may mga ilog na hindi man natin hanapin,
(at kahit pilitin mo mang iwasan)
ay kusa pa ring umaagos sa paanan natin;
(ay patuloy mo pa ring mararamdaman)
at kung sakaling hayaang ang sarili'y anurin,
(sumabay sa agos, yakapin ang tubig)
mag-iwan ng lubid sa pampang upang di lunurin...
(o hayaan na lamang ang sariling nakalutang sa tubig)
darating ang pagkakataon
na ang lubid ay magiging marupok
kumapit ka man ng mahigpit
mapipigtal ito,
ikaw ay aanurin,
palayo sa pampang
hanggang sa ang tanging natatanaw mo na lamang
ay ang liwanag ng kalangitan
pilitin mo mang sagipin ang sarili
ngunit wala nang sapat na lakas
sapagkat ibinuhos na ang lahat
sa pagtatangkang lisanin ang kinaroroonan
at ito ay isang patunay na
nalunod kana sa pakiramdam
na kailan man ay hindi mo matatakbuhan
(maraming salamat kay lethalverses para dun sa mga nakabold (nakahubad...hehehe) na mula sa comment niya sa lunod)
Tuesday, December 30, 2008
sumabay sa agos
Posted by pEyt at 12:05 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
hoy nde naman puro lunod ang tula mo noh?! hehehe
HAPI NEW YEAR PEYT!! next year na regalo mo!! hahaha
@kuletz>> sa susunod maiiga ang tubig...wala na...kahit katiting...LOL
sa susunod langoy naman...
pwede ring lutang...
ngayong tuluyan nang sarili'y sa agos nagpatangay,
at inialay na ang palad sa dikta't laro ng buhay;
ay pilitin mo na lamang na huwag nang ganap malunod,
pagkat baka wala ng pampang na dadatnan sa susunod...
pipilitin kng lumangoy patungo sa pampang
kasabay ng pagpilit sa sarili na maging tagamasid na lamang...
amen!!!
the end...heheheh
maraming salamat LV!!!
Post a Comment