Yan na ata ang pinakamahabang title na naisip ko (sa ngayon) pero wala naman siyang konek, naisip ko lang...
eto ang kwento... (open curtain)
Naglinis ako nang bahay kahapon para naman maging productive ako kahit minsan.
Nilipat ang mga kasangkapan, pinagpalit palit nang pwesto na parang may trip to Jerusalem lang. Matagal tagal na din akong hindi nag-gegeneral cleaning. Samantalang dati, nung nag-aaral pa ko, tuwing uuwi ako nang weekends e nagkakatulong ako dito sa bahay. Siguro dahil lagi na akong nasa bahay ngayon di tulad dati.
Bakit nga ba parang tamad na tamad ako? (hindi ko rin alam)
Nung nakaraang linggo nagkasakit ako.
Ubo
Sipon
Lagnat
Sakit nang ulo
Asthma
Kaya lalo na ko naging walang silbi,baldado, inutil dito sa bahay. Pero sabi ni que uso daw yon. Pero, pero, pero,,, naman!! Hindi naman ako mahilig sa uso e bakit ako pa ang nausuhan nito. Pero ok na, magaling nako, este, ubo na lang.
Asthma.
Bata pa ko may asthma nako.(hahah..parang tell something about your self,…tapos nadapa ako at nasugatan…lol) Lahat na ata nang paraan para mawala to e ginawa na nang mga magulang ko. Halos lagi akong absent nung elementary ako dahil don. Suki na rin ako sa clinic. Pero nawala naman siya, naging inactive sa paglipas nang mga taon. Pero nitong nakaraang linggo, non ko lang ulit naramdaman ang tinatawag na hika. Syet! I can’t breath!!!
Que: wag na kasi ikaw magyosi, iyoyosi na lang kita.
Ako: aba jowa pag nagyosi pa naman ako sa ganitong kalagayan e parang sinabi ko na rin na gusto ko nang mamatay..juzcoh!!! gusto ko muna magkatrabaho, magkaasawa at magkaanak…at yumaman…wahahaha…
Inaabot nang mahigit dalawang linggo kung ubuhin ako. At ayoko nang ganon dahil ang hirap kumanta (sa banyo). Pag nagbibigay nako nang senyales na uubuhin, nakahanda na agad ang gamot ko. Ang anti-asthma ko. Immune nako sa pag-inom nang gamot, kabisado ko na kung san ko ilalagay ang tableta/capsule para mainom ko ito. (sa noo, pagagalawin hanggang makarating sa bibig, parang piso lang, yung laro…basta ganon…)
Wednesday, July 16, 2008
title: "pano kung ang agos ay papunta sa mabato o malalim na parte?go with the flow ka pa rin ba?
Posted by pEyt at 11:21 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
potek.
ang kulit hahaha... e pano kung syrup ang kailangan mong inuming gamot??
pedeng mas madali - no extre effort needed para bumaba patungo sa bibig.
pedeng mas mahirap - paano kung sa mata mo ito mapunta?
wehehehe
Post a Comment