Busy
Busy
han
kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?
Naging sobrang busy ako ngayon araw na’to. Halos hindi ko namalayan ang oras. Sobrang dami kong ginawa simula nang imulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako para harapin ang umaga. Tumae at kinamusta ang mga nagliliparang lamok sa banyo. *maghugas nang kamay pagkatapos mong tumae*
Humarap sa salamin para alamin kung nasa ayos pa ang mga parte nang mukha (baka may naiwan sa unan). Inayos ang buhok ngunit hindi nagsuklay ( oh ha…inayos nang walang suklayan…lupet…hahah). Lumabas sa bahay para masikatan naman nang araw na parang halaman lang. Pumasok sa loob nang bahay, hinanap ang walis at nagsipag sipagan.
Naupo sa aking “thinking chair” sa harap nang computer. Natulala. Nacoma. Tumigil sandali. Nagpatugtog. Naisipang mag-almusal kaya kumuha nang lucky me beef at isang itlog.
Nagluto.
Kumain.
Niligpit ang pinagkainan.
Hinugasan lahat nang nasa lababo.
Nakipag bonding muli sa special friend habang nakaupo sa thinking chair. Chineck lahat nang pwedeng icheck na accountsssssss.
Nag shut down.
Naupo.
Nanood nang hep hep horey (yun lang ang pinanood ko)
Nahiga, hanggang sa macoma ulit. Naglunch nang alas dos.
Nahiga at muntik nang macoma (makatulog).
Pinagmasdan ang mga butiki sa kisame habang sila ay nag hehep hep horey. Hahaha…
May mga butiking naghahabulan na parang sinasabi nung butiki na “habulin mo ko butiking walang noo”
(parang ang daming butiki samin noh?)
Pumatay…
Nang lamok…
Lampas ata nang lima ang napatay ko.
Dumilim nang wala masyadong nangyaring may kabuluhan. WALA talaga.
Pero thankful pa din ako para sa araw na’to. Syempre blessing na yung buhay ka at may chance para masilayan lahat, kahit butiki.
Monday, July 28, 2008
kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?
Posted by pEyt at 10:09 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment