Saturday, August 23, 2008

wer r u? im fine thank u...LOL

Kamusta na ako??
Eto ayus naman…
Ok lang…
Buhay pa…
Humihinga…
Ano pa bang pwedeng isagot sa tanong na “kamusta kana?”
Bakit kalimitang sagot, ok lang?

Tulad na lang kanina…nakausap ko yung nagpophotocopy dun sa office. Tinanong ko siya;

Ako: ate glo, kamusta kna?ate glo: ok lang naman ako…ok lang kahit hindi talaga…
Ako: ganyan talaga ang buhay. Kahit hindi ka talaga ok, sasabihin mo ok ka…

( yung name nung taga photocopy parang si President Gloria lang diba? akalain mong taga photocopy lang siya…lol )

Kung tutuusin maraming nang nangyari sa tatlong linggo kong pagtatrabaho. Oo!!! Nagtatrabaho ako!!! Hindi ako makapetiks talaga…as in…nakakaawa ako…walang silbi ang internet nang kumpanya dahil hindi ko mapakinabangan. Tanging yung email-add ko lang sa kumpanya ang napapakinabangan ko. (Maraming salamat kay Winx sa mahabang pasencya sa mga sunod sunod na email ko…maraming salamat din sa mga makabuhay dugong msgs…lol)

Sa dami ng kelangan gawin,
sa bilis nang turn over sa kumpanyang yon,
sa araw araw na hindi nawawalan nang applicant,
sa bawat linggong hindi nawawalan nang nagreresign,
binibilangan ko na ang sarili ko kung hanggang kelan ako tatagal don.

Minimum of 3 months maximum of 5-6…wahahahah

Hindi pa rin nawawala sakin ang bigla na lang matulala ( naisip ko siguro dahil sa stress ). Hindi pa naman ako ganon nahihirapan sa mga ginagawa ko…keri pa!!! surbayb!!!

Halo halong hindi ko maintindihan kung anung dapat itawag:

* magulo ang recruitment process nila (or dahil bago lang ako at hindi ko pa talaga kabisado ang lahat ? )
* POOOOOLITIKA!!! sobra…
* May problema ang mga tao don inter and intrapersonal relationship.
* Ang mga tao ay nakakahon sa mga trabaho nila ( parang ang motto nila ay “ang akin ay akin ang sayo ay sayo lang, wapakels ako!!!)
* Lahat nang bagay kelangan nang taeness na RECEIVING COPY!!! ( ang sakin lang naman, kung may tiwala ka sa mga katrabaho mo, bakit kelangan non? Ang mga tao ba don ay may memory gap? )
* Mahigpit ang may ari nang kumpanya!!! Isang dahilan na rin siguro kung bakit mabilis ang turn over. Tanggal kung tanggal.
* Ang bawat department ay may mga sariling mundo!!! wala akong napapansing unity!!!
* LAGI NA LANG HR!!! HR!!! RECRUITMENT!!! RECRUITMENT!!! ( wala bang ibang pwedeng sisihin?? )
* magtatrabaho ako at wala akong pakialam sa inyo!!! Ahahahah…
* dahil unang trabaho ko ‘to, gusto ko maging maayos ang lahat.
* Ayokong umalis sa kumpanyang yon nang dahil sa mga taong kasama ko o dahil sa trabaho ko, aalis ako don dahil MAY MAKIKITA akong mas magandang opportunity para sa akin.
* Ayokong tumagal don!!!promise!!!LOL
* Natatawa na lang ako dahil sa individual differences meron ang mga tao don (yun yung nagpapasaya talaga sakin don )
* Matira matibay samin nung HR manager ( sabay lang kasi kami nahire don, sabay kami nag start, ewan ko lang kung sino ang mas tatagal samin )
* Masaya ako sa ginagawa ko (?) masarap makipagkaibigan sa mga applicants. Makipagkwentuhan sa applicant during initial interview nila. Actually hindi ko sineseryoso ang pag iinterview sakanila. Bakit ba kasi kelangan maging seryoso sa mga ganung bagay?? Pano mo malalaman ang characteristics nang isang tao kung kabado siyang haharap sayo/makakausap mo? Be comfortable. Establish rapport. Ahahaha…amfufuness…naalala ko yung mga lecture ko sa psych…akalain mong nakikinig pala ako.

Yung lang!!!


PS: sana magkaroon naman ako nang makakakwentuhan pag umuuwi ako nang boarding house. My gulay naman kasi! Yung kasama ko, pag alis ko nang umaga, wala pa siya, pag dating ko galing opis, tulog siya, matutulog nako, aalis na siya (in short, isa siyang call girl..hehe…call center agent) hindi ko naman magawang magliwaliw all alone, sa pagod ko naman dahil sa pabalik balik nang 3rd at 5th floor e mas gugustuhin ko pang matulog. Poor me!!! huhuhuhuh

0 comments: