Am I?
“Compose your own love story, wag kang umasa sa chances. What do you expect, he’ll wait for you there? Arms wide open hinihintay ang pagdating mo? Dapat may effort ka din. “ – friend.
Sa palagay ko nga masyado akong umaasa sa chances. Kachat ko ang isang kaibigan kahapon at nagkwento siya ng kilig moment niya. May blog siya pero ayaw niya ipublish yung pinag-usapan namin kaya sabi ko ako na lang (para may mapagkaabalahan na rin ang isang tulad kong maghapon lang nakaharap sa computer or kung hindi man nakatambay sa kusina or tulog…Gawain ng tambay!)
At ito ang kwento niya sakin na dinaig pa ang isang blog entry…award!!!
pRend: Expect the unexpected..
Hmm… sabihin na nating it was the most unexpected part of my day...and the weirdest as well. I saw my crush. As in I saw my crush!!!!(ok payn!!!u saw na!!!as in like duh?hahah) The reason behind my stay and not to mention my paghihirap (sa pagpetiks) dito sa ****.. My gawsh! He greeted me! As in! ganito oh:
Sya: anne?.. (hindi totoong pangalan)
Anne: ahmm…yes? (kala ko aplikante.. or kasama ng aplikante! Pramis!!!)
crush: (insert name)…
Anne: uyyy… *smile* (insert name)..
crush and Anne: musta? (infairness, sabay na sabay kami! Hahahaha!)
*While walking
Crush: eto, dito training namin. Nalipat nga ko sa DCD eh..
Anne: huh? Baket? Diba AIO ka?.. bat ganun?
Crush: ewan.. basta nilipat eh..
Anne: ah.. jan pala kayo..
*nauna ang pinto nya, sa Paul Hersey*
Crush: oo..
Anne: hmm.. sige..
Crush: sige..
*the end*
Anne: Ang bitin noh? Ako din nabitin eh.. hahaha! Pero the thing is.. nagkita na kami!......
Yun lang. wala kong ma-feel kahit na ano. Konting kilig, konting windang. Pero walang spark (mark the spark??hahah). Walang twinkling of the eyes(anu ka istar??lol). Walang “too wide grin”. Im not soooo sure ngayon kung baket ko ba naisip na crush ko sya dati.. hindi ko tlga alam. Nadala lang ba ko na crush sya ng isang aplikante, at dahil dun. I found him cute as well???
Oh f*ck… ang babaw ko! Hahaha!
Haaay…
Wala pa ring malinaw na sagot.
Whatever.
Tetext ko nlang sya mamaya. Hehe..
Dyan nagtapos ang kwento niya tungkol sa pagbati ng crush niya saknya…medyo napaisip din ako, ngayon lang mga makalipas ang 5 segundo. Maaaring magustuhan mo nga ang isang tao sa maraming dahilan. At yon ay pwede ring maging panandalian.
Hmmm…ako???
Medyo napapatagal na, hindi na ito issue ng panandaliang kilig…ayoko man aminin sa sarili ko, pero naamin ko na sa iba (ang labo) pero unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Naging extended ang epekto sakin ng twilight dahil sa kanya. Para ka lang nakalutang, tapos biglang mapapangiti na parang baliw. Pero ika nga nila…bawal assuming. At ayoko din mag expect. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganitong pakiramdam, pero ngayon ineenjoy ko na lang muna habang hindi pa talaga ako sigurado.
Masyado ba akong umaasa sa chances?
Yan ang tanong ko kay jowa…at ang sabi niya…”uu! Uber na!”
May iba pang pagkakataon…I know…
I hope…
I wish…
Sana may chance pa talaga…
Saturday, December 13, 2008
Im composing my own love story…
Labels: anu daw sabi ko?
Posted by pEyt at 9:54 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment