Saturday, July 19, 2008

ang tulog na hipon , tinatangay ng agos

hindi ko alam kung pano ipapaliwanag o ikokonek ang title..nabasa ko lang siya...^_^

------------------

Title: ang kalabaw sa bukid ay matanda na, nasan ang bukid? Nasan ang kalabaw?akala mo lang wala, pero wala talaga… (wala ulit konek to)

-------------------

ang totoo, wala akong maisip na title...


oooppppssss may bigla akong naisip...



ANG PUNO NANG KAMATIS!!!


Natatawa ako sa lola ko, narinig kong nag-uusap ang mga magulang ko at ang lola ko sa kubo ilang araw na ang nakalipas. Medyo malakas silang mag-usap dahil mahina na ang pandinig nang lola ko. In short, pasigaw ang usapan nila. (Kala mo ang sasabihin ko bingi noh?) Minsan pag ako ang nakikipag-usap sa lola ko gumagamit ako nang sign language. Kasi pag wala siyang kasama sa bahay nila dito siya samin natutulog, e dahil inaabot ako nang hating gabi sa pag papalabo nang mata pinag-sasabihan niya ako. Kesa sumigaw ako, sinesenyas ko ang aking kaliwang kamay, yung parang give me five..lols..talk to my hand…lol ulit…na ang ibig sabihin ay “mamaya” “sandali lang”. Ganon na lang ang ginagawa ko para hindi magising si erpat at mudra. Naalala ko nung minsang tumawag ako sa bahay nila, lola ko ang nakasagot nang telepono. Sabi nang lola ko;
“lakasan mo at aku’y binge!”
ahahahahahahahahah
Hanggang ngayon pag naaalala ko yon at nakukwento sa iba, natatawa pa rin ako.

Lola ko siya sa father side, wala na ang lolo ko, pumanaw, ilang taon na ang nakalipas at tanging ang gitara lang niya ang nagsisilbing alaala niya sakin. Magbbertdey na si nanay (yun ang tawag ko sakanya), tumataginting 87 years na siyang nabubuhay, humihinga…pero sa edad niyang yon ay wala siyang ginawa kundi maglinis, mag walis, at mag pabalik balik kya lagi siya napapagalitan ni erpat. Mahirap na at baka madapa. E noon nadapa siya at tumama ang ulo, ayun bukol (parang bata lang ang knukwento ko). Tapos ang kulot salot kung kapatid sabi sakin; “mabagal na nga maglakad si nanay nadadapa pa…” lol

Nung nasa kubo sila sa labas nang bahay, narinig ko na sinabi nang lola ko na “bat nga naman pag mababait madaling mamatay?”

(syet!!!baka kunin na din ako..oopss! feeling si ako!!)

Tumatawa lang ako habang naririnig ang usapan nila..

Lola: tingnan mo si Ate Sima (kapatid niya) yan sobrang taray niyan.

Si Lola Sima ay matagal nang may sakit. Ewan ko, pero ang dating sakin nang pagkakasabi nang lola ko ay dahil masama si Lola Sima ay hindi pa siya kinukuha ni Papa God.

Bigla kong naisip to:

Kung ayaw mo pa mamatay maging masama ka
Kung gusto mo na mamatay magpakabuti ka

Pero para sakin, unahan lang naman ang kamatayan.
Kung mauna ka, swerte mo. Kung buhay ka pa wag kang mainggit mamamatay ka rin, wag mong pangunahan ang Diyos, WAG KANG EXCITED!!! Wag kang gumaya sa mga nagsisipag akyatan sa kung saan saang matataas na lugar at gumagawa nang eksena. Iniintay ko na lang ay yung may mabalitaan ako na umakyat sa puno nang kamatis dahil nagsasawa na siya sa buhay niya..lol *korni*

0 comments: