may mga ilog na hindi man natin hanapin,
(at kahit pilitin mo mang iwasan)
ay kusa pa ring umaagos sa paanan natin;
(ay patuloy mo pa ring mararamdaman)
at kung sakaling hayaang ang sarili'y anurin,
(sumabay sa agos, yakapin ang tubig)
mag-iwan ng lubid sa pampang upang di lunurin...
(o hayaan na lamang ang sariling nakalutang sa tubig)
darating ang pagkakataon
na ang lubid ay magiging marupok
kumapit ka man ng mahigpit
mapipigtal ito,
ikaw ay aanurin,
palayo sa pampang
hanggang sa ang tanging natatanaw mo na lamang
ay ang liwanag ng kalangitan
pilitin mo mang sagipin ang sarili
ngunit wala nang sapat na lakas
sapagkat ibinuhos na ang lahat
sa pagtatangkang lisanin ang kinaroroonan
at ito ay isang patunay na
nalunod kana sa pakiramdam
na kailan man ay hindi mo matatakbuhan
(maraming salamat kay lethalverses para dun sa mga nakabold (nakahubad...hehehe) na mula sa comment niya sa lunod)
Tuesday, December 30, 2008
sumabay sa agos
Posted by pEyt at 12:05 AM 4 comments
Saturday, December 20, 2008
LuNoD
ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
dahil hindi ko alam kung
may nakahandang sumagip
kung may magtatangkang
sumigaw nang
“tulong” para sa akin
patuloy ang pag-agos ng tubig
patuloy ang pag sabay ko sa agos
patuloy ang agos
ngunit gusto kong huminto
sa pagtatangka kong huminto
hindi ko mapigil ang sarili
dinadala ito nang agos ng tubig
hinihila,
hinahatak
pailalim
hindi ko na iintayin pa
ang malunod ako
gusto ko nang umahon
magpunta sa pampang
at hayaan ang pag agos ng tubig
lilisanin ko ang tubig
pero mananatili akong nakatanaw sa kanya ;c
Ayokong malunod sa
pakiramdam na ito
Dahil hindi ako marunong lumangoy
at kung may magtuturo man
sa akin nais kong matuto
sa lugar na nilisan ko
Posted by pEyt at 6:17 PM 3 comments
Tuesday, December 16, 2008
Aliw kausap ang mga bata
Last week nagbukas ang puregold dito sa San Pablo. At dahil bago nga siya ay dinumog ito nang mga tao. Habang nagkukwentuhan kami ni mommy kung kelan kami pupunta dito para tingnan kung anung meron dahil parang kagulo ang mga tao, biglang sumabat ang pamangkin ko na apat na taong gulang pa lamang.
Aivin: kami rin pupunta ng PERIOD!!!
LOL
Natutuwa ako sa mga pamangkin ko dahil tuwing nakikita nila ako lagi silang nagkukwento. Na meron silang bagong ganito…ganyan…etc..etc..etc…blah blah blah…pati ang pagkakadapa nila kinukwento nila sakin.
Ako: Lei nabagsakan ka nga ng upuan?
Lei: opo…diba nakwento ko na yon sayo?
Ako: sorry naman!!! San ka nabagsakan? Masakit?
Lei: NABAGSAKAN AKO SA MALAKING PAA… (thumb)
Ako: LOL….bakit hindi ka umiyak?
Lei: matapang ako e…
Medyo bothered din ako ng konti kay Lei. Kasi nakwento sakin ni mommy na nung kausap niya yung pinsan ko (nanay ni Lei) tinanong niya kung bakit hindi umiyak yung bata nung nabagsakan ng upuan (take note!!! Hindi siya basta upuan lang…kahoy siya at mabigat!!!). Sabi lang nung nanay ni Lei kaya daw ganon kasi natatakot mapagalita yung bata.
Naisip ko, (akalain mong napapadalas ang pag-iisip ko ngayon!) na paano na lang kung hindi lang pag bagsak nang upuan ang nangyari? Dahil takot yung batang mapagalitan may posibilidad na hindi niya iopen ang lahat sa magulang niya dahil takot siya. Maaaring kimkimin niya ang mga bagay at ito’y makakasama sa kanya.
Labels: kids
Posted by pEyt at 8:38 PM 0 comments
Saturday, December 13, 2008
Im composing my own love story…
Am I?
“Compose your own love story, wag kang umasa sa chances. What do you expect, he’ll wait for you there? Arms wide open hinihintay ang pagdating mo? Dapat may effort ka din. “ – friend.
Sa palagay ko nga masyado akong umaasa sa chances. Kachat ko ang isang kaibigan kahapon at nagkwento siya ng kilig moment niya. May blog siya pero ayaw niya ipublish yung pinag-usapan namin kaya sabi ko ako na lang (para may mapagkaabalahan na rin ang isang tulad kong maghapon lang nakaharap sa computer or kung hindi man nakatambay sa kusina or tulog…Gawain ng tambay!)
At ito ang kwento niya sakin na dinaig pa ang isang blog entry…award!!!
pRend: Expect the unexpected..
Hmm… sabihin na nating it was the most unexpected part of my day...and the weirdest as well. I saw my crush. As in I saw my crush!!!!(ok payn!!!u saw na!!!as in like duh?hahah) The reason behind my stay and not to mention my paghihirap (sa pagpetiks) dito sa ****.. My gawsh! He greeted me! As in! ganito oh:
Sya: anne?.. (hindi totoong pangalan)
Anne: ahmm…yes? (kala ko aplikante.. or kasama ng aplikante! Pramis!!!)
crush: (insert name)…
Anne: uyyy… *smile* (insert name)..
crush and Anne: musta? (infairness, sabay na sabay kami! Hahahaha!)
*While walking
Crush: eto, dito training namin. Nalipat nga ko sa DCD eh..
Anne: huh? Baket? Diba AIO ka?.. bat ganun?
Crush: ewan.. basta nilipat eh..
Anne: ah.. jan pala kayo..
*nauna ang pinto nya, sa Paul Hersey*
Crush: oo..
Anne: hmm.. sige..
Crush: sige..
*the end*
Anne: Ang bitin noh? Ako din nabitin eh.. hahaha! Pero the thing is.. nagkita na kami!......
Yun lang. wala kong ma-feel kahit na ano. Konting kilig, konting windang. Pero walang spark (mark the spark??hahah). Walang twinkling of the eyes(anu ka istar??lol). Walang “too wide grin”. Im not soooo sure ngayon kung baket ko ba naisip na crush ko sya dati.. hindi ko tlga alam. Nadala lang ba ko na crush sya ng isang aplikante, at dahil dun. I found him cute as well???
Oh f*ck… ang babaw ko! Hahaha!
Haaay…
Wala pa ring malinaw na sagot.
Whatever.
Tetext ko nlang sya mamaya. Hehe..
Dyan nagtapos ang kwento niya tungkol sa pagbati ng crush niya saknya…medyo napaisip din ako, ngayon lang mga makalipas ang 5 segundo. Maaaring magustuhan mo nga ang isang tao sa maraming dahilan. At yon ay pwede ring maging panandalian.
Hmmm…ako???
Medyo napapatagal na, hindi na ito issue ng panandaliang kilig…ayoko man aminin sa sarili ko, pero naamin ko na sa iba (ang labo) pero unti unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Naging extended ang epekto sakin ng twilight dahil sa kanya. Para ka lang nakalutang, tapos biglang mapapangiti na parang baliw. Pero ika nga nila…bawal assuming. At ayoko din mag expect. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang ganitong pakiramdam, pero ngayon ineenjoy ko na lang muna habang hindi pa talaga ako sigurado.
Masyado ba akong umaasa sa chances?
Yan ang tanong ko kay jowa…at ang sabi niya…”uu! Uber na!”
May iba pang pagkakataon…I know…
I hope…
I wish…
Sana may chance pa talaga…
Labels: anu daw sabi ko?
Posted by pEyt at 9:54 AM 0 comments
Tuesday, December 9, 2008
pagdating, pagpapaalam, paglisan, pagnanakaw…
Kahapon tuluyan na akong nagpaalam sa mga kasamahan ko sa opisina dala ang mga regalo ko sa kanila. Masaya akong dumating sa opis dala ang isang malaking paper bag na naglalaman ng mga regalo. Sa pag dating ko madami na agad akong kwentong narinig sa kanila. Mga nangyari sa isang linggong hindi ko pag pasok.
Hindi n asana ako magtatagal don ngunit sinabihan nila ako na wag muna umalis. Nagclearance ako at nag turn over. At nabigay ng regalo. Pag patak ng alas singko, nagpaalam nako sa kanila at tuluyan nang nilisan ang lugar na yon.
At bukas...Dec 10…official na akong tambay…ulit…
Umuwi ako nang laguna dahil pati ang boarding house na tinutuluyan ko ay nilisan ko na din. Nag alsa balutan nako at hinakot ang mga gamit ko pauwi nang laguna nung linggo.
Naging ugali ko na ang magtext sa nanay ko kung asan ako. Dahil yun ang gusto niya, ang malaman kung asan kami para hindi siya nag-aalala. Malate lang ng limang minuto ang text mo sa sinabi mong oras na aalis ka sa lugar kung nasan ka o inaasahang oras ng pagdating mo sa pupuntahan mo, tiyak na papaulanan ka niya ng text at tawag.
Tinext ko si mommy at sinabing pauwi nako.
Ako: dito nako turbina.
Mommy: ok, sabay na kayo ni bunso, pauwi na din siya..
Ako: tae! Sabay na tayo uwi...intayin mo ko…
Kevin: utot! Kakasakay ko lang dito sa crossing.
Ako: ok lang yon…calamba pa lang ako..dadaan pa to ng batangas at alaminos, kita tayo jabi.
Ako: alaminos nako.
Kevin: malayo pa ko…
Ako: ok, kakain na lang muna ako sa jabi…anung gusto mo?
Kevin: kahit ano
Ako: walang kahit ano sa jabi!!
Kevin: spag, burger at fries…sa bahay na lang ako magririce..
Ako: jabi nako…
Kevin: 30 minutes pa ko!
Ako: tae ka! Umorder nako…konti na lang ang tao dito. Bilisan mo.
Kevin: hindi ko hawak ang oras, ang panahon…bwahahah…bahala ka jan!
Ako: paksyet! Bilis!!!
Binagalan ko nang bonggang bongga ang pagkain hanggang sa may mga dumadating pa din para kumain at mag take out. Naubos ko na ang spag at fries na order ko wala pa din ang kulot kong utol. Tapos….
Ayan na!!! dumating na siya!!! yehey!!!
Kumain siya ng mabilis para makauwi na kami. Nang malapit na siyang matapos…
Ako: iuwi natin tong tray!
Kevin: sige iuwi mo…
Ako: ay itong baso na lang pala…hnd kasya sa bag ko ang tray.
Kevin: bahala ka.
Ako: tingnan mo baka may makakita…wala naman sigurong hidden cam dito?noh?
Ako: wala namang alarm sa pinto diba? walang tutunog na what ever pag labas natin...
Kevin: alarm ka jan! kung nilalagay mo na kya sa bag mo.
Sabay silid ng baso ni jabi sa bag ko…
sabay tayo namin ng kapatid ko…at
sabay labas sa palasyo ni haring bubuyog…
Labels: moment
Posted by pEyt at 10:56 PM 0 comments
Thursday, December 4, 2008
Parang ordinaryong araw lang…
Kahapon, maliligo na sana ako nang biglang nagring ang selepono ko. Palabas na ako nang banyo para sagutin ang tawag (Oo!! Dala ko sa banyo ang cp ko?kiber??) ngunit pag labas ko nang banyo,
Ako: “hello!
??? : Hello!”
Ako: hello sino to?
???: hello?? Hello??
At dito nagtatapos ang aking kwento…lols
Part 2 na! para mabilis…
Dahil nararamdaman kong hindi ako naririnig nang nilalang na nasa kabilang linya, minabuti ko na lamang na ibaba (sa sahig ang selepono ko, sabay sigaw ng “hello??? Naririnig mo ba ko??”).
Makalipas ang ilang Segundo. Nag ring naman ang landline namin.
Ako: hello?
??? : hello! Good afternoon, I’m looking for Ms. Faith…
Ako: speaking…who’s on the line???? : this is ann _____ of ____ , I would like to invite you for exam tom.
Ako: ah…ok…
Ann: pinsan ka ni riza diba? Si ann to…
Ako: ann? (ann na may crush ky a.k. na crush ko din?lols pero hindi ko sinabi to…amp!)
Ann: yung tropa ni hazel.
Ako: ah ok…
Ann: sama mo na din si riza.. 3pm tom.
Ako: ok…
----- cut ----
Napag-usapan namin ng pinsan ko na umalis ng 6am dahil kukunin ko pa yung pina-laundry ko. At para maayos ko na din ang ibang gamit ko sa boarding house. Pero dahil umuulan at masarap matulog, 5:30 na ko nagising.
Daddy: pEyt!!
Ako: hmmm
Daddy: dib a aalis ka?
Ako: ai!!! Oo nga pala… (biglang bangon)
Mag aalaSYETe na rin kamin nakaalis ng laguna. Pag baba namin ng bus, habang naglalakad kami…may isang babaeng lumampas sa aming dalawa..
Riza: amoy……..panlaba siya!
Ako: gagu ka! Ang lakas ng pagkakasabi mo! Mapapaaway tayo ng di oras…
RIza: amuy panlaba naman talaga siya..
Ako: amoy downy…
Both: LOL
Lumingon ako sa likod:
Ako: e may nadaanan tayong laundry shop e…
Both: LOL
Medyo madaming nangyari ngayong araw nato. Kaya para maging madali ang lahat sakin, ganito na lang:
· Nag-apply kami sa isang call center company. At paksyet!!! Isa pa!!! paksyet…hindi kami pumasa…lols
· Nag-exam kami sa BDO at tsaran!!! Pasado kami!!!
· Mamasyal kami ng pinsan ko at tumingin ng pang regalo, hinanap si dora, Barbie, toys, toys, cloths, damit. Laruan, toys…repeat many times…
· Kumain kami sa jabi…weeeeeehhhhh
· Nakita ko ang officemate ko habang kumakain kami sa food court. SMALL WORLD!!! At dahil hindi naman kami talaga nag uusap pag nasa opis ako, nagulat ako dahil naki-share siya samin ng table.
· Squid…yun lang…squid…
· Dinala ko ang lungs ni kuletz sa condo ni LV
· Parang nagtitrip to Jerusalem ang mga pasahero ng bus kaninang umaga…ang gulo nila..palipat lipat ng upuan, nakakahilo…pero nakakaaliw…hahahah
· Nagimpake nako…inayos ko na ang mga gamit ko sa boarding house at dinala ko na din ang iba pauwi.
· Nagsungit ang pinsan ko…sabi niya sa guard..”bakit kelangan ng ID e iiwan lang naman namin yan?, sabi ng guard, “kukunin ko lang po yung pangalan niya”…sabi ko, “ok ok, sorry…masungit talaga tong pinsan ko:D”
· Ang paksyet na exam…DEFINE ACCOUNTING!!, taragis…PSYCHOLOGY ako…pero ok lng…pasado pa rin – apir!
Posted by pEyt at 1:26 AM 0 comments
Monday, December 1, 2008
naghahanap
Ay siya ring pagkubli ng iyong nararamdaman
Pilit mo mang iwaksi ang katotohanan
Sa pagdilim ng kalangitan
tanging mga bituin lang ang makakapagpatunay
Kahit pilit mo mang itago ang nararamdaman
Patuloy pa rin itong kikinang sa madilim na kapaligiran
At ipapakita sa lahat na tanging siya lang
Ang dahilan kung bakit sa madilim mong mundo
May liwanag na natatanaw
Maging mapusok man ang pagkakataon
Ilag man ang tadhana
Dumadaing pa rin ang mga pusong nais magtagpo.
Posted by pEyt at 9:53 PM 0 comments
Maraming tagpo sa isang tipikal na angkan
Ako: daddy mag iinom kami.
Daddy: sige, sagot ko na ang redhorse (nagpunta sa kusina para kunin ang redhorse)
Ako: wala na bang matador?
daddy: ah, matador ang gusto niyo?
Ako: opo (lols ang galang ko!)
Daddy: oh, sige…meron pa don.
Sa inuman kagabi:
Kwentong lep
Ailine: nakakatawa si yin. Naglalaba ako, e di nakita niya yung washing machine. Tapos sabi ni yin;
“ wow tita ailine ang ganda naman ng lep niyo!”
Nene: si bubuy naman, kumakain kami…tapos may malaking aircon, sa likod ko…sabi “wow ang laki ng ref”
lol
Utol: anung oras kayo natapos kagabi?
Ako: alas dos
utol: naka ilan kayo kagabi?
Ako: Isa lang. bakit hnd kayo nag-inom dito kagabi?
Utol: may inuman na kasi don hindi na sila lumipat.
Naglalaba si utol ng kumot.
Mommy: oh icharge mo na yon!
Ako: alin?? Dicharge na ngayon yung washing machine natin?
Ako & utol: LOLS
Isang araw nagdesisyon akong isama ang dalawang pamangkin ko para kumain. Pero bago yon naggrocery muna kami.
Lei: bakit tayo pupunta don?
Ako: may bibilhin muna tayo. Pinapabili ni lola mommy mo.
Aivin: san tayo kakain?
Ako: sa jabi.
Lei: gusto ko sa mcdo.
Aivin: ako jabi…
Lei: sa mcdo na lng tayo ninang
Ako: o cge, ikaw sa mcdo, kami sa jabi…
Sa jabi:
Ako: oh, upo lang kayo jan, wag kayong aalis, bantayan niyo yang binili natin, oorder lng ako.
Habang nasa counter. Lumingon ako para tingnan ang dalawang bata. Takte! Wala…naglalaro na!!
Habang kumakain
Aivin: ninang bili tayo toys
Ako; hindi! Hindi tayo bibili ng toys. Walang pera si ninang.
Aivin: e bakit tayo kumain kung wala kang pera?
Ako: *speechless*
Lei: bibili tayo ng toys pagkatapos natin kumain?
Ako: hindi! Uuwi na tayo!Aivin: gusto ko bumili ng toys
Ako: ako ba ang nanay niyo?? Dun kayo magpabili sa mommy niyo!
Amoy lasingan!!
Lumapit si daddy kay yin para magkiss!
Sabi ni yin kay daddy..
Yin: a yaw ko lolo daddy! AMOY LASINGAN ka!!
Posted by pEyt at 12:50 PM 0 comments
Friday, November 28, 2008
happy-sha-la-la-la
Nagdesisyon na’ko magresign
I repeat!!!
Nagdesiyon na’ko magresign!
At next week ay huling linggo ko na sa kumpanyang yon. Kumpanya kung saan mas gugustuhin mo pang maging tambay na lang…At eto nga, malapit na ulit akong maging isang tambay!!!
Tsssssaaaaarrrrrraaaaaaaaaaannnnnnnnnnn!!!!!!!!!!
Welcome to the world of unemployed!! AGAIN!!!
Pero masaya ako sa naging desisyon ko. Although alam ko kung ga’no kahirap maghanap ng trabaho. Pero bakit ko titiisin ang sarili ko sa lugar na yon? Papahirapan ko pa ba ang sarili ko?
No! no! no! no! no!
Yan din ang sagot ko sa kasamahan ko don sa tuwing sinasabi niya sakin na pag isipan ko ang naging desisyon ko. (tatlong buwan ko ding pinag-isipan yon!!! Ayoko nang mag-isip pa ng matagal!!! Ang hirap kyang mag-isip!!!) tapos sasabihin niya ang linyang;
“pEyt….wag mo ko iwan!”
Natatawa na lang ako pag sinasabi niya yon. Pero bilib din ako sakanya dahil nakatagal siya nang mahigit dalawang taon sa lugar na yon. Kung anung super power ang meron siya at nakatagal siya don, well…saknya na lang yon. Di na niya kelangan ishare sakin. No thanks!!
Basta ako, masaya ako kahit alam ko na walang kasiguraduhan ang lahat…
Basta masaya ako
Period
Exclamation point
Posted by pEyt at 10:42 PM 0 comments
Saturday, November 1, 2008
Said to be….am I???
Binigyan ako ng pangalang MARIA FAITH, pangalan na kung susuriin mo ay kulang na lang ng “church” or “amen” at presto….lilipad nako gamit ang mga pakpak ko habang namimistulang isang aparisyon. Maria is said to be emotional. Siguro sakin, masasabi kong applicable siya. Nabanggit ko din kay Ate Nette (Officemate) na ang name ay Maria Nanette ang tungkol don, at sabi lang niya, “it’s true!”.
Kung isesearch ang meaning ng name na Maria, eto ang mga lalabas:
· Bitter
· bitter, as in a bitterly wanted child, the star of the sea
· variation of Mary
· bitter
· bitter
· bitter
http://www.yeahbaby.com/meaning-name-etymology.php?name=Maria
-
-
-
-
Hindi naging maganda ang linggong ito sakin.
Stress
Depression
Pressure
Na pinag-sama-sama…
Imagine that??? Ang hirap ipaliwanag nang nararamdaman. At lalong mahirap kung wala ka namang taong pagpapaliwanagan. Or kung magpapaliwanag ka naman, hindi ka maiintindihan. Ako yung taong mostly ay happy thoughts and experiences ang sineshare sa ibang tao, especially pag kasama ko…mabibilang lang ang mga pagkakataon na nagshare ako ng malungkot DIRECTLY/ PERSONALLY. Mas gugustuhin kong malaman nila na malungkot ako sa ibang paraan, tulad ng text, email at chat at tulad nito. Bakit? Dahil mababaw akong tao…at ayokong makita nila akong umiyak. Katulad na lang kanina, my first HR Manager resigned. At nalulungkot talaga ako ;c naiiyak nako sa office kanina pero pinipigilan ko. Ms. Barbs is so nice to me, as well as EA, na nagresign naman last week. Nagdesisyon na lang akong lumabas ng office at magpunta nang bangko para dalhin yung papers ng mga newly hired. Habang papunta ako ng bangko tinext ko si Ms. Barbs at tinanong kung magreresign na siya (kahit alam ko na nagresign na siya that day) nag reply siya at sinabing “let’s talk later”. Bumalik ako ng office, nag bell (oo! May bell kami…parang skul lang) at nagpaalam ako na uuwi na. Sabi niya, “wait let’s talk”, sabi ko kelangan ko na umuwi kasi baka mahirapan ako, madaming mag-uuwian sa province. Tumayo siya at sinabing, “to answer your question, YES”, tapos pinakita niya sakin yung letter niya. Tapos tinanong niya ko, “ikaw ba?”, tinanong niya yon kasi sinabi ko sa kanya na ilang beses ko na rin binalak magresign. Hindi na lang ako sumagot at tumalikod dahil naiiyak ako. She’s not just my boss.
Alam ko na sa 3 buwan ko sa kumpanyang yon ay puro reklamo ako. Pero kanino ba ko nagrereklamo? MADALAS, sa sarili ko lang. Kung magreklamo man ako pipilitin kong gawing parang biro lang at hindi seryoso.
Hindi na maganda ang nagiging epekto sakin ng mga nangyayari….
Hindi na;c
Kung pano ko “i-push” ang ibang tao sa mga bagay na alam kong kaya nila o para mapalakas ang loob nila, yun ang ginagawa ko sa sarili ko, ang linya ko “keri lang! aja! Go!”.
Pero sa pagkakataong ‘to…kelangan ko yon marinig sa ibang tao. Kung ang dating ay parang isa akong taong loner, no friend, pinagkaitan, nagkakamali kayo. Hindi lang nila alam ang nararamdaman ko, ang ilan sa mga nangyayari sa buhay ko dahil madalas ang nakikita nila ay ang masayang Maria.
pEyt
Posted by pEyt at 8:33 PM 0 comments
Sunday, October 26, 2008
sa takdang panahon
Hindi ko alam kung paano nangyari
Hindi ko alam kung anung dahilan
Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat
At kung paano naging ganito ang nararamdaman
Ganito ata talaga pag hindi mo inaasahan
May mga bagay na biglang susulpot sa iyong harapan
Lilipas lang ang bawat araw
At kahit simpleng usapan ay hindi mo makakalimutan
Masarap alalahanin, masarap balikan
Lalo pa ngayong ang lahat ay parang isa lamang pangarap
Na walang kasiguraduhan…
Wag mo sana akong sanayin sa kwela mong katangian
Dahil baka dumating ang panahong ikaw ay lilisan
O kung hindi man ay iaalay sa iba ang iyong taos pusong pagmamahal…
(eeeeeeerrrrrrrrr…what the hell is happening to me?!?!) ito ba ay epekto nang madami ang nakaing ice cream at chocolates ngayong araw na ito? Kung susuriing mabuti, iisiping si ako ay inlababo sa kung sino mang ponsyo pilato. Well, well, well… hindi po (nagdedeny ba ko? Wish ko lang masagot ko ang sarili ko)… ngunit, subalit datapwat, meron isang tao, ( isa lang talaga, promise!!!) ang nasa isip ko sa mga oras na ito. Madalas ko siya “naaalala” at sa tuwing naaalala ko siya…naaalala ko siya…at naaalala ko ulit siya…
Posted by pEyt at 8:22 AM 0 comments
Saturday, October 25, 2008
I day…my day
Every Monday morning we celebrate “I day” or what they call the inspirational day. We praise and worship God.
–pause-
The company is a Christian company, owned by a Christian pastor by heart, by blood, by seas, oceans, rivers together with heaven and earth. Amen.
-pause-
Anak ng tokwa’t baboy!!! Hindi naman ako satanistang nilalang, hindi rin naman ako yung taong laman lagi ng simbahan, ewan ko kung pano ko ipapaliwanag ang sarili ko, pero hindi ko talaga na eenjoy ang “practice” na meron sila sa kumpanyang yon. Imagine, natiis ko ng 3 buwan ang ganung set up at 2 beses pa lng ako nakakaiwas sa “I day”. Kung tutuusin wala namang masama sa ginagawa nila. Masama bang magbible study? Masama bang ipraise and worship God? Masama bang magkantahan ng hindi ko alam kung saan galing na kanta? Hindi naman diba?
*meron silang sariling mundo* (lalo naman ako)
So ano ngayong nirereklamo ko?
Madami…
Unang una…hindi ako Christian, (hindi ako against sakanila, I repeat…hindi ako against sa kanila) ngunit, subalit, datapwat…meron akong wrong/negative connotation on them. (no further explanation)
-pause-
The HRD
Si HR Manager na kasabay ko lang nahire napansin ko na medyo nag iba na yung attitude niya towards her work, hindi na siya tulad nung dati na pabalik balik, paikot ikot at parang laging taranta. Parang wala na siyang gana sa trabaho, yung inter-office memo sakin na niya pinagawa. Tapos habang nagfifile ako ng kanina, nakita ko ang monitor ng pc niya, JOBSTREET, tapos JOBSDB. Mukang naghahanap na siya ng work.
Ang bago naming CompBen Officer, si Ate Neth, half day siya nung isang araw dahil nagpunta sa isang interview. Lagi ko siya kausap at sinasabi niyang hindi siya magtatagal sa kumpanyang yon (ako din). At sabi niya isasama daw niya ako.
Si kuya bong (HR Assistant-ER), planning to go abroad.
Si Joan (Payroll assistant), pero nursing graduate siya, planning na din to resign. 1 year din siya nag stay sa company na yon.
Si Ms. Jane (recruitment officer), nag apply siya sa company na nilipatan nung former HR Manager. Wala rin siyang plano na tumagal pa don although naka 1 year na siya.
Si kuya olan (Psychometrician) hindi ko alam kung anung plano niya sa buhay niya. Pero kanina, sabi niya “pag ako napuno na, lalayasan ko tong kumpanyang to”. Almost 2 years na siya don.
Si ate meca, (HR-Receptionist), isa sa iilang taong love ko sa lugar na yon. Lagi lang siyang Masaya, nakatawa.
Si Remedios (Payroll Officer), grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr… kung hindi magbabago ang ugali niya, which is imposibleng mangyari, hindi magtatagal siya na lang mag-isa sa HRD!
Si AKO, (HR assistant-recruitment) – tulad nila, soon, ASAP, masasabi ko na ang linyang “I’M DONE WITH THIS COMPANY!”
-pause-
Anak ng nagtatampong tinapay! Kahapon nagpunta sa HR si dok, at sinabi na screen ng mabuti ang mga applicants. Bakit? Dahil yung isa niyang driver ay hiwalay sa asawa tapos may kabit na buntis. Ayun, tinanggal niya “ata” sa trabaho. Taeness naman…anu naman ngayon diba? Kung maayos naman magtrabaho, wafakels na siya kung may buntis na kabit…bakit daw? May paliwanag siya tungkol don, pero ayoko na ipaliwanag. Basta may sinabi siyang act of devil. E kung alam lang niya e puro devil ang nasa kumpanya niya. Ako, may pakpak ako at halo, pero may sungay rin ako. Kung pano nangyari yon? Sikreto ko na yon.
-pause-
Nakakalungkot kasi si EA ginawang sales manager. Nang pinuntahan ko siya para mag pasign ng mga contract, tinanong niya ko kung mabilis pa rin ba ang mga pangyayari sa taas. Hindi niya ako makalimutan dahil nang minsang tinanong niya ko kung bakit ko pinili ang company na yon ang sagot ko sakanya ay “mabilis po kasi ang mga pangyayari”(at totoo yon).
-pause-
-smile-
-another one-
-click-
Ahahahahah
Wala nako masabi…pero kulang pa rin yan…ang tagal ko ring hindi pinagkakaabalahan ang magblog. Sa sitwasyon ko kasi ngayon mas gusto ko yung may nakakausap, kasi pag ganito set up sarili ko lang ang kausap ko. Para sakin, madaling intindihin ang ibang tao, kesa intindihin ang sarili mo. Pero, ikaw lang talaga ang makakaintindi sa nararamdaman mo. Posibleng tama ang ibang tao, pero mas higit kang nakakaalam sa kung ano talaga ang tama…(haaayyyy…whatever major looser!!!)
Posted by pEyt at 7:15 AM 0 comments
Sunday, October 19, 2008
Finally we’re ok…and I’m happy….
Hindi ito English…LOL
At lalong hindi ito tungkol sa lablayp…
Masaya ako dahil ok na kami ng mga relatives ko, lalo na nang pinsan ko…at suuuuppppeeeerrrr na miss ko siya…limang taon din halos ang nakalipas nang magkaroon ng conflict between our family at nag papasalamat ako sa Diyos na ngayon ay nasa ayos na ang mga bagay bagay.
Super happy!!!!
Posted by pEyt at 12:48 AM 0 comments
Saturday, October 4, 2008
I'm done with this company!!!
Well, well, well…
Hindi natuloy ang balak kong pag reresign.
Bakit?
Dahil
-
-
-
Babae ako!!!
Parang PANAHON…PABAGO BAGO…
Actually, hindi ko masabi ang totoong reason kung bakit biglang nagbago ang isip ko. Basta lng siya nagbago.
---end---
Posted by pEyt at 12:09 AM 0 comments
Saturday, September 27, 2008
title: handle with care (nabasa ko lang sa kahon)
Isang buwan na ang nakalipas. Isang buwang walang update dito.
Bakit?
Tamadssss kasi ako…
Hmmmm…ewan ko ba parang bigla akong nawalan nang gana. Wala din kasi akong maisip na ilagay.
Updates:
September 29 – kami nang tropa ko ay magcecelebrate nang ika 6th year (ATA hahaha hindi ko sure) of friendship. September 29, kasi ayun yung date kung kelan itinatag ang bandang Ad infinitum na ang ibig sabihin ay no limit. Actually, ako ang pumili nung name, pano ko siya napili? Nabasa ko lang siya. Ganun kasimple…(Pano na lang kaya kung iba ang nabasa ko? Buti na lang hindi pa uso ang salitang tae nung panahong yon). Pero 8 years na talaga kaming magkakasama…
Last week September 20 – kinasal ang utol ko… ayun ok naman…masaya…
Nung wed ata nang madaling araw yon – uhhhmmm…yung divider sa room namin sa boarding house bumagsak…alas tres nang madaling araw na non…nasipa ko ata…wahahaha…(likot ko matulog) ayun, buti na lang wala yung kasama ko sa room kung hindi baka siya yung nabagsakan nung divider…wahahahah…alas tres nang madaling araw natatawa ako sa sarili ko, kasi tinutulak ko pataas yung divider…tapos sabay tulog na parang walang nangyari. Parang naka drugs lang…
Sa October 4 – 2 months na ako sa work. BURNOUT!!!
Nitong mga nakaraang araw, iniisip kong magresign. Iniisip lang naman. Araw araw na lang akong nagrereklamo sa sarili ko, kay WINX (na lagi kong kinukulit sa email) na ayoko na. Pero may mga “oras” na feeling ko naman tatagal ako. Kaya super saya ko nung nagkita kami ni winx sa makati. Buti na lang dun siya nakaassign. Nung time na yon talagang gusto ko nang kausap at kasama. Muntik na nga lang hindi matuloy yon kasi hinahatak ako nang kama at sinasapian nang katamaran. Pero dahil marami kaming mga reklamo sa buhay na dapat ilabas, natuloy kami. At sabi ko sa kanya mag Jollibee kami, dahil si Jabi talaga ang nakakapagpasaya sakin sa mga ganitong kalagayan (ang babaw ko). Pero totoo yon. One time nga…naglalakad ako, napatingin ako sa mcdo at sabi ko “gusto ko jabi…” LOL
Ano nga bang dapat ireklamo ko?
WALA!!!
Adik lang talaga ako….LOL
Natatawa na lang ako sa sarili ko kasi sa dinamirami nang mga sinasabi ko, reklamo at dahilan ko pag tinanong ako kung “kmusta naman work mo? Kamusta ka naman sa work mo? Kamusta trabaho? Kamusta ka naman dito?”
ang sagot ko “OK LANG!!!”
eto pinaka bangag na update bout me…
- may crush nako sa opis…hahahah…hindi naman totally crush…natuwa lang ako sakanya… ganito kasi yon…
flash likod
pauwi nako…nakita ko si manong percie (na ang tawag sakin ay Ma’m PIT), pababa nang ground floor. Ako, si manong percie at SIYA. sabi ni manong percie sakanya, “uwi kna? Sabay na kayo…” Sabay na daw kami. From 5th floor, sa 3rd floor lang si manong percie. Tapos, ayun kinausap niya ko. Tinanong kung san ako uuwi. Blah blah blah…pfffttt…ek ek ek…dot dot dot…hindi ko siya laging nakikita…Tapos nung (hindi ko maalala kung kelan) paakyat ako nang 5th floor kasama nung mga applicants na nag exam, pag bukas ng elevator andun siya (tsaran!!!)…tapos tinanong niya ko “ applicants? “ sabi ko, “oo”, tapos sabi niya…”musta?”, sabi ko naman, “ok lang?” tapos ayun…5th floor na…
ayun…
crush ko na…wahahahahah…adik me…
natatawa nga ako…(well mukang kanina ko pa ginagamit ang term na “natatawa”) kasi nang dahil lang don sa pag kakasabi niya nang “musta?’ naging crush ko siya …may kakaiba kasi…ewan ko ba…hindi siya yung “kamusta kana? Kamusta ka? Musta kana? Mustasa? Labanos? Waz up?” musta lang talaga…as in yun lang…
walang kakwenta kwentang update…
wala lang magawa ngayong 2:30am.
Bakit kc hindi pa ko inaantok…
Labels: adik
Posted by pEyt at 2:12 AM 0 comments
Sunday, August 24, 2008
nagtatanong na isip, nagkukunwaring may isip
Tila isang panaginip ang mga pangyayari
Pabilis nang pabilis ang takbo nang oras
Habang patuloy ang pagsulyap sa kahapong nakalipas
Paano maiibsan ang kalungkutang nararamdaman?
kung ang taong iyong kailangan ay hindi matagpuan?
“Syet!!!”
Saan ko ba napupulot ang ganitong kaisipan?
saan ba nanggagaling ang ganitong pakiramdam?
wala naman akong ibang ginawa kundi ang tumunganga
Subalit ang aking isip ay patuloy na nagwiwika
Nang mga salitang nagkukunwaring makata. (LOL)
“Anu ba yan???”
Pilitin ko mang maging seryoso sa puntong ito
Ngunit ang isip ko ay hindi pang ganitong aspeto
Madalas lang akong mukang walang pakialam sa mundo
Pero, pero, pero, tao po ako. (LOL ulit)
“Eeeeeeeeeeerrrrrrrrrr”
Mukang inaatake na naman ako
Nang hindi maipaliwanag na sakit
Sakit na sanhi nang walang humpay na pag-iisip
Ano nga bang iniisip nang isang nilalang na tulad ko?
Wala naman masyado…
Kunwari lang may isip ako…
Ahahahahahah
Amfufuness!!!
lakas trip lang!!!
walang magawa e...
wala pang makausap na matino
ang isang tulad kong "beyond normal" LOL LOL LOL
Posted by pEyt at 3:49 PM 0 comments
Saturday, August 23, 2008
wer r u? im fine thank u...LOL
Kamusta na ako??
Eto ayus naman…
Ok lang…
Buhay pa…
Humihinga…
Ano pa bang pwedeng isagot sa tanong na “kamusta kana?”
Bakit kalimitang sagot, ok lang?
Tulad na lang kanina…nakausap ko yung nagpophotocopy dun sa office. Tinanong ko siya;
Ako: ate glo, kamusta kna?ate glo: ok lang naman ako…ok lang kahit hindi talaga…
Ako: ganyan talaga ang buhay. Kahit hindi ka talaga ok, sasabihin mo ok ka…
( yung name nung taga photocopy parang si President Gloria lang diba? akalain mong taga photocopy lang siya…lol )
Kung tutuusin maraming nang nangyari sa tatlong linggo kong pagtatrabaho. Oo!!! Nagtatrabaho ako!!! Hindi ako makapetiks talaga…as in…nakakaawa ako…walang silbi ang internet nang kumpanya dahil hindi ko mapakinabangan. Tanging yung email-add ko lang sa kumpanya ang napapakinabangan ko. (Maraming salamat kay Winx sa mahabang pasencya sa mga sunod sunod na email ko…maraming salamat din sa mga makabuhay dugong msgs…lol)
Sa dami ng kelangan gawin,
sa bilis nang turn over sa kumpanyang yon,
sa araw araw na hindi nawawalan nang applicant,
sa bawat linggong hindi nawawalan nang nagreresign,
binibilangan ko na ang sarili ko kung hanggang kelan ako tatagal don.
Minimum of 3 months maximum of 5-6…wahahahah
Hindi pa rin nawawala sakin ang bigla na lang matulala ( naisip ko siguro dahil sa stress ). Hindi pa naman ako ganon nahihirapan sa mga ginagawa ko…keri pa!!! surbayb!!!
Halo halong hindi ko maintindihan kung anung dapat itawag:
* magulo ang recruitment process nila (or dahil bago lang ako at hindi ko pa talaga kabisado ang lahat ? )
* POOOOOLITIKA!!! sobra…
* May problema ang mga tao don inter and intrapersonal relationship.
* Ang mga tao ay nakakahon sa mga trabaho nila ( parang ang motto nila ay “ang akin ay akin ang sayo ay sayo lang, wapakels ako!!!)
* Lahat nang bagay kelangan nang taeness na RECEIVING COPY!!! ( ang sakin lang naman, kung may tiwala ka sa mga katrabaho mo, bakit kelangan non? Ang mga tao ba don ay may memory gap? )
* Mahigpit ang may ari nang kumpanya!!! Isang dahilan na rin siguro kung bakit mabilis ang turn over. Tanggal kung tanggal.
* Ang bawat department ay may mga sariling mundo!!! wala akong napapansing unity!!!
* LAGI NA LANG HR!!! HR!!! RECRUITMENT!!! RECRUITMENT!!! ( wala bang ibang pwedeng sisihin?? )
* magtatrabaho ako at wala akong pakialam sa inyo!!! Ahahahah…
* dahil unang trabaho ko ‘to, gusto ko maging maayos ang lahat.
* Ayokong umalis sa kumpanyang yon nang dahil sa mga taong kasama ko o dahil sa trabaho ko, aalis ako don dahil MAY MAKIKITA akong mas magandang opportunity para sa akin.
* Ayokong tumagal don!!!promise!!!LOL
* Natatawa na lang ako dahil sa individual differences meron ang mga tao don (yun yung nagpapasaya talaga sakin don )
* Matira matibay samin nung HR manager ( sabay lang kasi kami nahire don, sabay kami nag start, ewan ko lang kung sino ang mas tatagal samin )
* Masaya ako sa ginagawa ko (?) masarap makipagkaibigan sa mga applicants. Makipagkwentuhan sa applicant during initial interview nila. Actually hindi ko sineseryoso ang pag iinterview sakanila. Bakit ba kasi kelangan maging seryoso sa mga ganung bagay?? Pano mo malalaman ang characteristics nang isang tao kung kabado siyang haharap sayo/makakausap mo? Be comfortable. Establish rapport. Ahahaha…amfufuness…naalala ko yung mga lecture ko sa psych…akalain mong nakikinig pala ako.
Yung lang!!!
PS: sana magkaroon naman ako nang makakakwentuhan pag umuuwi ako nang boarding house. My gulay naman kasi! Yung kasama ko, pag alis ko nang umaga, wala pa siya, pag dating ko galing opis, tulog siya, matutulog nako, aalis na siya (in short, isa siyang call girl..hehe…call center agent) hindi ko naman magawang magliwaliw all alone, sa pagod ko naman dahil sa pabalik balik nang 3rd at 5th floor e mas gugustuhin ko pang matulog. Poor me!!! huhuhuhuh
Posted by pEyt at 5:21 PM 0 comments
Saturday, August 9, 2008
aku'y tutula
Hindi ko alam kung paano sisimulan
Kung paano bibigyan nang kahulugan ang bawat salita
Kung paano ipapaliwanag ang mga pagkukulang
Kung paano pag uugnayin ang mga pagkakaiba
Magkaibang lugar, magkaibang mundo
Paano ko makikita ang mag kapareho?isang palaisipan at parang isang bugtong
Na gumulo sa isip ko nitong nakaraang linggo
Waaaahhh…hindi ko kayang idaan sa tula…hahah…trying hard si ako!!!
Ang totoo, wala akong maisip na matino ngayon…ang iniisip ko ay yung mga gagawin ko sa Monday. Linggo na bukas tapos lunes na naman…opis opisan na naman ako.
Bakit ko nga ba sinimulan to?
Kasi ganito yon…
LV: faith BLOGGER: para lng akong nasa bahay.. faith BLOGGER: ang kaibahan lang... faith BLOGGER: walang butiki... faith BLOGGER: pero natutulala pa rin ako...
LV: gusto ko yang analogy na yan
LV: hmm
LV: gawan mo ng tula
ako: weird
LV: gawan NATIN?!
naalala ko lang kasi may nakita akong butiki…hehehe… Gusto ko lang din iparating na kahit yung mga simpleng conversation naaappreciate ko. kaya mahilig ako magkalkal nang mga messages sakin, binabasa ko ulit.
Posted by pEyt at 10:05 PM 0 comments
Poker nang ina part II (ang kwento)
Nag simula ang kwento nung unang araw ko sa trabaho.
OO!!!!
Nabibilang na ako sa mga taong employed!!!
Hindi na ako tambay after 4 months na pagiging tengga!!!
akala ko mag cecelebrate ako nang birthday ko na wala pa ring trabaho...
HR Assistant – Recruitment
Maaga akong dumating…syempre ganun talaga pag unang araw…magkukunwari muna..hahah…7:30 – 5:30 ako every Monday to Thursday, 7:30 – 4:30 naman tuwing Friday. Tapos walang pasok pag sabado. Para lang studyante ang schhed ko...Nakakapanibago kasi sa apat na buwang tengga ako e bigla naman akong nagkaroon nang makabuluhang mundo. Pero namimiss ko pa rin ang pagiging tambay. Yung tipong titingin lang ako sa kisame namin at pag mamasdan ang butiki. Yung matutulala na lang bigla. Yung maghapong nakaharap sa pyuter (chat, blog, etc. etc. etc).
yun nga, dumating ako don.
Nakiramdam sa mga tao.
Inobserbahan ang mga nangyayari, ang mga kilos nila…ewan ko ba pero ugali ko na yon, ang maging observant pag dating sa mga taong nakikilala ko o kahit makita ko lang sa kung saang lugar.
Isang nakakagulat na nakakaaliw na hindi ko maintindihan ang naging lunes ko. Bakit? Kasi dahil isang Christian ang nagmamay ari nang kumpanya sinisimulan nila ang kanilang linggo nang isang bible study, kantahan, interaction sa mga employees at sharing. Ngayong month na’to meron silang pacontest, ang “the singing V videoke challenge”. Masaya naman kahit papano, medyo na cuculture shock lang ako dahil ibang iba sa nakasanayan ko.
Masaya nung first day dahil nakasalubong ko si enzo (schoolmate konung high school). Waaaaaaaaahhhh…ang wafu niya..ahahah...
Nakakapagod din dahil isang linggo akong nag uwian from san pablo to makati. Although naeenjoy ko naman ang byahe, nakakapagod pa rin talaga. Kahapon nga hating gabi nako nakauwi dahil kelangan mag over time dahil sa payroll.
Survived ako sa 1st week ko.
Hindi ko na madetails ang mga nangyari kasi ang hirap mag recall. Iba pa rin kasi pag fresh pa yung nangyari, madaling isulat. Yung iba lang ang natatandaan ko, tulad na lang nungnabatukan ko ata yung babae sa bus nung pababa nako, hindi ko na kasalanan yon,
yung bus driver kasi e, walang bukas kung makapreno.Hindi pwedeng hindi ko maririnig ang kantang hotel California. (kahapon)
Hindi rin pwedeng wala akong makakasabay na manok, na bigla ko na lang maririnig
na titilaok (kahapon)Hindi na ako makakapag blog, chat, fs, o kahit man lang google..ahaha…
Bago din yung HR Manager, at bonding kami dahil pareho kaming bago.
Ako ang nagaayos nang endorsement para sa bank account nang mga newly hired.
Kahapon nakatulog ako sa bus dahil sa sobrang pagod…nakakatuwa kasi hindi talaga
ako makatulog pag nasa byahe, kaya wagi ako!!!marunong nako matulog…ahahah…
Tungkol naman sa trabaho ko, ayun medyo ayos pa naman ako, pero feeling ko mga 3-5 months lang ang itatagal ko don. Feeling ko lang. sobrang bilis nang turn over don, dami nag reresign tapos daming nag aapply. Kamusta naman kasi, kahit provincial don sa amin ang hiring, e ilan lang ba kami sa recruitment team, TATLO lang kami. Kahit cook nang may ari nang kumpanya kami ang naghahanap.
Eto na lang muna…
-end-
Labels: work
Posted by pEyt at 9:07 PM 0 comments
Thursday, August 7, 2008
poker nang ina
nakakapagod!!!
-end-
to follow na lang ang kwento...
huhuhuh...
sakit paa
sakit katawan
pagodsssss
Labels: pupu
Posted by pEyt at 11:29 PM 0 comments
Friday, August 1, 2008
Comatose
Isang mabilis na linggo ang nangyari sakin. Hindi ko naramdaman ang bawat araw dahil ito ay RAMDAM na RAMDAM ko.
Flash likod…
Tuesday – nag apply ako online. Makalipas ilang oras may nagtext (nakikipag textmate..juk juk). Nakasched daw ako for interview on Thursday, June 31,2008, 1pm. Nagconfirm ako na pupunta.
Wednesday – huwala naman masyadong nangyari. Ordinaryong araw nang isang tambay. Kain tulog…parang patabaing baboy lang.
Thursday – nagpunta ako dun sa company para sa interview. Nag-punta nang 5th floor. Nag-fill up nang application form. Nag-intay. Pinababa nang 3rd floor. Ininterview. Pinag-intay. Pinag-exam na rin. Pinaakyat sa 5th floor. Nag intay na naman. Ininterview.
At ayun…
Start na ko sa Monday…
Lumabas sa building na wala sa sarili…uh may golay…handa na ba akong igive up ang pagiging tambay???Kasabay nang malakas na pag buhos nang ulan at pag baha sa makati. Binigyan na ko nang Diyos nang trabaho.
Ngayong araw na’to ay nagcecelebrate ako nang ika 4th month nang pagiging tambay ko. Bukas birth day nang friend ko (si jowa). Tapos sa Sunday bday ng pinsan ko. sa Tuesday naman bday nang nanay ko. Tapos next month mag bibinata nako…poker nang ina…bente one nako. (off topic ito).
Nasaksihan ko live ang baha. Isang oras din tumengga ang bus sa makati. Pabahagya nang umandar. Dahil shock ako, tapos ang kinain ko lang nung araw na yon ay saging para sa breakfast at spag at burger para sa lunch nang 5pm e inenjoy ko na lang ang baha. Inenjoy ko na lang ang mga nakikita ko. Yung mga naglalakad sa baha na nakayapak. Yung mga istudyante na nagtatanggal na nang sapatos at mejas. Yung mga taong parang aliw na aliw pa sa baha. Mga naglulutangang tsinelas at kung ano ano pa. Sa sobrang pagod ko din ay hindi ko na magawang gumalaw. Gustuhin ko mang matulog hindi ko nagawa. TULALA lang ako at hindi gumagalaw. Nakatingin lang sa labas at ninanamnam ang bawat paghinga. Dahil narinig ko din sa news yung tungkol sa baha, tinext ko yung mga kilala kong nasa manila. Kinamusta ang baha at sinabihan sila nang “ingat”.
PATAWAD dun sa tumawag na hindi ko sinagot. Hindi ako suplada o mataray, natuwa ako na natuwa ka nung nalaman mong nasa makati ako. PATAWAD talaga knock knock^_^
Kanina bumalik ulit ako dun sa company para sa turn over at job offer.
Poker nang ina!!!bukod sa tubig, nakakalunod din pala ang mga papel. Ang mga formssssssss at kung ano ano pa (no further explanations…basta ang masasabi ko lang, hindi ako marunong lumangoy!!)
Isang malaking GOOD LUCK para sakin sa Lunes. Bahala na si batman (kasi bc si superman). Hindi pa man ako nagsisimula e may issue na agad akong nalaman between dun sa papalitan ko at dun sa magiging katabi ko. nakanampupu!!! Pano na kaya si ako???
Wala nang atrasan to…go go go!!!
Go with the flow. Smooth man o hindi. Malalim man o mababaw (ang baha).
Come what may, I can read minds naman e. hahaha…
Labels: woot woot
Posted by pEyt at 9:05 PM 0 comments
Monday, July 28, 2008
kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?
Busy
Busy
han
kelan ko magagamit ang salitang ito nang walang halong biro?
Naging sobrang busy ako ngayon araw na’to. Halos hindi ko namalayan ang oras. Sobrang dami kong ginawa simula nang imulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako para harapin ang umaga. Tumae at kinamusta ang mga nagliliparang lamok sa banyo. *maghugas nang kamay pagkatapos mong tumae*
Humarap sa salamin para alamin kung nasa ayos pa ang mga parte nang mukha (baka may naiwan sa unan). Inayos ang buhok ngunit hindi nagsuklay ( oh ha…inayos nang walang suklayan…lupet…hahah). Lumabas sa bahay para masikatan naman nang araw na parang halaman lang. Pumasok sa loob nang bahay, hinanap ang walis at nagsipag sipagan.
Naupo sa aking “thinking chair” sa harap nang computer. Natulala. Nacoma. Tumigil sandali. Nagpatugtog. Naisipang mag-almusal kaya kumuha nang lucky me beef at isang itlog.
Nagluto.
Kumain.
Niligpit ang pinagkainan.
Hinugasan lahat nang nasa lababo.
Nakipag bonding muli sa special friend habang nakaupo sa thinking chair. Chineck lahat nang pwedeng icheck na accountsssssss.
Nag shut down.
Naupo.
Nanood nang hep hep horey (yun lang ang pinanood ko)
Nahiga, hanggang sa macoma ulit. Naglunch nang alas dos.
Nahiga at muntik nang macoma (makatulog).
Pinagmasdan ang mga butiki sa kisame habang sila ay nag hehep hep horey. Hahaha…
May mga butiking naghahabulan na parang sinasabi nung butiki na “habulin mo ko butiking walang noo”
(parang ang daming butiki samin noh?)
Pumatay…
Nang lamok…
Lampas ata nang lima ang napatay ko.
Dumilim nang wala masyadong nangyaring may kabuluhan. WALA talaga.
Pero thankful pa din ako para sa araw na’to. Syempre blessing na yung buhay ka at may chance para masilayan lahat, kahit butiki.
Posted by pEyt at 10:09 PM 0 comments
Kasabay nang paglipas nang oras
Nababawasan ang bawat sandali
Kasabay nang pagdami nang iniisip
Mistulang isang baldado
Inutil
Walang silbi
Na hindi alam kung anung mararating
Nawawalan nang pag-asa
Kasabay nang pagpatak nang luha.
Walang lugar na mapuntahan
Kasabay nang paglisan nang diwa
Pinipilit intindihin ang lahat
Kasabay nang pagkalito sa mga nagaganap
Sinisikap maging masaya
Kasabay nang pagkubli nang umiiyak na kalooban
sa muling pag sikat nang araw
sana ay lumipas ang nararamdaman
Posted by pEyt at 9:12 PM 0 comments
Friday, July 25, 2008
magulo lang talaga akong magkwento
Matapos ang isang nakakapagod na araw kahapon na muntik na si akong hindi makauwi dahil sa strike ay namiesta naman ako kanina.
Bago yon, ano nga ba ginawa ko kahapon (July 24, 2008)?
Nagpunta ako nang Pasay at Makati. Anung ginawa ko don? Pinagod ko lang naman ang sarili ko. Maiba lang…Nagpagala gala…namalimos…nanlalake (boss chiks)…
hmmm…ang totoo, interview ko kahapon kaya ako nandon…nagiging immune na nga ako sa mga ganitong bagay…At muntik na nga akong walang masakyan pauwi dahil ang mga bus na papuntang Lucena ay hindi dadaan nang San Pablo dahil sa strike. Ayun, pero nakauwi naman ako. Ligtas, walang labis walang kulang. *end*
Fiesta kina jowa ngayon. Hindi sana kami pupunta dahil lumakas ang ulan. Kumulog, kumidlat. Pero dahil tumila naman tumuloy na rin kami.
Ang bilin sakin nang aking ina ay wag daw akong papagabi don. Medyo may kalayuan yung lugar, o as in malayo talaga. Tapos mahirap yung signal. Ilang minuto rin ang byahe papunta don at piptin ang pamasahe.
(Habang nasa tricycle)
Pam: oh may patay, fiestang fiesta. (hindi ko sure kung yan nga yung exact word, pero parang ganan yung sinabi niya)
Dumating kami sa bahay nina jowa. Kumain. Kwentuhan.
(eto ang dahilan kung bakit ayaw nang aking ina na gabihin kami don)
Lasing: Lumabas ang matapang!!!
Ito ay dahil kapag madilim na o pagabi na ay naghahamon na ang mga lasing, nagkakaroon na nang “shooting”
Gumagawa nang eksena ang mga lasing. Tapos yun palang nakaburol nabaril kagabi. Disperas pa lang may eksena na agad. Kaya naman 6pm pa lang umalis na kami. Hindi lang naman pag fiesta may mga kakaibang eksena. Pero madalas lang talaga pag mga ganung okasyon dahil kaliwa’t kanan ang inuman. Barilan dito, barilan doon, saksakan dito, saksakan doon.
Sumakay na kami pauwi at etong si manong tricycle driver parang walang bukas kung magdrive. Daig pang may sakay na manganganak. Wala sa bokabularyo niya ang salitang "mabagal".
Ako: manong!! Hindi kami nagmamadali….hindi kami nagmamadaling mamatay!!!
Hindi ko sinabi yan, dahil nanatili akong kalmado at tahimik. Ahahaha
Off topic (kahit parang wala naman talagang topic) – ang ingay nang nanay ko…aliw na aliw sa panonood nang basketball…dalang dala…
Posted by pEyt at 8:45 PM 0 comments
Tuesday, July 22, 2008
under my unwanted attitude
Wala akong balak na gawin tong post na ito. Pero dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman (galit/pagkamuhi/inis > na parang iisa lang naman ang meaning, basta combination nang lahat nang negative sa mundo) ngayon araw na’to kailangan ko ilabas to. Kailangan ko itong ilabas kahit sa ganitong paraan dahil baka sumabog ako (para lang itong sakit nang tiyan, nakakaramdam nang pagtae na hindi kayang pigilin). Hindi ko pa naranasan ang magalit to the highest level sa buong buhay ko. Kung magalit man ako hindi ako nanakit o sumigaw sa kahit sinong nilalang nang Diyos.
Ayoko nang may okasyon dito sa bahay o sa kahit sinong kamag-anak namin sa side nang father ko. Lalo na kung kinakailangan nang presence naming pamilya. Bakit ayoko? Dahil sa nangyaring hindi pag kakaunawaan sa mga kamag-anak namin (which I don’t consider relatives anymore!!). Hanggang ngayon hindi pa rin “ok” ang tingin ko sa kanila at alam kung kailan man ay hindi na maibabalik ang dati. Tanggap ko ang ganitong paniniwala. Walang anu mang lumipas ang maibabalik!!! Kahit maging okay ang lahat para sakin hindi ko pa rin maaalis ang mga nangyari. I do forgive but I will NEVER forget!!! Bitter ako!!! and that makes me hate them soooooooooooo much!!! Nag fofountain ang dugo ko sa kanila!!!
Naging mabait ang mga magulang ko sa kanila. Kaya ganito ang reaksyon ko. Alam ko na pilit inaayos o gusto nang mga magulang ko na maging maayos ang lahat. At kung iniisip nila na mas pinapalala ko lang ang lahat nagkakamali sila. Ganito ako at ayoko magbago para sa mga KAMAG-ANAK NILA!!! Kung pipilitin nila ako sa ayaw ko, baka pag sisihan nila…
Ayokong sila ang maging dahilan para mapagalitan o magalit sakin ang mga magulang ko, wish is nangyari na…fresh na fresh…wala pang isang oras ang nakalipas. Kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang galit ko. Anung nangyari? Birthday nang lola ko ngayon, at present ang ilan sa mga kamag-anak namin. Malapit lang ang bahay nang lola ko sa bahay namin, tatalong bahay lang ang pagitan. Pinapapunta ako ni erpat don para kumain. AYOKOng pumunta, pero wala akong nagawa, ginalit ko lamang ang tatay ko dahil sa pagiging MATIGAS ANG ULO!!!
Mommy: “marunong kanang lumaban ngayon?”
Ano pa nga bang magiging reaksyon ko dito? Ayoko sanang maging pasaway na anak. Dahil hindi naman ako naging ganon. Pero ngayon nakikita ko na na unti unting lumalabas ang sungay at buntot ko (hindi pala lumalabas, humahaba). Hindi ko kailan man pinilit ang sarili ko na gawin ang isang bagay na alam kong ikasasama lang nang loob ko. Kaya naman ang makita sila o marinig man lang ay iniiwasan ko dahil bumabalik lang ang mga nangyari na nagiging sanhi nang pag kamuhi ko sa kanilang lahat. Hindi ko kayang mag LET GO, kung ang isang bagay, tao, pangyayari ay sobrang tumatak sa isipan at lalong lalo na sa puso ko sinisigurado kong pang habang buhay na yon. Mabigat mang pakinggan, pero seryoso ako sa oras na ito (ngayon lang). Ayoko sana nang sobrang seryosong entry sa blog na’to pero hindi maiiwasan.
Yan nagdadatingan pa ang mga kamag-anak NILA!! Dumadami sila!!!putang ina!!! Ayoko silang makita. Ayoko pumunta don para makipag PLASTIKAN lang sa kanilang lahat. Mas gugustuhin kung matulog dito sa bahay kaysa maging HANGING napadaan lang don!!!
Paksyet silang lahat!!! (hindi naman masyadong halata na galit ako)
Pasalamat na nga sila na sa ganitong paraan ko na lang inilalabas ang galit ko. Ewan ko lang, pero kung pipilitin nilang ilabas ko ang sungay at buntot ko baka umapoy ang paligid. Ngayon parang may gusto pa ring kumawala sa dibdib ko. Alam ko na hindi ito sapat pero malaking tulong pa rin to para kahit papaano e mabawasan naman ang paksyet na feeling na’to.
Ayoko sa kanila!
ayoko silang makita!
I hate them!
paksyet!
Taena!
kung hindi masamang pumatay, baka nakarami nako. Isang buong angkan na sana ang pinasabog ko…
I’m not nice!!!
I am evil!!!
Hindi dahil pinanganak akong ganito, kundi dahil sa mga taong ginawa akong ganito.
Kung lahat nang taong masama ay meron pa ring kabutihang itinatago.
Ang mabubuting tao meron pa ring bahid nang kasamaan.
Walang perpekto, wag kang feeling…
Though I am born with wings and halo,
I can still be as evil as you want to.
Don’t push me to do wrong; I might enjoy doing it to you.
Don’t make me evil, because I assure you that I will be evil for the rest of YOUR life.
Hindi ako babalik don kung pabalikin man ako nang tatay ko. Hindi sila ang iniisip ko, SARILI ko!!!ayokong tuluyang masira ang araw ko. Selfish ako sa araw nato.
Posted by pEyt at 7:21 PM 0 comments
Saturday, July 19, 2008
ang tulog na hipon , tinatangay ng agos
hindi ko alam kung pano ipapaliwanag o ikokonek ang title..nabasa ko lang siya...^_^
------------------
Title: ang kalabaw sa bukid ay matanda na, nasan ang bukid? Nasan ang kalabaw?akala mo lang wala, pero wala talaga… (wala ulit konek to)
-------------------
ang totoo, wala akong maisip na title...
oooppppssss may bigla akong naisip...
ANG PUNO NANG KAMATIS!!!
Natatawa ako sa lola ko, narinig kong nag-uusap ang mga magulang ko at ang lola ko sa kubo ilang araw na ang nakalipas. Medyo malakas silang mag-usap dahil mahina na ang pandinig nang lola ko. In short, pasigaw ang usapan nila. (Kala mo ang sasabihin ko bingi noh?) Minsan pag ako ang nakikipag-usap sa lola ko gumagamit ako nang sign language. Kasi pag wala siyang kasama sa bahay nila dito siya samin natutulog, e dahil inaabot ako nang hating gabi sa pag papalabo nang mata pinag-sasabihan niya ako. Kesa sumigaw ako, sinesenyas ko ang aking kaliwang kamay, yung parang give me five..lols..talk to my hand…lol ulit…na ang ibig sabihin ay “mamaya” “sandali lang”. Ganon na lang ang ginagawa ko para hindi magising si erpat at mudra. Naalala ko nung minsang tumawag ako sa bahay nila, lola ko ang nakasagot nang telepono. Sabi nang lola ko;
“lakasan mo at aku’y binge!”
ahahahahahahahahah
Hanggang ngayon pag naaalala ko yon at nakukwento sa iba, natatawa pa rin ako.
Lola ko siya sa father side, wala na ang lolo ko, pumanaw, ilang taon na ang nakalipas at tanging ang gitara lang niya ang nagsisilbing alaala niya sakin. Magbbertdey na si nanay (yun ang tawag ko sakanya), tumataginting 87 years na siyang nabubuhay, humihinga…pero sa edad niyang yon ay wala siyang ginawa kundi maglinis, mag walis, at mag pabalik balik kya lagi siya napapagalitan ni erpat. Mahirap na at baka madapa. E noon nadapa siya at tumama ang ulo, ayun bukol (parang bata lang ang knukwento ko). Tapos ang kulot salot kung kapatid sabi sakin; “mabagal na nga maglakad si nanay nadadapa pa…” lol
Nung nasa kubo sila sa labas nang bahay, narinig ko na sinabi nang lola ko na “bat nga naman pag mababait madaling mamatay?”
(syet!!!baka kunin na din ako..oopss! feeling si ako!!)
Tumatawa lang ako habang naririnig ang usapan nila..
Lola: tingnan mo si Ate Sima (kapatid niya) yan sobrang taray niyan.
Si Lola Sima ay matagal nang may sakit. Ewan ko, pero ang dating sakin nang pagkakasabi nang lola ko ay dahil masama si Lola Sima ay hindi pa siya kinukuha ni Papa God.
Bigla kong naisip to:
Kung ayaw mo pa mamatay maging masama ka
Kung gusto mo na mamatay magpakabuti ka
Pero para sakin, unahan lang naman ang kamatayan.
Kung mauna ka, swerte mo. Kung buhay ka pa wag kang mainggit mamamatay ka rin, wag mong pangunahan ang Diyos, WAG KANG EXCITED!!! Wag kang gumaya sa mga nagsisipag akyatan sa kung saan saang matataas na lugar at gumagawa nang eksena. Iniintay ko na lang ay yung may mabalitaan ako na umakyat sa puno nang kamatis dahil nagsasawa na siya sa buhay niya..lol *korni*
Posted by pEyt at 10:29 PM 0 comments
Friday, July 18, 2008
lets volt in...vontes payb
Nung isang araw naisipan kong magkaroon nang social life.
“tara kita tayo bukas”
Natuloy naman at nakalabas nga ako nang bahay kahapon. Nakakita nang mga puno, ibon, gusali, ibang tao, sasakyan, nakita si Jabi at si Ronald.
Ako: paalala mo sakin may nak nak ako sayo mamaya…ahahah…baka kasi makalimutan ko…alam mo naman ang isip ko kung ano anong pumapasok, kelangan ilabas agad…taenang isip to…lol
Nagpagkasunduang magkikita kami nang 1pm.
Que: kala ko ba i-momove natin?
Ako: ilang move ba?haha
Que: 1 move…hahah
Ako: sige, sige 2pm.
Mag-aalas dos na…
Que: hindi pa ko naliligo
Ako: oh? Bakit nasa akin ba ang banyo? hawak ko ba ang tubig?hahah
Mag-aalastres na.
Ako: bukas pa ba tayo magkikita?ahahaha
Que: ahahah…wet lungs (blah blah blah..nakalimutan ko na yung sinabi niya…tapos sabi nya alis na siya, kaya umalis na din ako)
nagkita nga kami, sa jabi, tapos lumipat sa kabilang jabi dahil andun yung isa naming kabarkada. Isang oras din tumambay don hanggang sa nakita si jabi na gumagalaw…ahahah…sinabi ko na rin ang nak nak ko. yung nak nak ko ay tungkol dun sa kabarkada namin na pinuntahan namin dun sa jabi.
Ako: nak nak!!
Que: who’s there?
Ako: meng.. (pangalan nung kabarkada namin)
Que: ahaha…meng who?
Ako: meng meng de sarapen, de kutsilyo, de almasen…lol
(parang ngo ngo lang)
nagpaalam kami sa kabarkada namin na maglalakd lakad lang (parang aso lang…walk..) at babalikan namin siya.
lakad…lakad…
”san tayo pupunta?”
“tara sa alabang…”
“alanganin, anung oras na?”
“tara sa mcdo, sa tiaong!!”
“tara!!!”
sumakay sa jeep, bumaba sa mcdo, kumain, lumabas, nag-abang nang jeep at yung jeep na nasakyan namin ay yung jeep na sinakyan namin nung papunta kami. (parang ang gulo ata nang sentence ko? parang salawikain lang.)
Manong driver: oh? Kayo na naman??mukang kumain lang kayo ah.
(feeling close si manong)
Nakabalik kami nang San Pablo, at bumalik sa jabi.
Kung iisipin lakas trip kami kahapon, kasi yung jabi na tinambayan namin, katapat lang non ay mcdo, pero dumayo pa kami sa malayo para dun kumain.
Isang balita rin ang nalaman ko, balitang hindi nanggaling sa dyaryo. Buntis ang former friend ko na nagpa-guidance sakin nung high school ako. Syempre former ko na siyang ituturing, pag ginawa ko pa naman siyang best friend matapos niya akong ipa-guidance e sobrang bait ko naman. Tapos parang ang dami namin nakikitang buntis, uso ba talaga? Nagbabawas na ba ang Diyos kaya nagpaparami na sila? Pabata nang pabata ang mga butete ngayon este mga buntis pala. Para lang silang nagtatransform into vontes payb..*korni*
(Kung susuriin parang mas mahaba yung intro kung ibabase sa title)
Posted by pEyt at 11:51 AM 1 comments
Wednesday, July 16, 2008
title: "pano kung ang agos ay papunta sa mabato o malalim na parte?go with the flow ka pa rin ba?
Yan na ata ang pinakamahabang title na naisip ko (sa ngayon) pero wala naman siyang konek, naisip ko lang...
eto ang kwento... (open curtain)
Naglinis ako nang bahay kahapon para naman maging productive ako kahit minsan.
Nilipat ang mga kasangkapan, pinagpalit palit nang pwesto na parang may trip to Jerusalem lang. Matagal tagal na din akong hindi nag-gegeneral cleaning. Samantalang dati, nung nag-aaral pa ko, tuwing uuwi ako nang weekends e nagkakatulong ako dito sa bahay. Siguro dahil lagi na akong nasa bahay ngayon di tulad dati.
Bakit nga ba parang tamad na tamad ako? (hindi ko rin alam)
Nung nakaraang linggo nagkasakit ako.
Ubo
Sipon
Lagnat
Sakit nang ulo
Asthma
Kaya lalo na ko naging walang silbi,baldado, inutil dito sa bahay. Pero sabi ni que uso daw yon. Pero, pero, pero,,, naman!! Hindi naman ako mahilig sa uso e bakit ako pa ang nausuhan nito. Pero ok na, magaling nako, este, ubo na lang.
Asthma.
Bata pa ko may asthma nako.(hahah..parang tell something about your self,…tapos nadapa ako at nasugatan…lol) Lahat na ata nang paraan para mawala to e ginawa na nang mga magulang ko. Halos lagi akong absent nung elementary ako dahil don. Suki na rin ako sa clinic. Pero nawala naman siya, naging inactive sa paglipas nang mga taon. Pero nitong nakaraang linggo, non ko lang ulit naramdaman ang tinatawag na hika. Syet! I can’t breath!!!
Que: wag na kasi ikaw magyosi, iyoyosi na lang kita.
Ako: aba jowa pag nagyosi pa naman ako sa ganitong kalagayan e parang sinabi ko na rin na gusto ko nang mamatay..juzcoh!!! gusto ko muna magkatrabaho, magkaasawa at magkaanak…at yumaman…wahahaha…
Inaabot nang mahigit dalawang linggo kung ubuhin ako. At ayoko nang ganon dahil ang hirap kumanta (sa banyo). Pag nagbibigay nako nang senyales na uubuhin, nakahanda na agad ang gamot ko. Ang anti-asthma ko. Immune nako sa pag-inom nang gamot, kabisado ko na kung san ko ilalagay ang tableta/capsule para mainom ko ito. (sa noo, pagagalawin hanggang makarating sa bibig, parang piso lang, yung laro…basta ganon…)
Posted by pEyt at 11:21 PM 1 comments
Birds of the same feather, hindi tayo birds...
Meron akong friend na kahit wala masyadong paliwanag nagkakaintindihan kami. Eye contact, alien,gay o mapa-sign language, gets na namin ang isa’t isa. Ngayon, bigla ko lang siya naisipan gawan nang eksena dito. Tutal siya naman ang laging nakakaalam kung san na ko napapadpad nang kakaregister ko.
Pareho kami nang school nung elementary, pero hindi ko siya kilala. Naging classmate ko siya nung first year high school at naging kabarkada hanggang ngayon. First year high school ko lang siya naging classmate pero yung friendship tumagal at sana por-e-ber na. Sa lahat nang friends ko siya yung madalas o sabihin na nating laging unang nakakaalam nang mga pangyayari sa buhay ko (bawal tampo mga friends). Minsan nga mas nasasabi ko sakanya ang mga bagay bagay kesa sa nanay ko. Siya na siguro yung pwede kong ituring na existing blog ko. Gumagalaw, humihinga, nagsasalita, sumasayaw, kumakanta, tumatakbo, naglalakad, umiibig (lol). Hindi ko naisip na magiging ganito yung friendship namin kahit marami kaming pagkakaiba although maraming bagay kaming napagkakasunduan, lalo na kung kalokohan.
Itatago ko siya sa pangalang “que”…ang babaeng ipinanganak na maraming abnormalities, kupalogs, bogaloids sabi niya (it shows…heheh). Nagkaroon kami nang “tawagan”, sumulpot dahil sa halos araw araw kaming magkasama, magkatext , magkausap. Hindi tulad nang tawagan nang mga “normal” na magkakaibigan (girl, bakla, pare, best…)
Jowa…ahahah..yan ang naging alyas namin sa isa’t isa…
at ganito kami mag-usap…
Nang kinuwento ko saknya na napanaginipan ko ang lolo ko na almost 4 years nang sumakabilang buhay.
ako: tapos ayun nga...naisip ko na baka sinusundo lang ako...ahahah
ako: taenang trangkaso ito...nakakapraning
que: tae jowa
que: wag kang magpasundo
que: babanatan ko yang lolo mo
ako: kaya kong magisa,,,ahahah
nang minsang magbago ang isip ko para iadd ang bf niya dun sa isang account ko para malaman kung online ito nang kapanahunang yon.
que: bakit nagbago isip mo?
ako: babae kasi ako kya nagbago isip ko
ako: ahahahahahahahah
que: kelan ka pa nag pasex change?
ako: gagu!!!!
ako: ayoko na kc maging tulad mo
ako: ahahahahahah
ako: ayoko na kc maging lalaki...
ako: ahahahahaha
que: ngsawa k nmn kgad
que: tsk tsk
que: c aq hnd pa
ako: ahahahaahahah
que: aliw pa s pagigng lalaki
Magulo kaming mag-usap…or magulo kaming kausap…
Pero kahit ganon nagkakaintindihan pa rin kami. Kaya naming pag-usapan ang maraming bagay nang sabay sabay sa text or chat. Talent na ata naming dalawa yon.
Gusto ko pa sana habaan tong post na’to kaya lang ala una na nang madaling araw. At mamaya lang nang konti may voice over na akong maririnig
“matulog kana…”
Posted by pEyt at 12:34 AM 0 comments
Tuesday, July 15, 2008
D conversations
Mommy: eto na lang susuot kong tsinelas
Ako: ok
Mommy: tingnan mo, hindi kya ako itakwil nito??
Ako: bat kayo itatakwil niyan? Anak ba kayo niyan??lol
------------------------------
Tutoy: ate, gusto mo burger?
Ako: bakit? Gusto mo?
Tutoy: bili tayo, sabihin mo kay mommy.
Ako: Mommy yung anak niyo naglilihi…
------------------------------
Kevin: ate! Ate!
Ako: ----
Kevin: ate!!!
Ako: kevin!!!
Kevin: tanga ka!
Ako: ahahahah
Kevin: nabula ba ang zonrox?
Ako: tanga ka! Sige intayin mo bumula para bukas ka pa matapos.
---------------------------
Daddy: (nakita ang isang banner nang punerarya)
Patay na pala si major!!
Ako: ahahah…daddy yun yung pangalan nang punerarya!!!lol
Hindi si major ang patay…
---------------------
Nagluto si soon to be sister-in-law nang adobo, hiwalay ang sabaw sa laman.
Ako: ano to?
Tutoy: sabaw.
Ako: bakit hiwalay?
Tutoy: ganun daw sa kanila (soon to be sister in law) e.
----------------------
Ako: oh, eto ang sabaw.
Kevin: bakit hiwalay?
Ako: ganun daw sa kanila (soon to be sister in law) sabi ni tutoy.
Kevin: pano pag tinola?
Ako:ahahah...e di hiwalay din.
Kevin: pano pag BBQ? Hiwalay yung stick??
Ako: LOL
Kevin: ano?masaya kana don? Natawa kna??
-------------
Mababaw lang akong tao, sa mga simpleng usapan natatawa na ko.
Madalas ganan lang ang takbo nang usapan namin sa bahay. Lalo na pag inaatake ako nang topak ko.
Labels: bahay
Posted by pEyt at 8:23 PM 0 comments
Saturday, July 12, 2008
10 minutes before 12 midnight
Wala naman akong inaabangan na mag cecelebrate nang birthday niya, napatingin lang ako sa orasan namin. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko naramdaman ang oras, masyadong mabilis ang panahon, ang hirap habulin *hingal*. Nung sabado nag-simulang kumati ang lalamunan ko, ngayon inuubo nako at mahigit dalawang daan ang gamot na iniinom ko sa isang araw.
-
-
-
Parang kailan lang, magkabati pa kami nang pinsan ko, masayang naglalaro nang jolen sa labas nang bahay. Hanggang sa nag karoon nang conflict between sa family niya at sa’min. Tapos ngayon unti unti nang lumilipas ang lahat.
-
-
-
Parang kailan lang, naglalaro ako nang sipa sa malawak na field nang school namin nung elementary ako. O di kya ay pinagmamasdan ang mga nagliliparang sipa sa field at inaabangan ang tatamaan nito, lalo na pag may dadaang teacher. Ngayon, ang malawak na field ay pinatayuan nang gym. At syempre hindi na rin ako nakakapag laro nang sipa.
-
-
-
Parang kailan lang, bumuo kami nang banda nang mga kabarkada ko. Nagpractice at nakakilala nang mga iba’t ibang klase nang tao. Tumugtog at nadisband, ngunit ang samahan ay hindi nagbago sa paglipas nang panahon, nabawasan man (yung lang nabawasan lang, hindi naman kami nadagdagan e). Isang hindi makakalimutang pangarap ang nabuo, ang magpatayo nang ospital na may bar…(haha..san ka pa?) Ngayon?sa aming grupo, 2 psych, 3 nurse, 1 pharma…lahat….tambay!!heheh
-
-
-
Parang kailan lang, nang mapagalitan kami sa chapel at tanungin nang isang teacher nang hindi ko makakalimutang tanong, “are you praying?”. Ang dahilan kung bakit kami natanong ay dahil sa isang mababaw na kadahilanan, pinagtatawanan nila ang madumi kong sapatos, na halos gumulong sila sa kakatawa, yan tuloy napagalitan…
-
-
-
Parang kailan lang hindi ako marunong mag commute. Yun lang…parang kailan lang…
-
-
-
Parang kailan lang, hindi pa ako mahilig sa mga ganitong bagay. Walang inatupag kundi ang matulog, kumain, mag sounds, at matulala. Pero ngayon, daig ko pa ang nakikipag-paligsahan sa padamihan nang account. Register dito, register doon, join dito, join doon. Delete dito, delete doon =p
Ang bilis nang panahon
Halos hindi ko maramdaman ang bawat segundo
Lumilipas lang ang bawat sandali na parang hangin
Laging may mga panibagong yugto
Pero ang mga yugtong ito ay tila paulit ulit lang
Ang hirap habulin nang oras
Lalo na kung ang oras mo ay nakalaan sa maraming bagay
Ang hirap sabayan nang takbo nito
Hindi ka pwedeng tumigil, hindi mo rin pwedeng unahan
Sabayan mo ang oras
Sumabay ka sa agos nang buhay
Parang kailan lang…
Kanina gumising ako, at ngayon matutulog na ulit…
Diyos ko, Maraming salamat para sa araw na’to at sa mga darating na araw sa buhay ko...
Labels: me
Posted by pEyt at 12:34 AM 0 comments
Thursday, July 10, 2008
pamatay na quotes
Sino ba ang hindi nakaka received nang mga pamatay na quotes?
Mapa joke man yan, about love, friendship, etc. etc. etc. Mga quotes na kikiligin ka, matatakot, matutuwa, maiinis, lahat na nang pwedeng emosyon.
-
-
-
Pero isa lang ang kinoconsider ko na pamatay talaga…
ito ay walang iba kundi ang
-
-
-
-
Chain message!!!
Dahil ang chain message pag hindi mo pinasa sa iba ay mamamatay ka!!!
Pwede ring hindi ikaw, maaaring ang nanay, tatay, o sino man sa pamilya mo o ang buong lahi niyo isama pa ang mga alaga niyong aso. syet!
Hindi ka lang papatayin nang mga chain messages. Bibigyan ka din nila nang sangkatutak at libreng kamalasan na pwedeng tumagal nang tatlo o limang taon o por-e-ber!!!lLalo na ang kamalasan sa lablayp.
Minsan na akong naging lakas trip sa chain message. Kung ilang beses kailangan isend ito, ganon karami ko ibinabalik sa taong nag send sakin. Hanggang ngayon naiirita ako sa mga nagfoforward sakin nang mga chain message. eeeeerrrrrrrrrr
tantanan niyo ako!!!
Labels: cp
Posted by pEyt at 10:01 PM 0 comments
Wednesday, July 2, 2008
hmmmm
I've always been the kind of girl
That hid my face
Mahiyain ako…totoo yon…promise!!! Lalo na nung bata pa ako. Hindi ako masyado nag lalalabas nang bahay. Mga kapatid ko lang ang kalaro ko, mga pinsan ko (taguan, jolen, sikyo, sipa…boy na boy noh?).
So afraid to tell the world
What I've got to say
Hindi ako vocal na tao. As in, minsan kahit may gusto akong sabihin mas pinipili ko ang manahimik na lang. Tamang naglalaro na lang sa isip ko yung mga gusto kong sabihin. Pero ngayon hindi na sila sa isip ko lang naglalaro, pati sa mga blog entry ko. (kya nga aliw na aliw ako magregister sa mga blog sites) Tumbling tumbling ang mga words and everything. Naalala ko nung elementary ako nireklamo ako ng teacher ko, sinumbong ako kay mudra hindi dahil sa kadaldalan sa klase kundi dahil ang tahimik ko daw. Hindi ako magaling sa recitation, more on written ako. Hindi ako nagsasasali sa mga activity, tamang estudyante lang ako, ordinaryong estudyante. Nung minsang nagkaroon nang balagtasan nung elementary ako, kasali ako dahil no choice. Medyo malawak yung lugar kya kelangan nang malakas na boses. Nagulat ang mga classmates ko at mga nakakakilala sakin nung nagsalita na ako, napatunayan nila na hindi ako pipi. Pero ngayon medyo nagbago na ako, marunong nako magsalita…hahah..Pero hindi pa rin mawawala yung ako na tahimik lang pero rock.lol..
But I have this dream
Right inside of me
I'm gonna let it show, it's time
To let you know
Madami akong pangarap sa buhay. Isa na don ang matagal ko nang pangarap ang kumanta. Pero ang pangarap kong yon ay pang banyo lamang. Pangarap na pansarili lang. Minsan na akong nainvolve, nakiuso, naging myembro nang banda nung high school ako, una sa keyboard, tapos guitar, pero hindi ako naging vocalist. Alam nang mga close friends at family ko na “marunong” ako kumanta, pero wala talaga akong lakas nang loob. Walang kapal nang muks. Hanggang ngayon gusto ko pa rin maging involve sa music industry. Maging isang artist sa kahit anung paraan.
Nangarap din ako na maging isang doctor tulad nang marami nung sila’y mga musmos pa lamang.
Marami akong pangarap, yung iba nakalimutan ko na. Libre naman mangarap (isang gasgas na linya) ang kailangan lang ay may gawin ka para matupad ang mga pangarap mo.
This is real, this is me
I'm exactly where I'm supposed to be, now
Gonna let the light, shine on me
Now I've found, who I am
There's no way to hold it in
No more hiding who I want to be
This is me
Do you know what it's like
To feel so in the dark
To dream about a life
Where you're the shining star
Syempre sa mga pangarap ko, kapag nag dadaydream ako kahit gabi, ako ang bida. Sino ba naman ang gustong hamakin sa sarili niyang pelikula diba? Yun ang isang way ko para makatakas sa realidad nang buhay, paraan ko para isipin na ok ang lahat sa oras na hindi naman talaga, kaya hindi nako magtataka kung bigla ko na lang kausapin ang mga butiki sa kisame. Hobby ko na yon, hindi ako kausapin ang butiki kundi ang kausapin ang sarili ko. lol
Bida bidahan lagi ako sa mga eksena sa isip ko, pwede na nga ako gumawa nang isang teleserye o libro, chapter by chapter pag pinagsama-sama lahat nang fantasies ko, isama pa ang mga panaginip. Horror, love stories, action, name it, I have it…all in my mind.
Even though it seems
Like it's too far away
I have to believe in myself
It's the only way
I have to believe in myself and that’s what I am doing.
*the excerpt is from the song this is real, this is me from the movie camp rock*
medyo magulo...parang hindi magkakakonek yung mga sinabi ko...naguluhan ako sa ginawa ko...hahah..
Labels: me
Posted by pEyt at 8:31 PM 0 comments
Buhay prinsesa!!!
Sino? Ako?
Kung ang buhay nang isang prinsesa ay tulad ng sitwasyon ko ngayon, sana naging katulong na lang ako. lol…
Hindi ako buhay prinsesa dito sa’min. Katulong ako!!! I repeat katulong ako…
-
-
-
-
Katulong nang mga kapatid ko, taga linis nang bahay, taga hugas nang pinggan, taga plantsa, etc. etc. etc. Kahit panganay ako at ako dapat ang maging taga “utos”, baliktad ang sitwasyon. Ito ay sa kadahilanang spoiled ang mga utol ko sa’kin. Lagi silang “ate ganito, ate ganyan”. At isa pa wala akong laban sa kanila, talo ako sa height at bugbugan kahit mas macho ako sa kanila. At ang pinaka dahilan ay dahil super love ko mga utol ko kahit magkaibang magkaiba sila kaya lagi silang nagbubugbugan. Asar talo lagi ang drama nung dalawa.
-
-
-
Lumipas na naman ang isa pang araw ng buhay ko. At ganun pa rin, walang pag babago. Pero hindi ako nagrereklamo. Nagpapasalamat pa nga ako at nagigising pa ako sa umaga kahit na madalas ay tanghali na akong nagigising.
-
-
-
Ngayong araw na’to pinalampas ko ang isang pagkakataon para magkaroon nang trabaho. Kung tinanggap ko yon by Monday pwede na ako mag simula. Kung bakit hindi ko tinanggap? Parang ganito lang;
-
-
-
parang sitwasyon nang isang babaeng nililigawan nang lalake na hindi naman niya gusto or hindi siya sigurado kung mahal nga niya.
Pero bakit ako nag-apply don? Dahil, nagbakasakali lamang ako, at hindi ko naman inaasahan na magiging ganon kabilis ang proseso nila.
-
-
So pano na ngayon?
-
Wala, ganito na lang. Buhay prinsesa na inaakala nang iba.
Katulong na prinsesa…hahah
Labels: hunter
Posted by pEyt at 6:19 PM 0 comments
kanta?hinde!
Alas dose na nang hating gabi at mulat na mulat pa ko (walang kurapan).
Ngayon araw na’to masasabi kong hindi ako naging productive at hindi na bago sa’kin yon.
Bakit? Dahil buhay prinsesa ako?
Ang tanong ay walang konek sa entry.
Intro:
Wala naman talagang kwenta ang ginagawa ko, natawa lang ako sa sarili ko, sa sobrang babaw ko napapatawa ko mag-isa ang sarili ko *galing…clap*
Verse 1:
Hindi ito kanta…wala lang naisip ko lang lagyan ng verse and intro…mamaya chorus naman tapos refrain wag na adlib kasi puro adlib na…
Ay eto pala
Adlib: UMUULAN!!! Iskeyri…natrauma ata ako kay bagyong frank. Hindi ako pinatulog nang bagyong yon…syet! pano ba naman sumisipol ang hangin…kung may tono sana, ok pa…lol…waaaaaaaahhhh kelangan bilisan baka magbrownout…faster! faster!
Verse 2:
Kaya ako natawa dahil may na received akong text, eksaktong alas dose…nagulat ako kasi tahimik tapos sabay tunong ng phone ko *pikachu*…tiningnan ko kung sino, pero hindi ko binasa…may nagtext ulit *pikachu*, tiningnan ko pero hindi ko ulit binasa…naging ugali ko na na hindi muna binabasa ang mga text message lalo na kung quotes lang naman. Binabasa ko na lang yon pag wala ako magawa o pag naalala ko na may nagtext nga pala.
Chorus:
Eto na yung dahilan kung bakit ako natawa, natawa ako kahit nag-iisa…
Yun ay dahil sa mababaw na dahilan, isang biglang tanong sa aking sarili habang sa ganitong oras ay may nagtetext (alas dose ng hating gabi)…
“birthday ko ba?”
Isang malupit na tanong sa sarili ko…
Refrain:
Bigla ko lang natanong yan…siguro kasi kadalasan pag merong magbibirthday alas dose dun nagsusulputan ang mga text greetings.
Posted by pEyt at 12:18 AM 0 comments
Tuesday, July 1, 2008
Happy monthsary to me, myself and I
*Flash back epEk*
April 1, 2008 -> graduation day.
*more flash back events pero hindi ko na ikkwento dito*
Come what
May
June
July na…at eto ako, eto pa rin ako, ganito pa rin. Nagfefeeling fresh grad pa rin.
Bakit nga ba?
*well, kung alam ko lang e di sana may trabaho na ko, kinontra ko na sana ang dahilan kung bakit bum ako*
Pero gaya nang laging sinasabi ng mga batch mates ko na tulad ko:
“dadating din yung para sa’tin, hindi pa lang siguro natin time kaya savor the moment of being a bum”. Pero kung iniisip niyo na wala akong ginagawa, na hindi ako naghahanap ng trabaho, nagkakamali kayo. Ginawa ko na lahat, lahat lahat (drama). Seryoso, naghahanap naman ako, hindi naman ako basta nakatunganga lang dito sa bahay, nagpunta ako sa mga scheduled exam at interview, nag-walk in, send ng resume, phone interviews, at higit sa lahat napagod.
Sa tuwing lilipas ang bawat araw napapansin ko na paulit-ulit lang ang nangyayari. Which is wala naman talagang magandang nangyayari. Gigising ako, maglilinis ng bahay (inuuna ko ang paglilinis bago ang kumain), breakfast, makikipagchikahan sa super friend (pyuter,internet,ym,blogs,etc.etc.etc.) lunch (minsan hindi na naglulunch), back to my super friend, matulog, gigising, back to my super friend, walis walis punas punas, sounds, ligo, back to my super friend, dinner, back to super friend, tapos tutulog (repeat many times).
Kahapon muntik na masira ang super friend ko, ayaw mag-open ng mga files. OMG! What will I do ang drama ko, pero natulog na lang ako. at pagkagising ko, click click lang nang kung ano ano, at ayun naayos. Labyu super friend..more power to you!!
Sana this month magkawork nako. Actually I can start on Monday. Pero, ang daming pero sa utak ko ngayon. Hindi ko alam kung tatanggapin ko, kasi hinihintay ko pa rin yung MGA pending applicationS ko. Ang hirap kasi, kung tatanggapin ko yon, baka hindi ko ma-enjoy kasi hindi yun yung inaasan kong field of work. Hanggang bukas ko na lang pwedeng pag-isipan kung tatanggapin ko ba or hindi, pag lumipas ang bukas at wala akong response sakanila…………
Tuloy ang ligaya…heheh
repeat many times...
Posted by pEyt at 4:41 PM 0 comments
Friday, June 13, 2008
Uso ang tae ngayon…kya taena na!!!
Ewan ko kung kanino ba nag simula ang pagkalat ng tae sa pinas (o baka pati sa ibang bansa).
-
-
-
Nagbibiro man,
seryoso,
natatakot,
natutuwa,
naiinis,
nagulat,
kahit ano mang emosyon o reaksyon…
applicable ang tae.
Kahit san ka magpunta may tae.
-
-
-
Tae ka!
-
-
-
Akalain mong tae ka pala…lol
Tae na ang tawag sa tao ngayon.
-
-
-
Ano nga ba ang ikinaganda ng salitang ‘to?
(bukod sa maganda siyang pakinggan kaysa sa salitang tanginamo…yun ay para sakin lang, kung mas gusto mo ang tanginamo kesa sa tae…
tae ka!hehehe…peace!)
-
-
-
Tae ka!
>compliment?? Pag may nagawa kang makalaglag panga. Tae ka! Galing mo! Compliment diba???*palakpakan*
-
-
-
tae ka!
>pag may ginawa kang hindi maganda, ginalit ang isang nananahimik na kaluluwa… tae ka! Mamatay kana!
-
-
-
Tae ka! Isang malupeeeeeeet na banat…
“tae ka mang ituring, mahal pa rin kita!!” > ahaha..panalo…*clapsssssss*
-
-
-
Tae ka!
Ordinaryong salita ngayon.
Kung dati ang tae ay maririnig mo lang kapag:
*Eksena*
naglalakad ka kasama ang matalik mong kaaway. Bigla ka niya tinulak palayo sakanya…
Matalik na kaaway: tae!
Tinulak ka niya hindi dahil galit siya kundi dahil may tae sa daraanan mo.*sweet*
-
-
-
Dadating ang panahon at ang tae ay lilipas din. Unti unting mawawalan ng amoy at hindi na aalingasaw pa. At sa paglipas ng panahon panibagong pauso na naman ng mga walang magawang tae ang susulpot.
Labels: taeng post
Posted by pEyt at 12:11 AM 2 comments
Thursday, June 12, 2008
tara na, byahe tayo!
Kahapon pinilit ko ang bumangon nang maaga. Ang imulat ang mga mata para simulan ang isang makabuluhang bagay at hindi lamang ang pag papalabo ng mga mata ang atupagin mag hapon.
Ginawa ko ito dahil gusto ko na ayusin ang buhay ko.
AYOKO NA MAGING TAMBAY!!!lol
7:30 umalis nako ng bahay, alas otso nakasakay ako ng bus.
Ordinary bus lamang ang sinakyan ko dahil sa isang ordinaryong bus andon ang mga ordinaryong tao. Mga tao kung saan masasalamin mo ang totoong kulay ng mundo. Mga iba’t ibang klaseng taong hindi mahilig sa PINK (hahah)… dito matatanaw ang rainbow color ng buhay. Kaya sakay na! mag pausok at mag-painit…ahahah
in short nag ordinary bus ako dahil NAGTITIPID si ako.
Naupo ako sa tabi ng mag-ina (ewan ko kung mag-ina nga sila, pero sabihin na nating mag-ina nga sila).
Tahimik pa ang byahe.
Wala pang kakaibang nangyayari.
Sa tuwing sasakay ako ng bus, ordinary man o hindi, e nag-iintay ako ng mga unexpected events.
Eto na…
Eto na…
Eto na…
Habang nananahimik ako sa pagkakaupo ko, nag-mumuni-muni ay bigla na lang sumigaw ang batang katabi ko. Nagulat ako at napatingin. Taena! Yung bata ay natutulog at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang sumigaw. Lupet!!! (aylabit…ahaha) Kahit saan talaga ako magpunta hindi mawawalan ng autistic. Talagang ako’y sinusundan nila…(*note – sinabi ko lang yon pero hindi ako sure kung autistic nga ang batang yon)
Eto pa…
Eto pa…
Eto pa…
Iba ang trip na sounds ni manong driver. Old songs ang mga pinatutugtog. Pero nang pinatugtog ang Breathless at nang malapit na itong matapos, syet! may tumilaok!!! Nakanampucha!!! may kasakay na naman akong manok. Pangalawang pagkakataon na ito na nakarinig ako ng tilaok ng manok sa loob ng bus. Ano bang ibig sabihin nito? Na mag sabong na lang ako at wag na maghanap ng matinong trabaho?na tinatawag nako ni san pedro?
Wag naman sana dahil madami pa akong pangarap…damn!!:)
Nakauwi naman ako ng maayos, kaya nga nagawa ko to e.
Pero sa lahat ng narinig ko nung araw na yon isa lang ang hindi ko talaga makakalimutan. Nang tinanong ako ng nag-interview sakin ng:
“are you sad?”
Tsk tsk…ang hirap talaga itago ng sadness. Kahit paabutin mo pa ang ngiti mo hanggang tengga, waepek. Halata siguro sa mga mata ko. Ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay:
“no!”
-
-
-
-
-
Puyat lang…nag-adik!!!lol…
Posted by pEyt at 6:59 PM 0 comments
Tuesday, June 10, 2008
nawawalang pangarap
Natatakot akong sumugal sa ganitong relasyon.
Ang alagaan ka at ipadama ang pag mamahal ko.
Buong buhay akong naging takot sa ganitong sitwasyon.
Exaggerated man pero takot talaga ako.
Siguro dahil sa isang mapait na karanasan sa isang tulad mo,
na nagdulot ng pagdurugo na kailanman ay hindi ko makakalimutan.
Pero ngayong handa na ako at wala nang makapipigil sa naging desisyon ko,
Handa na ako na sumugal at harapin ang katotohanang maaari kitang mahalin
at maging bahagi ng buhay ko.
ngunit bakit sadyang kay lupit ng tadhana?bakit kung kelan handa na ako saka ka niya kukunin?saka ka mawawala sa akin,
aangkinin ng iba na para bang pag-aari niya.
Bakit?
Dahil hindi pa napapanahon? Dahil ba hindi ka talaga para sa akin??
Huhuhu ;c
Wala na si lhabskhikay…
kinuha siya nung bata...huhuh;c
Labels: pusa
Posted by pEyt at 2:45 PM 0 comments
try and try then kill your self
“if at first you don’t succeed…keep flushing”
Madaming dumi…
Madaming “pupu”…
Madaming ebak…
Madaming ipot…
and everything…
Sa dami ng tawag dito, sa iisang bahagi lang ng katawa sila lumalabas…kung hindi mo alam…hindi ka tao at hindi ka rin hayop, so ano ka??!
Na depressed ako nung nakaraang araw. Bakit? Dahil 2 months and 10 days nakong tambay/tengga/bum/palamunin/patabaing baboy. Kung tutuusin ang dalawang buwan ay hindi naman ganon katagal na pag tambay para sa isang “fresh” grad (pampalubag loob ko lang yon para hindi ako mabaliw!!!) pero seryoso (minsan talaga kelangan ko mag seryoso) nalulungkot talaga ako. kahit na ilang beses akong patawanin ng u-a-2 b-u-t-4-gurl e sadyang bumabalik pa rin ang lungkot lungkutan mode ko. Pero saglit lang naman, siguro mga less than 1 hour =p.
Pero nung (nakalimutan ko na kung kelan) ibang disappointment ang naramdaman ko. (promise!)
I feel sorry for my self (with matching punas ilong dahil nose bleed)
Pero ngayon hindi ko na masyado iniisip ang mga bagay bagay…
Ang motto ko ngayon:
Come what may!!!
Habulin mo ko kung bibigyan mo ko ng trabaho…bwahahah…
Madami pa rin sa mga kabatch ko ang tulad ko kaya hindi ako nangangamba. Siguro saka ko na ibibitin ang sarili ko pag ako na lang ang walang trabaho sa mundo.
Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang tumambay sa harap ng screen at unti unting palabuin ang mga mata at magregister sa kung ano anong site. Kahit papaano e naeenjoy ko pa naman ang ganito, salamat sa internet connection kahit na minsan e choppy siya at salamat din sa mga online buddies ko...
Labels: dos
Posted by pEyt at 10:31 AM 0 comments