Saturday, August 9, 2008

Poker nang ina part II (ang kwento)

Nag simula ang kwento nung unang araw ko sa trabaho.

OO!!!!
Nabibilang na ako sa mga taong employed!!!
Hindi na ako tambay after 4 months na pagiging tengga!!!

akala ko mag cecelebrate ako nang birthday ko na wala pa ring trabaho...


HR Assistant – Recruitment

Maaga akong dumating…syempre ganun talaga pag unang araw…magkukunwari muna..hahah…7:30 – 5:30 ako every Monday to Thursday, 7:30 – 4:30 naman tuwing Friday. Tapos walang pasok pag sabado. Para lang studyante ang schhed ko...Nakakapanibago kasi sa apat na buwang tengga ako e bigla naman akong nagkaroon nang makabuluhang mundo. Pero namimiss ko pa rin ang pagiging tambay. Yung tipong titingin lang ako sa kisame namin at pag mamasdan ang butiki. Yung matutulala na lang bigla. Yung maghapong nakaharap sa pyuter (chat, blog, etc. etc. etc).

yun nga, dumating ako don.


Nakiramdam sa mga tao.


Inobserbahan ang mga nangyayari, ang mga kilos nila…ewan ko ba pero ugali ko na yon, ang maging observant pag dating sa mga taong nakikilala ko o kahit makita ko lang sa kung saang lugar.

Isang nakakagulat na nakakaaliw na hindi ko maintindihan ang naging lunes ko. Bakit? Kasi dahil isang Christian ang nagmamay ari nang kumpanya sinisimulan nila ang kanilang linggo nang isang bible study, kantahan, interaction sa mga employees at sharing. Ngayong month na’to meron silang pacontest, ang “the singing V videoke challenge”. Masaya naman kahit papano, medyo na cuculture shock lang ako dahil ibang iba sa nakasanayan ko.

Masaya nung first day dahil nakasalubong ko si enzo (schoolmate konung high school). Waaaaaaaaahhhh…ang wafu niya..ahahah...

Nakakapagod din dahil isang linggo akong nag uwian from san pablo to makati. Although naeenjoy ko naman ang byahe, nakakapagod pa rin talaga. Kahapon nga hating gabi nako nakauwi dahil kelangan mag over time dahil sa payroll.

Survived ako sa 1st week ko.

Hindi ko na madetails ang mga nangyari kasi ang hirap mag recall. Iba pa rin kasi pag fresh pa yung nangyari, madaling isulat. Yung iba lang ang natatandaan ko, tulad na lang nung

nabatukan ko ata yung babae sa bus nung pababa nako, hindi ko na kasalanan yon,
yung bus driver kasi e, walang bukas kung makapreno.
Hindi pwedeng hindi ko maririnig ang kantang hotel California. (kahapon)
Hindi rin pwedeng wala akong makakasabay na manok, na bigla ko na lang maririnig
na titilaok (kahapon)
Hindi na ako makakapag blog, chat, fs, o kahit man lang google..ahaha…
Bago din yung HR Manager, at bonding kami dahil pareho kaming bago.
Ako ang nagaayos nang endorsement para sa bank account nang mga newly hired.
Kahapon nakatulog ako sa bus dahil sa sobrang pagod…nakakatuwa kasi hindi talaga
ako makatulog pag nasa byahe, kaya wagi ako!!!marunong nako matulog…ahahah…


Tungkol naman sa trabaho ko, ayun medyo ayos pa naman ako, pero feeling ko mga 3-5 months lang ang itatagal ko don. Feeling ko lang. sobrang bilis nang turn over don, dami nag reresign tapos daming nag aapply. Kamusta naman kasi, kahit provincial don sa amin ang hiring, e ilan lang ba kami sa recruitment team, TATLO lang kami. Kahit cook nang may ari nang kumpanya kami ang naghahanap.

Eto na lang muna…

-end-

0 comments: