Thursday, June 12, 2008

tara na, byahe tayo!

Kahapon pinilit ko ang bumangon nang maaga. Ang imulat ang mga mata para simulan ang isang makabuluhang bagay at hindi lamang ang pag papalabo ng mga mata ang atupagin mag hapon.

Ginawa ko ito dahil gusto ko na ayusin ang buhay ko.
AYOKO NA MAGING TAMBAY!!!lol

7:30 umalis nako ng bahay, alas otso nakasakay ako ng bus.
Ordinary bus lamang ang sinakyan ko dahil sa isang ordinaryong bus andon ang mga ordinaryong tao. Mga tao kung saan masasalamin mo ang totoong kulay ng mundo. Mga iba’t ibang klaseng taong hindi mahilig sa PINK (hahah)… dito matatanaw ang rainbow color ng buhay. Kaya sakay na! mag pausok at mag-painit…ahahah

in short nag ordinary bus ako dahil NAGTITIPID si ako.

Naupo ako sa tabi ng mag-ina (ewan ko kung mag-ina nga sila, pero sabihin na nating mag-ina nga sila).
Tahimik pa ang byahe.
Wala pang kakaibang nangyayari.
Sa tuwing sasakay ako ng bus, ordinary man o hindi, e nag-iintay ako ng mga unexpected events.

Eto na…
Eto na…
Eto na…

Habang nananahimik ako sa pagkakaupo ko, nag-mumuni-muni ay bigla na lang sumigaw ang batang katabi ko. Nagulat ako at napatingin. Taena! Yung bata ay natutulog at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang sumigaw. Lupet!!! (aylabit…ahaha) Kahit saan talaga ako magpunta hindi mawawalan ng autistic. Talagang ako’y sinusundan nila…(*note – sinabi ko lang yon pero hindi ako sure kung autistic nga ang batang yon)

Eto pa…
Eto pa…
Eto pa…

Iba ang trip na sounds ni manong driver. Old songs ang mga pinatutugtog. Pero nang pinatugtog ang Breathless at nang malapit na itong matapos, syet! may tumilaok!!! Nakanampucha!!! may kasakay na naman akong manok. Pangalawang pagkakataon na ito na nakarinig ako ng tilaok ng manok sa loob ng bus. Ano bang ibig sabihin nito? Na mag sabong na lang ako at wag na maghanap ng matinong trabaho?na tinatawag nako ni san pedro?
Wag naman sana dahil madami pa akong pangarap…damn!!:)

Nakauwi naman ako ng maayos, kaya nga nagawa ko to e.
Pero sa lahat ng narinig ko nung araw na yon isa lang ang hindi ko talaga makakalimutan. Nang tinanong ako ng nag-interview sakin ng:

“are you sad?”

Tsk tsk…ang hirap talaga itago ng sadness. Kahit paabutin mo pa ang ngiti mo hanggang tengga, waepek. Halata siguro sa mga mata ko. Ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay:


“no!”
-
-
-
-
-
Puyat lang…nag-adik!!!lol…

0 comments: