Saturday, December 20, 2008

LuNoD

ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
dahil hindi ko alam kung
may nakahandang sumagip

kung may magtatangkang
sumigaw nang
“tulong” para sa akin

patuloy ang pag-agos ng tubig
patuloy ang pag sabay ko sa agos

patuloy ang agos
ngunit gusto kong huminto

sa pagtatangka kong huminto
hindi ko mapigil ang sarili
dinadala ito nang agos ng tubig

hinihila,

hinahatak

pailalim

hindi ko na iintayin pa
ang malunod ako


gusto ko nang umahon


magpunta sa pampang
at hayaan ang pag agos ng tubig


lilisanin ko ang tubig

pero mananatili akong nakatanaw sa kanya ;c



Ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
Dahil hindi ako marunong lumangoy

at kung may magtuturo man
sa akin nais kong matuto
sa lugar na nilisan ko

3 comments:

lethalverses said...

syet!!

ang lupit ng tula, ramdam ang mga emosyong nais iparating...

may mga ilog na hindi man natin hanapin,
ay kusa pa ring umaagos sa paanan natin;
at kung sakaling hayaang ang sarili'y anurin,
mag-iwan ng lubid sa pampang upang di lunurin...

pEyt said...

ngunit may mga pagkakataon
na ang lubid ay nagiging marupok
kumapit ka man ng mahigpit
mapipigtal ito at ikaw ay aanurin
pilitin mo mang makaahon
ngunit huli na ang lahat...

tinangay kna ng pakiramdam
na kailan man ay hindi mo maiiwasan

*continuation ba ito?Ahahah

Anonymous said...

nUmB!!!!!!!