Wala naman akong inaabangan na mag cecelebrate nang birthday niya, napatingin lang ako sa orasan namin. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko naramdaman ang oras, masyadong mabilis ang panahon, ang hirap habulin *hingal*. Nung sabado nag-simulang kumati ang lalamunan ko, ngayon inuubo nako at mahigit dalawang daan ang gamot na iniinom ko sa isang araw.
-
-
-
Parang kailan lang, magkabati pa kami nang pinsan ko, masayang naglalaro nang jolen sa labas nang bahay. Hanggang sa nag karoon nang conflict between sa family niya at sa’min. Tapos ngayon unti unti nang lumilipas ang lahat.
-
-
-
Parang kailan lang, naglalaro ako nang sipa sa malawak na field nang school namin nung elementary ako. O di kya ay pinagmamasdan ang mga nagliliparang sipa sa field at inaabangan ang tatamaan nito, lalo na pag may dadaang teacher. Ngayon, ang malawak na field ay pinatayuan nang gym. At syempre hindi na rin ako nakakapag laro nang sipa.
-
-
-
Parang kailan lang, bumuo kami nang banda nang mga kabarkada ko. Nagpractice at nakakilala nang mga iba’t ibang klase nang tao. Tumugtog at nadisband, ngunit ang samahan ay hindi nagbago sa paglipas nang panahon, nabawasan man (yung lang nabawasan lang, hindi naman kami nadagdagan e). Isang hindi makakalimutang pangarap ang nabuo, ang magpatayo nang ospital na may bar…(haha..san ka pa?) Ngayon?sa aming grupo, 2 psych, 3 nurse, 1 pharma…lahat….tambay!!heheh
-
-
-
Parang kailan lang, nang mapagalitan kami sa chapel at tanungin nang isang teacher nang hindi ko makakalimutang tanong, “are you praying?”. Ang dahilan kung bakit kami natanong ay dahil sa isang mababaw na kadahilanan, pinagtatawanan nila ang madumi kong sapatos, na halos gumulong sila sa kakatawa, yan tuloy napagalitan…
-
-
-
Parang kailan lang hindi ako marunong mag commute. Yun lang…parang kailan lang…
-
-
-
Parang kailan lang, hindi pa ako mahilig sa mga ganitong bagay. Walang inatupag kundi ang matulog, kumain, mag sounds, at matulala. Pero ngayon, daig ko pa ang nakikipag-paligsahan sa padamihan nang account. Register dito, register doon, join dito, join doon. Delete dito, delete doon =p
Ang bilis nang panahon
Halos hindi ko maramdaman ang bawat segundo
Lumilipas lang ang bawat sandali na parang hangin
Laging may mga panibagong yugto
Pero ang mga yugtong ito ay tila paulit ulit lang
Ang hirap habulin nang oras
Lalo na kung ang oras mo ay nakalaan sa maraming bagay
Ang hirap sabayan nang takbo nito
Hindi ka pwedeng tumigil, hindi mo rin pwedeng unahan
Sabayan mo ang oras
Sumabay ka sa agos nang buhay
Parang kailan lang…
Kanina gumising ako, at ngayon matutulog na ulit…
Diyos ko, Maraming salamat para sa araw na’to at sa mga darating na araw sa buhay ko...
Saturday, July 12, 2008
10 minutes before 12 midnight
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment