Tuesday, December 16, 2008

Aliw kausap ang mga bata

Last week nagbukas ang puregold dito sa San Pablo. At dahil bago nga siya ay dinumog ito nang mga tao. Habang nagkukwentuhan kami ni mommy kung kelan kami pupunta dito para tingnan kung anung meron dahil parang kagulo ang mga tao, biglang sumabat ang pamangkin ko na apat na taong gulang pa lamang.

Aivin: kami rin pupunta ng PERIOD!!!


LOL



Natutuwa ako sa mga pamangkin ko dahil tuwing nakikita nila ako lagi silang nagkukwento. Na meron silang bagong ganito…ganyan…etc..etc..etc…blah blah blah…pati ang pagkakadapa nila kinukwento nila sakin.


Ako: Lei nabagsakan ka nga ng upuan?
Lei: opo…diba nakwento ko na yon sayo?
Ako: sorry naman!!! San ka nabagsakan? Masakit?
Lei: NABAGSAKAN AKO SA MALAKING PAA… (thumb)
Ako: LOL….bakit hindi ka umiyak?
Lei: matapang ako e…


Medyo bothered din ako ng konti kay Lei. Kasi nakwento sakin ni mommy na nung kausap niya yung pinsan ko (nanay ni Lei) tinanong niya kung bakit hindi umiyak yung bata nung nabagsakan ng upuan (take note!!! Hindi siya basta upuan lang…kahoy siya at mabigat!!!). Sabi lang nung nanay ni Lei kaya daw ganon kasi natatakot mapagalita yung bata.

Naisip ko, (akalain mong napapadalas ang pag-iisip ko ngayon!) na paano na lang kung hindi lang pag bagsak nang upuan ang nangyari? Dahil takot yung batang mapagalitan may posibilidad na hindi niya iopen ang lahat sa magulang niya dahil takot siya. Maaaring kimkimin niya ang mga bagay at ito’y makakasama sa kanya.

0 comments: