Sunday, August 24, 2008

nagtatanong na isip, nagkukunwaring may isip

Tila isang panaginip ang mga pangyayari
Pabilis nang pabilis ang takbo nang oras
Habang patuloy ang pagsulyap sa kahapong nakalipas
Paano maiibsan ang kalungkutang nararamdaman?

kung ang taong iyong kailangan ay hindi matagpuan?


“Syet!!!”

Saan ko ba napupulot ang ganitong kaisipan?

saan ba nanggagaling ang ganitong pakiramdam?
wala naman akong ibang ginawa kundi ang tumunganga
Subalit ang aking isip ay patuloy na nagwiwika
Nang mga salitang nagkukunwaring makata. (LOL)


“Anu ba yan???”


Pilitin ko mang maging seryoso sa puntong ito
Ngunit ang isip ko ay hindi pang ganitong aspeto
Madalas lang akong mukang walang pakialam sa mundo
Pero, pero, pero, tao po ako. (LOL ulit)


“Eeeeeeeeeeerrrrrrrrrr”


Mukang inaatake na naman ako
Nang hindi maipaliwanag na sakit
Sakit na sanhi nang walang humpay na pag-iisip
Ano nga bang iniisip nang isang nilalang na tulad ko?

Wala naman masyado…
Kunwari lang may isip ako…


Ahahahahahah


Amfufuness!!!

lakas trip lang!!!
walang magawa e...
wala pang makausap na matino
ang isang tulad kong "beyond normal" LOL LOL LOL

Saturday, August 23, 2008

wer r u? im fine thank u...LOL

Kamusta na ako??
Eto ayus naman…
Ok lang…
Buhay pa…
Humihinga…
Ano pa bang pwedeng isagot sa tanong na “kamusta kana?”
Bakit kalimitang sagot, ok lang?

Tulad na lang kanina…nakausap ko yung nagpophotocopy dun sa office. Tinanong ko siya;

Ako: ate glo, kamusta kna?ate glo: ok lang naman ako…ok lang kahit hindi talaga…
Ako: ganyan talaga ang buhay. Kahit hindi ka talaga ok, sasabihin mo ok ka…

( yung name nung taga photocopy parang si President Gloria lang diba? akalain mong taga photocopy lang siya…lol )

Kung tutuusin maraming nang nangyari sa tatlong linggo kong pagtatrabaho. Oo!!! Nagtatrabaho ako!!! Hindi ako makapetiks talaga…as in…nakakaawa ako…walang silbi ang internet nang kumpanya dahil hindi ko mapakinabangan. Tanging yung email-add ko lang sa kumpanya ang napapakinabangan ko. (Maraming salamat kay Winx sa mahabang pasencya sa mga sunod sunod na email ko…maraming salamat din sa mga makabuhay dugong msgs…lol)

Sa dami ng kelangan gawin,
sa bilis nang turn over sa kumpanyang yon,
sa araw araw na hindi nawawalan nang applicant,
sa bawat linggong hindi nawawalan nang nagreresign,
binibilangan ko na ang sarili ko kung hanggang kelan ako tatagal don.

Minimum of 3 months maximum of 5-6…wahahahah

Hindi pa rin nawawala sakin ang bigla na lang matulala ( naisip ko siguro dahil sa stress ). Hindi pa naman ako ganon nahihirapan sa mga ginagawa ko…keri pa!!! surbayb!!!

Halo halong hindi ko maintindihan kung anung dapat itawag:

* magulo ang recruitment process nila (or dahil bago lang ako at hindi ko pa talaga kabisado ang lahat ? )
* POOOOOLITIKA!!! sobra…
* May problema ang mga tao don inter and intrapersonal relationship.
* Ang mga tao ay nakakahon sa mga trabaho nila ( parang ang motto nila ay “ang akin ay akin ang sayo ay sayo lang, wapakels ako!!!)
* Lahat nang bagay kelangan nang taeness na RECEIVING COPY!!! ( ang sakin lang naman, kung may tiwala ka sa mga katrabaho mo, bakit kelangan non? Ang mga tao ba don ay may memory gap? )
* Mahigpit ang may ari nang kumpanya!!! Isang dahilan na rin siguro kung bakit mabilis ang turn over. Tanggal kung tanggal.
* Ang bawat department ay may mga sariling mundo!!! wala akong napapansing unity!!!
* LAGI NA LANG HR!!! HR!!! RECRUITMENT!!! RECRUITMENT!!! ( wala bang ibang pwedeng sisihin?? )
* magtatrabaho ako at wala akong pakialam sa inyo!!! Ahahahah…
* dahil unang trabaho ko ‘to, gusto ko maging maayos ang lahat.
* Ayokong umalis sa kumpanyang yon nang dahil sa mga taong kasama ko o dahil sa trabaho ko, aalis ako don dahil MAY MAKIKITA akong mas magandang opportunity para sa akin.
* Ayokong tumagal don!!!promise!!!LOL
* Natatawa na lang ako dahil sa individual differences meron ang mga tao don (yun yung nagpapasaya talaga sakin don )
* Matira matibay samin nung HR manager ( sabay lang kasi kami nahire don, sabay kami nag start, ewan ko lang kung sino ang mas tatagal samin )
* Masaya ako sa ginagawa ko (?) masarap makipagkaibigan sa mga applicants. Makipagkwentuhan sa applicant during initial interview nila. Actually hindi ko sineseryoso ang pag iinterview sakanila. Bakit ba kasi kelangan maging seryoso sa mga ganung bagay?? Pano mo malalaman ang characteristics nang isang tao kung kabado siyang haharap sayo/makakausap mo? Be comfortable. Establish rapport. Ahahaha…amfufuness…naalala ko yung mga lecture ko sa psych…akalain mong nakikinig pala ako.

Yung lang!!!


PS: sana magkaroon naman ako nang makakakwentuhan pag umuuwi ako nang boarding house. My gulay naman kasi! Yung kasama ko, pag alis ko nang umaga, wala pa siya, pag dating ko galing opis, tulog siya, matutulog nako, aalis na siya (in short, isa siyang call girl..hehe…call center agent) hindi ko naman magawang magliwaliw all alone, sa pagod ko naman dahil sa pabalik balik nang 3rd at 5th floor e mas gugustuhin ko pang matulog. Poor me!!! huhuhuhuh

Saturday, August 9, 2008

aku'y tutula


Hindi ko alam kung paano sisimulan
Kung paano bibigyan nang kahulugan ang bawat salita
Kung paano ipapaliwanag ang mga pagkukulang
Kung paano pag uugnayin ang mga pagkakaiba

Magkaibang lugar, magkaibang mundo
Paano ko makikita ang mag kapareho?isang palaisipan at parang isang bugtong
Na gumulo sa isip ko nitong nakaraang linggo

Waaaahhh…hindi ko kayang idaan sa tula…hahah…trying hard si ako!!!
Ang totoo, wala akong maisip na matino ngayon…ang iniisip ko ay yung mga gagawin ko sa Monday. Linggo na bukas tapos lunes na naman…opis opisan na naman ako.


Bakit ko nga ba sinimulan to?
Kasi ganito yon…

LV: faith BLOGGER: para lng akong nasa bahay.. faith BLOGGER: ang kaibahan lang... faith BLOGGER: walang butiki... faith BLOGGER: pero natutulala pa rin ako...
LV: gusto ko yang analogy na yan
LV: hmm
LV: gawan mo ng tula
ako: weird
LV: gawan NATIN?!

naalala ko lang kasi may nakita akong butiki…hehehe… Gusto ko lang din iparating na kahit yung mga simpleng conversation naaappreciate ko. kaya mahilig ako magkalkal nang mga messages sakin, binabasa ko ulit.

Poker nang ina part II (ang kwento)

Nag simula ang kwento nung unang araw ko sa trabaho.

OO!!!!
Nabibilang na ako sa mga taong employed!!!
Hindi na ako tambay after 4 months na pagiging tengga!!!

akala ko mag cecelebrate ako nang birthday ko na wala pa ring trabaho...


HR Assistant – Recruitment

Maaga akong dumating…syempre ganun talaga pag unang araw…magkukunwari muna..hahah…7:30 – 5:30 ako every Monday to Thursday, 7:30 – 4:30 naman tuwing Friday. Tapos walang pasok pag sabado. Para lang studyante ang schhed ko...Nakakapanibago kasi sa apat na buwang tengga ako e bigla naman akong nagkaroon nang makabuluhang mundo. Pero namimiss ko pa rin ang pagiging tambay. Yung tipong titingin lang ako sa kisame namin at pag mamasdan ang butiki. Yung matutulala na lang bigla. Yung maghapong nakaharap sa pyuter (chat, blog, etc. etc. etc).

yun nga, dumating ako don.


Nakiramdam sa mga tao.


Inobserbahan ang mga nangyayari, ang mga kilos nila…ewan ko ba pero ugali ko na yon, ang maging observant pag dating sa mga taong nakikilala ko o kahit makita ko lang sa kung saang lugar.

Isang nakakagulat na nakakaaliw na hindi ko maintindihan ang naging lunes ko. Bakit? Kasi dahil isang Christian ang nagmamay ari nang kumpanya sinisimulan nila ang kanilang linggo nang isang bible study, kantahan, interaction sa mga employees at sharing. Ngayong month na’to meron silang pacontest, ang “the singing V videoke challenge”. Masaya naman kahit papano, medyo na cuculture shock lang ako dahil ibang iba sa nakasanayan ko.

Masaya nung first day dahil nakasalubong ko si enzo (schoolmate konung high school). Waaaaaaaaahhhh…ang wafu niya..ahahah...

Nakakapagod din dahil isang linggo akong nag uwian from san pablo to makati. Although naeenjoy ko naman ang byahe, nakakapagod pa rin talaga. Kahapon nga hating gabi nako nakauwi dahil kelangan mag over time dahil sa payroll.

Survived ako sa 1st week ko.

Hindi ko na madetails ang mga nangyari kasi ang hirap mag recall. Iba pa rin kasi pag fresh pa yung nangyari, madaling isulat. Yung iba lang ang natatandaan ko, tulad na lang nung

nabatukan ko ata yung babae sa bus nung pababa nako, hindi ko na kasalanan yon,
yung bus driver kasi e, walang bukas kung makapreno.
Hindi pwedeng hindi ko maririnig ang kantang hotel California. (kahapon)
Hindi rin pwedeng wala akong makakasabay na manok, na bigla ko na lang maririnig
na titilaok (kahapon)
Hindi na ako makakapag blog, chat, fs, o kahit man lang google..ahaha…
Bago din yung HR Manager, at bonding kami dahil pareho kaming bago.
Ako ang nagaayos nang endorsement para sa bank account nang mga newly hired.
Kahapon nakatulog ako sa bus dahil sa sobrang pagod…nakakatuwa kasi hindi talaga
ako makatulog pag nasa byahe, kaya wagi ako!!!marunong nako matulog…ahahah…


Tungkol naman sa trabaho ko, ayun medyo ayos pa naman ako, pero feeling ko mga 3-5 months lang ang itatagal ko don. Feeling ko lang. sobrang bilis nang turn over don, dami nag reresign tapos daming nag aapply. Kamusta naman kasi, kahit provincial don sa amin ang hiring, e ilan lang ba kami sa recruitment team, TATLO lang kami. Kahit cook nang may ari nang kumpanya kami ang naghahanap.

Eto na lang muna…

-end-

Thursday, August 7, 2008

poker nang ina

nakakapagod!!!

-end-

to follow na lang ang kwento...

huhuhuh...
sakit paa
sakit katawan
pagodsssss

Friday, August 1, 2008

Comatose

Isang mabilis na linggo ang nangyari sakin. Hindi ko naramdaman ang bawat araw dahil ito ay RAMDAM na RAMDAM ko.

Flash likod…

Tuesday – nag apply ako online. Makalipas ilang oras may nagtext (nakikipag textmate..juk juk). Nakasched daw ako for interview on Thursday, June 31,2008, 1pm. Nagconfirm ako na pupunta.

Wednesday – huwala naman masyadong nangyari. Ordinaryong araw nang isang tambay. Kain tulog…parang patabaing baboy lang.

Thursday – nagpunta ako dun sa company para sa interview. Nag-punta nang 5th floor. Nag-fill up nang application form. Nag-intay. Pinababa nang 3rd floor. Ininterview. Pinag-intay. Pinag-exam na rin. Pinaakyat sa 5th floor. Nag intay na naman. Ininterview.

At ayun…

Start na ko sa Monday…

Lumabas sa building na wala sa sarili…uh may golay…handa na ba akong igive up ang pagiging tambay???Kasabay nang malakas na pag buhos nang ulan at pag baha sa makati. Binigyan na ko nang Diyos nang trabaho.

Ngayong araw na’to ay nagcecelebrate ako nang ika 4th month nang pagiging tambay ko. Bukas birth day nang friend ko (si jowa). Tapos sa Sunday bday ng pinsan ko. sa Tuesday naman bday nang nanay ko. Tapos next month mag bibinata nako…poker nang ina…bente one nako. (off topic ito).

Nasaksihan ko live ang baha. Isang oras din tumengga ang bus sa makati. Pabahagya nang umandar. Dahil shock ako, tapos ang kinain ko lang nung araw na yon ay saging para sa breakfast at spag at burger para sa lunch nang 5pm e inenjoy ko na lang ang baha. Inenjoy ko na lang ang mga nakikita ko. Yung mga naglalakad sa baha na nakayapak. Yung mga istudyante na nagtatanggal na nang sapatos at mejas. Yung mga taong parang aliw na aliw pa sa baha. Mga naglulutangang tsinelas at kung ano ano pa. Sa sobrang pagod ko din ay hindi ko na magawang gumalaw. Gustuhin ko mang matulog hindi ko nagawa. TULALA lang ako at hindi gumagalaw. Nakatingin lang sa labas at ninanamnam ang bawat paghinga. Dahil narinig ko din sa news yung tungkol sa baha, tinext ko yung mga kilala kong nasa manila. Kinamusta ang baha at sinabihan sila nang “ingat”.

PATAWAD dun sa tumawag na hindi ko sinagot. Hindi ako suplada o mataray, natuwa ako na natuwa ka nung nalaman mong nasa makati ako. PATAWAD talaga knock knock^_^

Kanina bumalik ulit ako dun sa company para sa turn over at job offer.
Poker nang ina!!!bukod sa tubig, nakakalunod din pala ang mga papel. Ang mga formssssssss at kung ano ano pa (no further explanations…basta ang masasabi ko lang, hindi ako marunong lumangoy!!)

Isang malaking GOOD LUCK para sakin sa Lunes. Bahala na si batman (kasi bc si superman). Hindi pa man ako nagsisimula e may issue na agad akong nalaman between dun sa papalitan ko at dun sa magiging katabi ko. nakanampupu!!! Pano na kaya si ako???

Wala nang atrasan to…go go go!!!

Go with the flow. Smooth man o hindi. Malalim man o mababaw (ang baha).

Come what may, I can read minds naman e. hahaha…