Wednesday, July 2, 2008

hmmmm

I've always been the kind of girl
That hid my face


Mahiyain ako…totoo yon…promise!!! Lalo na nung bata pa ako. Hindi ako masyado nag lalalabas nang bahay. Mga kapatid ko lang ang kalaro ko, mga pinsan ko (taguan, jolen, sikyo, sipa…boy na boy noh?).

So afraid to tell the world
What I've got to say


Hindi ako vocal na tao. As in, minsan kahit may gusto akong sabihin mas pinipili ko ang manahimik na lang. Tamang naglalaro na lang sa isip ko yung mga gusto kong sabihin. Pero ngayon hindi na sila sa isip ko lang naglalaro, pati sa mga blog entry ko. (kya nga aliw na aliw ako magregister sa mga blog sites) Tumbling tumbling ang mga words and everything. Naalala ko nung elementary ako nireklamo ako ng teacher ko, sinumbong ako kay mudra hindi dahil sa kadaldalan sa klase kundi dahil ang tahimik ko daw. Hindi ako magaling sa recitation, more on written ako. Hindi ako nagsasasali sa mga activity, tamang estudyante lang ako, ordinaryong estudyante. Nung minsang nagkaroon nang balagtasan nung elementary ako, kasali ako dahil no choice. Medyo malawak yung lugar kya kelangan nang malakas na boses. Nagulat ang mga classmates ko at mga nakakakilala sakin nung nagsalita na ako, napatunayan nila na hindi ako pipi. Pero ngayon medyo nagbago na ako, marunong nako magsalita…hahah..Pero hindi pa rin mawawala yung ako na tahimik lang pero rock.lol..

But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show, it's time
To let you know


Madami akong pangarap sa buhay. Isa na don ang matagal ko nang pangarap ang kumanta. Pero ang pangarap kong yon ay pang banyo lamang. Pangarap na pansarili lang. Minsan na akong nainvolve, nakiuso, naging myembro nang banda nung high school ako, una sa keyboard, tapos guitar, pero hindi ako naging vocalist. Alam nang mga close friends at family ko na “marunong” ako kumanta, pero wala talaga akong lakas nang loob. Walang kapal nang muks. Hanggang ngayon gusto ko pa rin maging involve sa music industry. Maging isang artist sa kahit anung paraan.
Nangarap din ako na maging isang doctor tulad nang marami nung sila’y mga musmos pa lamang.
Marami akong pangarap, yung iba nakalimutan ko na. Libre naman mangarap (isang gasgas na linya) ang kailangan lang ay may gawin ka para matupad ang mga pangarap mo.

This is real, this is me
I'm exactly where I'm supposed to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me

Do you know what it's like
To feel so in the dark
To dream about a life
Where you're the shining star

Syempre sa mga pangarap ko, kapag nag dadaydream ako kahit gabi, ako ang bida. Sino ba naman ang gustong hamakin sa sarili niyang pelikula diba? Yun ang isang way ko para makatakas sa realidad nang buhay, paraan ko para isipin na ok ang lahat sa oras na hindi naman talaga, kaya hindi nako magtataka kung bigla ko na lang kausapin ang mga butiki sa kisame. Hobby ko na yon, hindi ako kausapin ang butiki kundi ang kausapin ang sarili ko. lol
Bida bidahan lagi ako sa mga eksena sa isip ko, pwede na nga ako gumawa nang isang teleserye o libro, chapter by chapter pag pinagsama-sama lahat nang fantasies ko, isama pa ang mga panaginip. Horror, love stories, action, name it, I have it…all in my mind.

Even though it seems
Like it's too far away
I have to believe in myself
It's the only way

I have to believe in myself and that’s what I am doing.


*the excerpt is from the song this is real, this is me from the movie camp rock*

medyo magulo...parang hindi magkakakonek yung mga sinabi ko...naguluhan ako sa ginawa ko...hahah..

0 comments: