Friday, June 13, 2008

Uso ang tae ngayon…kya taena na!!!

Ewan ko kung kanino ba nag simula ang pagkalat ng tae sa pinas (o baka pati sa ibang bansa).
-
-
-
Nagbibiro man,
seryoso,
natatakot,
natutuwa,
naiinis,
nagulat,
kahit ano mang emosyon o reaksyon…
applicable ang tae.
Kahit san ka magpunta may tae.
-
-
-
Tae ka!
-
-
-
Akalain mong tae ka pala…lol
Tae na ang tawag sa tao ngayon.
-
-
-
Ano nga ba ang ikinaganda ng salitang ‘to?
(bukod sa maganda siyang pakinggan kaysa sa salitang tanginamo…yun ay para sakin lang, kung mas gusto mo ang tanginamo kesa sa tae…
tae ka!hehehe…peace!)
-
-
-
Tae ka!
>compliment?? Pag may nagawa kang makalaglag panga. Tae ka! Galing mo! Compliment diba???*palakpakan*
-
-
-
tae ka!
>pag may ginawa kang hindi maganda, ginalit ang isang nananahimik na kaluluwa… tae ka! Mamatay kana!
-
-
-
Tae ka! Isang malupeeeeeeet na banat…
“tae ka mang ituring, mahal pa rin kita!!” > ahaha..panalo…*clapsssssss*
-
-
-
Tae ka!

Ordinaryong salita ngayon.

Kung dati ang tae ay maririnig mo lang kapag:

*Eksena*
naglalakad ka kasama ang matalik mong kaaway. Bigla ka niya tinulak palayo sakanya…
Matalik na kaaway: tae!
Tinulak ka niya hindi dahil galit siya kundi dahil may tae sa daraanan mo.*sweet*
-
-
-
Dadating ang panahon at ang tae ay lilipas din. Unti unting mawawalan ng amoy at hindi na aalingasaw pa. At sa paglipas ng panahon panibagong pauso na naman ng mga walang magawang tae ang susulpot.

Thursday, June 12, 2008

tara na, byahe tayo!

Kahapon pinilit ko ang bumangon nang maaga. Ang imulat ang mga mata para simulan ang isang makabuluhang bagay at hindi lamang ang pag papalabo ng mga mata ang atupagin mag hapon.

Ginawa ko ito dahil gusto ko na ayusin ang buhay ko.
AYOKO NA MAGING TAMBAY!!!lol

7:30 umalis nako ng bahay, alas otso nakasakay ako ng bus.
Ordinary bus lamang ang sinakyan ko dahil sa isang ordinaryong bus andon ang mga ordinaryong tao. Mga tao kung saan masasalamin mo ang totoong kulay ng mundo. Mga iba’t ibang klaseng taong hindi mahilig sa PINK (hahah)… dito matatanaw ang rainbow color ng buhay. Kaya sakay na! mag pausok at mag-painit…ahahah

in short nag ordinary bus ako dahil NAGTITIPID si ako.

Naupo ako sa tabi ng mag-ina (ewan ko kung mag-ina nga sila, pero sabihin na nating mag-ina nga sila).
Tahimik pa ang byahe.
Wala pang kakaibang nangyayari.
Sa tuwing sasakay ako ng bus, ordinary man o hindi, e nag-iintay ako ng mga unexpected events.

Eto na…
Eto na…
Eto na…

Habang nananahimik ako sa pagkakaupo ko, nag-mumuni-muni ay bigla na lang sumigaw ang batang katabi ko. Nagulat ako at napatingin. Taena! Yung bata ay natutulog at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang sumigaw. Lupet!!! (aylabit…ahaha) Kahit saan talaga ako magpunta hindi mawawalan ng autistic. Talagang ako’y sinusundan nila…(*note – sinabi ko lang yon pero hindi ako sure kung autistic nga ang batang yon)

Eto pa…
Eto pa…
Eto pa…

Iba ang trip na sounds ni manong driver. Old songs ang mga pinatutugtog. Pero nang pinatugtog ang Breathless at nang malapit na itong matapos, syet! may tumilaok!!! Nakanampucha!!! may kasakay na naman akong manok. Pangalawang pagkakataon na ito na nakarinig ako ng tilaok ng manok sa loob ng bus. Ano bang ibig sabihin nito? Na mag sabong na lang ako at wag na maghanap ng matinong trabaho?na tinatawag nako ni san pedro?
Wag naman sana dahil madami pa akong pangarap…damn!!:)

Nakauwi naman ako ng maayos, kaya nga nagawa ko to e.
Pero sa lahat ng narinig ko nung araw na yon isa lang ang hindi ko talaga makakalimutan. Nang tinanong ako ng nag-interview sakin ng:

“are you sad?”

Tsk tsk…ang hirap talaga itago ng sadness. Kahit paabutin mo pa ang ngiti mo hanggang tengga, waepek. Halata siguro sa mga mata ko. Ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay:


“no!”
-
-
-
-
-
Puyat lang…nag-adik!!!lol…

Tuesday, June 10, 2008

nawawalang pangarap

Natatakot akong sumugal sa ganitong relasyon.
Ang alagaan ka at ipadama ang pag mamahal ko.
Buong buhay akong naging takot sa ganitong sitwasyon.
Exaggerated man pero takot talaga ako.
Siguro dahil sa isang mapait na karanasan sa isang tulad mo,
na nagdulot ng pagdurugo na kailanman ay hindi ko makakalimutan.


Pero ngayong handa na ako at wala nang makapipigil sa naging desisyon ko,
Handa na ako na sumugal at harapin ang katotohanang maaari kitang mahalin
at maging bahagi ng buhay ko.


ngunit bakit sadyang kay lupit ng tadhana?bakit kung kelan handa na ako saka ka niya kukunin?saka ka mawawala sa akin,
aangkinin ng iba na para bang pag-aari niya.


Bakit?

Dahil hindi pa napapanahon? Dahil ba hindi ka talaga para sa akin??



Huhuhu ;c


Wala na si lhabskhikay…
kinuha siya nung bata...huhuh;c

try and try then kill your self

“if at first you don’t succeed…keep flushing”

Ang pag fuflush ay maihahalintulad din sa buhay ng tao.
Sa buhay madaming tae…
Madaming dumi…
Madaming “pupu”…
Madaming ebak…
Madaming ipot…
and everything…

Sa dami ng tawag dito, sa iisang bahagi lang ng katawa sila lumalabas…kung hindi mo alam…hindi ka tao at hindi ka rin hayop, so ano ka??!

Na depressed ako nung nakaraang araw. Bakit? Dahil 2 months and 10 days nakong tambay/tengga/bum/palamunin/patabaing baboy. Kung tutuusin ang dalawang buwan ay hindi naman ganon katagal na pag tambay para sa isang “fresh” grad (pampalubag loob ko lang yon para hindi ako mabaliw!!!) pero seryoso (minsan talaga kelangan ko mag seryoso) nalulungkot talaga ako. kahit na ilang beses akong patawanin ng
u-a-2 b-u-t-4-gurl e sadyang bumabalik pa rin ang lungkot lungkutan mode ko. Pero saglit lang naman, siguro mga less than 1 hour =p.

Pero nung (nakalimutan ko na kung kelan) ibang disappointment ang naramdaman ko. (promise!)
I feel sorry for my self (with matching punas ilong dahil nose bleed)

Pero ngayon hindi ko na masyado iniisip ang mga bagay bagay…
Ang motto ko ngayon:

Come what may!!!
Habulin mo ko kung bibigyan mo ko ng trabaho…bwahahah…


Madami pa rin sa mga kabatch ko ang tulad ko kaya hindi ako nangangamba. Siguro saka ko na ibibitin ang sarili ko pag ako na lang ang walang trabaho sa mundo.

Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang tumambay sa harap ng screen at unti unting palabuin ang mga mata at magregister sa kung ano anong site. Kahit papaano e naeenjoy ko pa naman ang ganito, salamat sa internet connection kahit na minsan e choppy siya at salamat din sa mga online buddies ko...


Monday, June 9, 2008

bagong gago

Ang blog na ito ay kakambal ng sikretongblog ko. Ginawa ko ito hindi dahil nagpaparami ako ng account sa kung saan saang site, kung saan pwedeng mag-register (pero parang ganon na nga). Kung bibilangin ang mga account ko, siguro lampas sampu na ang mga ito. Naaawa na nga ako sa iba lalo na dun sa mga kailangan ng entry/post dahil yung iba ay hanggang introduction lang at hindi na masundan. Mas malala, dahil ang ilan naman ay hanggang registration lang, yung tipong ginawa ko lang dahil gusto ko at wala akong balak na lagyan ito ng kahit ano.

Ginawa ko ito sa kadahilanang WALA akong magawa nitong mga nakaraang araw. Halos ubusin ko lamang ang mag hapon sa harap nang monitor habang unti unting natutulala.

Kung mapadpad ka man dito

WELCOME!!!

Ang tanging mababasa mo dito ay mga bagay na WALAng kwenta.
Mga kababawan.
Mga kawirduhan.
Mga bagay na pawang tungkol sa akin, sa kapitbahay namin, sa mga kaibigan at hindi ko kaibigan, sa mga hayop slash animal sa tabi tabi at kung ano ano pa.

Kya explore like dora the galang explorer sa mundo ko.