kalimutan…
At hayaang mapanatag ang mga kalooban
Sa mundong walang patas na laban
Ninanais kong ako’y iyong sabayan
Sa pagtahak sa mundong
Tayong dalawa lamang…
amen!!!!^_~
rak n rol
Wednesday, January 28, 2009
panaginip lang
Posted by pEyt at 10:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
hahaha rock en roll sa panaginip?? hhaha ayows ha? tae natawa ko at my amen pa! baliw ka tlga!! gumising ka nga!! panaginip lang yan
Post a Comment