Tuesday, July 22, 2008

under my unwanted attitude

Wala akong balak na gawin tong post na ito. Pero dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman (galit/pagkamuhi/inis > na parang iisa lang naman ang meaning, basta combination nang lahat nang negative sa mundo) ngayon araw na’to kailangan ko ilabas to. Kailangan ko itong ilabas kahit sa ganitong paraan dahil baka sumabog ako (para lang itong sakit nang tiyan, nakakaramdam nang pagtae na hindi kayang pigilin). Hindi ko pa naranasan ang magalit to the highest level sa buong buhay ko. Kung magalit man ako hindi ako nanakit o sumigaw sa kahit sinong nilalang nang Diyos.

Ayoko nang may okasyon dito sa bahay o sa kahit sinong kamag-anak namin sa side nang father ko. Lalo na kung kinakailangan nang presence naming pamilya. Bakit ayoko? Dahil sa nangyaring hindi pag kakaunawaan sa mga kamag-anak namin (which I don’t consider relatives anymore!!). Hanggang ngayon hindi pa rin “ok” ang tingin ko sa kanila at alam kung kailan man ay hindi na maibabalik ang dati. Tanggap ko ang ganitong paniniwala. Walang anu mang lumipas ang maibabalik!!! Kahit maging okay ang lahat para sakin hindi ko pa rin maaalis ang mga nangyari. I do forgive but I will NEVER forget!!! Bitter ako!!! and that makes me hate them soooooooooooo much!!! Nag fofountain ang dugo ko sa kanila!!!
Naging mabait ang mga magulang ko sa kanila. Kaya ganito ang reaksyon ko. Alam ko na pilit inaayos o gusto nang mga magulang ko na maging maayos ang lahat. At kung iniisip nila na mas pinapalala ko lang ang lahat nagkakamali sila. Ganito ako at ayoko magbago para sa mga KAMAG-ANAK NILA!!! Kung pipilitin nila ako sa ayaw ko, baka pag sisihan nila…

Ayokong sila ang maging dahilan para mapagalitan o magalit sakin ang mga magulang ko, wish is nangyari na…fresh na fresh…wala pang isang oras ang nakalipas. Kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang galit ko. Anung nangyari? Birthday nang lola ko ngayon, at present ang ilan sa mga kamag-anak namin. Malapit lang ang bahay nang lola ko sa bahay namin, tatalong bahay lang ang pagitan. Pinapapunta ako ni erpat don para kumain. AYOKOng pumunta, pero wala akong nagawa, ginalit ko lamang ang tatay ko dahil sa pagiging MATIGAS ANG ULO!!!

Mommy: “marunong kanang lumaban ngayon?”

Ano pa nga bang magiging reaksyon ko dito? Ayoko sanang maging pasaway na anak. Dahil hindi naman ako naging ganon. Pero ngayon nakikita ko na na unti unting lumalabas ang sungay at buntot ko (hindi pala lumalabas, humahaba). Hindi ko kailan man pinilit ang sarili ko na gawin ang isang bagay na alam kong ikasasama lang nang loob ko. Kaya naman ang makita sila o marinig man lang ay iniiwasan ko dahil bumabalik lang ang mga nangyari na nagiging sanhi nang pag kamuhi ko sa kanilang lahat. Hindi ko kayang mag LET GO, kung ang isang bagay, tao, pangyayari ay sobrang tumatak sa isipan at lalong lalo na sa puso ko sinisigurado kong pang habang buhay na yon. Mabigat mang pakinggan, pero seryoso ako sa oras na ito (ngayon lang). Ayoko sana nang sobrang seryosong entry sa blog na’to pero hindi maiiwasan.

Yan nagdadatingan pa ang mga kamag-anak NILA!! Dumadami sila!!!putang ina!!! Ayoko silang makita. Ayoko pumunta don para makipag PLASTIKAN lang sa kanilang lahat. Mas gugustuhin kung matulog dito sa bahay kaysa maging HANGING napadaan lang don!!!

Paksyet silang lahat!!! (hindi naman masyadong halata na galit ako)

Pasalamat na nga sila na sa ganitong paraan ko na lang inilalabas ang galit ko. Ewan ko lang, pero kung pipilitin nilang ilabas ko ang sungay at buntot ko baka umapoy ang paligid. Ngayon parang may gusto pa ring kumawala sa dibdib ko. Alam ko na hindi ito sapat pero malaking tulong pa rin to para kahit papaano e mabawasan naman ang paksyet na feeling na’to.

Ayoko sa kanila!

ayoko silang makita!
I hate them!
paksyet!
Taena!

kung hindi masamang pumatay, baka nakarami nako. Isang buong angkan na sana ang pinasabog ko…


I’m not nice!!!
I am evil!!!

Hindi dahil pinanganak akong ganito, kundi dahil sa mga taong ginawa akong ganito.

Kung lahat nang taong masama ay meron pa ring kabutihang itinatago.
Ang mabubuting tao meron pa ring bahid nang kasamaan.
Walang perpekto, wag kang feeling…

Though I am born with wings and halo,
I can still be as evil as you want to.
Don’t push me to do wrong; I might enjoy doing it to you.
Don’t make me evil, because I assure you that I will be evil for the rest of YOUR life.

Hindi ako babalik don kung pabalikin man ako nang tatay ko. Hindi sila ang iniisip ko, SARILI ko!!!ayokong tuluyang masira ang araw ko. Selfish ako sa araw nato.

0 comments: