Friday, August 1, 2008

Comatose

Isang mabilis na linggo ang nangyari sakin. Hindi ko naramdaman ang bawat araw dahil ito ay RAMDAM na RAMDAM ko.

Flash likod…

Tuesday – nag apply ako online. Makalipas ilang oras may nagtext (nakikipag textmate..juk juk). Nakasched daw ako for interview on Thursday, June 31,2008, 1pm. Nagconfirm ako na pupunta.

Wednesday – huwala naman masyadong nangyari. Ordinaryong araw nang isang tambay. Kain tulog…parang patabaing baboy lang.

Thursday – nagpunta ako dun sa company para sa interview. Nag-punta nang 5th floor. Nag-fill up nang application form. Nag-intay. Pinababa nang 3rd floor. Ininterview. Pinag-intay. Pinag-exam na rin. Pinaakyat sa 5th floor. Nag intay na naman. Ininterview.

At ayun…

Start na ko sa Monday…

Lumabas sa building na wala sa sarili…uh may golay…handa na ba akong igive up ang pagiging tambay???Kasabay nang malakas na pag buhos nang ulan at pag baha sa makati. Binigyan na ko nang Diyos nang trabaho.

Ngayong araw na’to ay nagcecelebrate ako nang ika 4th month nang pagiging tambay ko. Bukas birth day nang friend ko (si jowa). Tapos sa Sunday bday ng pinsan ko. sa Tuesday naman bday nang nanay ko. Tapos next month mag bibinata nako…poker nang ina…bente one nako. (off topic ito).

Nasaksihan ko live ang baha. Isang oras din tumengga ang bus sa makati. Pabahagya nang umandar. Dahil shock ako, tapos ang kinain ko lang nung araw na yon ay saging para sa breakfast at spag at burger para sa lunch nang 5pm e inenjoy ko na lang ang baha. Inenjoy ko na lang ang mga nakikita ko. Yung mga naglalakad sa baha na nakayapak. Yung mga istudyante na nagtatanggal na nang sapatos at mejas. Yung mga taong parang aliw na aliw pa sa baha. Mga naglulutangang tsinelas at kung ano ano pa. Sa sobrang pagod ko din ay hindi ko na magawang gumalaw. Gustuhin ko mang matulog hindi ko nagawa. TULALA lang ako at hindi gumagalaw. Nakatingin lang sa labas at ninanamnam ang bawat paghinga. Dahil narinig ko din sa news yung tungkol sa baha, tinext ko yung mga kilala kong nasa manila. Kinamusta ang baha at sinabihan sila nang “ingat”.

PATAWAD dun sa tumawag na hindi ko sinagot. Hindi ako suplada o mataray, natuwa ako na natuwa ka nung nalaman mong nasa makati ako. PATAWAD talaga knock knock^_^

Kanina bumalik ulit ako dun sa company para sa turn over at job offer.
Poker nang ina!!!bukod sa tubig, nakakalunod din pala ang mga papel. Ang mga formssssssss at kung ano ano pa (no further explanations…basta ang masasabi ko lang, hindi ako marunong lumangoy!!)

Isang malaking GOOD LUCK para sakin sa Lunes. Bahala na si batman (kasi bc si superman). Hindi pa man ako nagsisimula e may issue na agad akong nalaman between dun sa papalitan ko at dun sa magiging katabi ko. nakanampupu!!! Pano na kaya si ako???

Wala nang atrasan to…go go go!!!

Go with the flow. Smooth man o hindi. Malalim man o mababaw (ang baha).

Come what may, I can read minds naman e. hahaha…

0 comments: