Matapos ang isang nakakapagod na araw kahapon na muntik na si akong hindi makauwi dahil sa strike ay namiesta naman ako kanina.
Bago yon, ano nga ba ginawa ko kahapon (July 24, 2008)?
Nagpunta ako nang Pasay at Makati. Anung ginawa ko don? Pinagod ko lang naman ang sarili ko. Maiba lang…Nagpagala gala…namalimos…nanlalake (boss chiks)…
hmmm…ang totoo, interview ko kahapon kaya ako nandon…nagiging immune na nga ako sa mga ganitong bagay…At muntik na nga akong walang masakyan pauwi dahil ang mga bus na papuntang Lucena ay hindi dadaan nang San Pablo dahil sa strike. Ayun, pero nakauwi naman ako. Ligtas, walang labis walang kulang. *end*
Fiesta kina jowa ngayon. Hindi sana kami pupunta dahil lumakas ang ulan. Kumulog, kumidlat. Pero dahil tumila naman tumuloy na rin kami.
Ang bilin sakin nang aking ina ay wag daw akong papagabi don. Medyo may kalayuan yung lugar, o as in malayo talaga. Tapos mahirap yung signal. Ilang minuto rin ang byahe papunta don at piptin ang pamasahe.
(Habang nasa tricycle)
Pam: oh may patay, fiestang fiesta. (hindi ko sure kung yan nga yung exact word, pero parang ganan yung sinabi niya)
Dumating kami sa bahay nina jowa. Kumain. Kwentuhan.
(eto ang dahilan kung bakit ayaw nang aking ina na gabihin kami don)
Lasing: Lumabas ang matapang!!!
Ito ay dahil kapag madilim na o pagabi na ay naghahamon na ang mga lasing, nagkakaroon na nang “shooting”
Gumagawa nang eksena ang mga lasing. Tapos yun palang nakaburol nabaril kagabi. Disperas pa lang may eksena na agad. Kaya naman 6pm pa lang umalis na kami. Hindi lang naman pag fiesta may mga kakaibang eksena. Pero madalas lang talaga pag mga ganung okasyon dahil kaliwa’t kanan ang inuman. Barilan dito, barilan doon, saksakan dito, saksakan doon.
Sumakay na kami pauwi at etong si manong tricycle driver parang walang bukas kung magdrive. Daig pang may sakay na manganganak. Wala sa bokabularyo niya ang salitang "mabagal".
Ako: manong!! Hindi kami nagmamadali….hindi kami nagmamadaling mamatay!!!
Hindi ko sinabi yan, dahil nanatili akong kalmado at tahimik. Ahahaha
Off topic (kahit parang wala naman talagang topic) – ang ingay nang nanay ko…aliw na aliw sa panonood nang basketball…dalang dala…
0 comments:
Post a Comment